Ten

46.9K 1K 45
                                    

Chapter Ten

I checked my watch and its says five thirty in the afternoon. I slid down my left hand in the pocket of my blazer then I touched something. It's the note that Ian gave me from Adam. Napailing ako sa idea na pumasok sa isip ko. Imposibleng iniintay niya pa din ako. Imposible ang iniisip niya na magbabago ang isip ko at susunod ako sa kanila. Imposible na hanggang ngayon nandoon pa din sila kasi sigurado ako nagliligalig na si Madison.

I checked my phone nang magvibrate ito.

|Your daughter wants to see you. -Adam|

Matapos niyang kidnapin ang mga anak ko, sasabihin niya na gusto akong makita ni Madison? And where the hell did he get my number?!

Tinawagan ko kaagad ang secretary ko.

"Hello, Honey. Pakicontact nga ang Globe at magpapapalit ako ng number!"

"Ate, magpapalit ka ulit ng number? Kakapalit mo lang nung isang linggo ah! Mula ng dumating si Kuya Adam. Bakit?" sabat ni Ian na hanggang ngayon eh nagsosort pa din dun sa isang tabi.

"Kasalanan mo to! Bakit mo ba kasi ibinigay kay Adam ang number ko? Yun na nga eh, andito na siya sa bansa kaya nagpalit na ako ng number last week. Hindi na niya ako kailangang itext pa para kamustahin ang kambal and besides marunong na naman magtext yung kambal."

"Hindi na nga niya kailangang kamustahin ang kambal, pero ikaw paano ka niya kakamustahin?"

"At bakit naman niya ako kakamustahin, aber? Pwede ba Ian, magtrabaho ka na lang! Umaga ka pa nagsimula dyan pero hanggang ngayon, hindi ka pa din tapos. Ibabagsak kita sa training mo!"

"Sorry naman. Kanina kasi nung nasa meeting ka ng mga clients eh ipinakilala ako ni Daddy sa mga tauhan niya. Anong akala mo nag suit and tie ako para lang magkulong sa opisina mo?"

"And?"

"Ayun. Mukha naman silang mababait, tapos si Mr. Carbonel, he looks familiar. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita."

"Baka sa mga magazines kung saan nakakasama siya ni Papa?"

"Hmmm.. Siguro."

"Bukas mo na tapusin ang mga yan. Umuwi na tayo. Siguro naman naiuwi na ni Adam ang mga anak ko."

"Sure ka? Paano kung nadala na pala sa ibang bansa? Paano kung naitakas na niya?"

Napahawak ako sa sintindo ko habang naglalakad kami palabas ng building.

"Kay Adam ka na kaya tumira at huwag sa akin?"

Tumawa naman siya bigla.

"Alam na alam mo talaga kung sino ang kakampi ko noh? Hahaha!"

Nakita kong nakaparada ang kotse ni Adam sa harapan ng bahay nang makarating kami ni Ian. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang naiuwi na niya ang mga bata. Naunang pumasok si Ian sa loob ng bahay. Nagdiretso siya sa kanyang kwarto.

Binuksan ko ang pinto ng kambal and I saw Adam lying on the bed with the kids. Nakahiga sa braso niya si Madison at katabi naman ni Madison sa kabilang side si Landon. Mukhang tulog na tulog silang tatlo. Humakbang ako papalapit sa kanila. Parang flashback lang. It's been two years since the last time I witnessed this moment. Kapag mauuna si Adam na umuwi kesa sa akin mula sa opisina because he wants to pick up the kids from the school. I will text him na late ako uuwi dahil marami pang kailangang tapusin sa opisina that requires deadline.

Itinabi ko ang sapatos ni Adam. Inayos ko din ang higa ni Landon. His right hand is hanging onto the bed. Sa kabilang side ng kama ay nakita ko ang sapatos ng kambal. Inayos ko din ang mga iyon.

"Arkisha," tawag ni Adam. Nakatalikod ako sa kanya at nang humarap ako ay nakamulat na ang kanyang mga mata.

"Ssshh," senyas ko sa kanya. Unti unting niyang inayos sa pagkakahiga si Madison. He did his best not to wake her up at pagkatapos unti unti siyang bumangon.

Nang makatayo siya ay naglakad na ako palabas ng kwarto, baka kasi magising pa ang mga bata.

"Anong oras mo naiuwi ang mga bata?" tanong ko sa kanya pagkalabas naming dalawa sa kwarto.

"Kani-kanina lang. We waited for you," sagot niya.

I looked at him. He's wearing a blue shirt and pants. I looked down and saw his barefoot while he is too preoccupied on looking at my face. Nahuli ko kasi siyang nakatitig sa mukha ko pag-angat ng tingin ko sa kanya.

"You know I have a lot of works to do. Dalawang linggo akong nagbakasyon."

"You could've at least have some time to be with us, I mean with your kids."

Naririnig ba niya ang sarili niya?

"Adam, we both know I have time for my kids. I've spent all my life taking care of them. What is wrong with you?"

"I'm sorry. It's not what I mean. Guess I have to go."

"That's a good idea," sagot ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng kwarto ko.

I don't know. I just can't stand being with him at the same place anymore. Hindi ko alam kung dahil ba sa galit na nararamdaman ko o dahil sa galit na nararamdaman ko. Right. Walang pagpipilian. Naiinis ako kay Adam for acting like that. For acting so normal samantalang ako, nahihirapan na kaharap siya. How did he do that? Magbakasyon din kaya ako sa bansang pinuntahan niya ng dalawang taon? Maybe I will learn how to act that way.

Nagshower na ako at nagpalit ng damit. Pagpasok ni Ian bukas ay hahayaan ko ng yung trainor ang magtrain sa kanya. Mauubusan talaga ako ng dugo sa kapatid ko. I won't let him inside my office kasi sigurado wala na naman siyang ibang gagawin kundi asarin ako. He's a total distraction. Akala ko pa naman kaya talaga siya sumama sa akin dito eh para bantayan ang kambal ko. Hmp. Naisahan ako ng batang yon ah!

Nahiga na ako sa kama and closed my eyes. Lintik naman oh! Hanggang sa pagpikit ba ng mga mata ko eh boses pa din ni Adam ang maririnig ko? Hiwalay na nga kaming dalawa pero hindi pa din ako pinatatahimik ng boses niya.

His laugh.

Damn! I can hear his laugh.

God Adam Jacob! Leave me alone!

But no, palakas ng palakas ang tawa na naririnig ko.

And then it's gone.

Finally.

I roll to the other side of the bed. And this time, I hear another laugh.

Not again!

But this time, the laugh does not belong to Adam.

Bumangon ako sa kama, I put on my robe and decided to go outside. I think I need some fresh air. Hindi ako makakatulog kapag ganito. Naririnig ko na naman ang tawa ni Adam habang pahakbang ako sa pinto ng kwarto.

There's no way in hell na hanggang ngayon nandito pa din siya sa pamamahay ko. Lumabas ako ng kwarto ko and there he is, drinking and laughing with my brother at the living room. Akala ko ba umalis na siya?

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon