Thirty Nine

43K 1K 208
                                    

Chapter Thirty Nine

"Can we talk?"

"S-sure."

Nagpunta kami sa cafeteria ng hospital. Napansin ko na naging mapili siya sa inorder niyang pagkain. Sinabi niya sa akin na madami raw ang bawal na pagkain sa kanya.

Naupo na kami matapos naming makuha ang order namin.

"Gusto kong mag-sorry sa inasal ko sa'yo last time. I'm really sorry. Hindi ko alam. Nito ko lang nalaman ang lahat. I didn't know you are his sister," sabi ko.

"Half-sister," pagtatama niya.

Hindi ako nagsalita.

"Akala nga ng Mommy ko, boy ako noong ipinagbubuntis niya ako. Ang sabi pa niya, Khalil daw dapat ang pangalan ko kung sakaling naging lalaki ako, pero mali ang ultrasound."

Nagpakawala pa siya ng maiksing tawa.

"I was twenty-five when we found out that I have a leukemia. Mommy ko lang ang mag-isang nagpalaki sa akin. May business naman kami noon kaya nakakaya pa niya akong ipagamot tsaka hind pa naman ganito kalala," kwento niya.

I had goosebumps sa sinabi niyang "hindi pa naman ganito kalala". Nagsimula akong kabahan.

"Until one day, inatake sa puso ang Mommy ko. Lahat ng naipundar niya naubos mula sa burol, libing at sa pagpapatuloy na gamutan ko. Bago mamatay si Mommy sinabi ko na noon na lalapit ako kay Daddy pero ayaw niya. Mataas ang pride ng Mommy ko. Hindi nagkatuluyan ang Mommy ko at Daddy ni Adam. Sabi ng Mommy ko, bata pa raw sila noon at parehas pa silang hindi handa sa responsibilidad. Nagpanic silang dalawa ng minsang ma-delay ang Mommy ko. Gulong-gulo raw noon ang Daddy ko dahil hindi niya alam kung paano sasabihin sa parents niya ang tungkol sa Mommy ko. Gusto raw makipagkita noon ng Daddy kay Mommy pero hindi pumayag ang Mommy ko dahil minsan daw ay nabanggit sa kanya ng Daddy ko ang tungkol sa abortion. Natakot daw si Mommy kaya hindi siya sumama rito."

"Hindi magagawa ng Mommy ko ang bagay na 'yon kahit nga ba hindi pa siya sigurado kung may bata nga ba sa tiyan niya. Nagpacheck up ang Mommy ko sa OB and it was confirmed that she was pregnant. Tumawag ang Daddy ko sa kanya, sinabi niya na negative ang resulta. Yes. She lied. Hindi na niya hinintay ang reaksyon ng Daddy ko dahil hindi niya kakayaning marinig kung sakaling natuwa ito sa resulta. Hanggang sa hindi na nagparamdam ang Mommy ko sa Daddy ko. Lumayo siya at pumunta ng Amerika. Wala siyang pakialam kahit lumaki akong walang ama. Mas hindi niya kakayanin kapag nawala ako sa kanya."

She checked the time on her watch at itinaas niya ang long sleeves niya. Napansin ko ang mga pasa sa braso niya.

"I was twenty nang bumalik kami sa bansa. Nang malaman namin na may sakit ako, hindi na kami makabalik sa Amerika dahil wala na kaming bahay doon at naipagbili na kasi nga nagstart kami ng business dito sa bansa. Six months after mamatay si Mommy, saka ako nagpakita sa Daddy ko. Ayaw man ng Mommy ko na lumapit ako sa Daddy ko pero tingin ko maiintindihan naman niya ako. Choice niya raw yun kaya hanggang sa huli papanindigan niya. Ma-pride lang talaga siya pero ramdam ko na gusto niyang din na makilala ko ang Daddy ko. All my life, palagi kong pinagpaplanuhan ang mga sasabihin ko sa kanya. Kahit ayaw ni Mommy na lumapit ako kay Daddy, ginawa ko pa rin. I have always wanted to meet him."

"When he saw me, hindi ko nabasa sa mga mata niya ang pag-aalinlangan. Right there and then, when I mentioned my Mom's name, alam niya na anak niya ako. Niyakap niya ako and he was crying, Arkisha. He said he was sorry. Ang sabi pa niya hinanap daw niya ang Mommy ko. In fact, nasabi na raw niya noon sa Mommy niya ang tungkol sa Mommy ko and the possibility na buntis ito. He admitted that he mentioned something about abortion but he will never ever do that. Never."

"He told me na mahal na mahal niya ang Mommy ni Adam but that doesn't mean na hindi niya minahal ang Mommy ko. Siguro may mga bagay talaga na hindi meant to be. Kahit pa gaano katagal o kalalim ang pinagsamahan nyo, kung hindi kayo para sa isa't isa, hindi kayo. Kahit marami kayong pinagdaanan, to the point na akala nyo kaya nyo na ang lahat na dumating na pagsubok, kung hindi kayo eh hindi kayo."

Ang swerte ko pala.

Madami kaming pinagdaanan ni Adam. Hindi din biro ang sakit na naramdaman ko noon. Maswerte ako na sa kabila ng pagsubok at sakit na dinanas ko noon, sa huli kami pa ring dalawa ang magkasama. Maswerte ako na mahal ako ng taong mahal ko. Maswerte ako dahil ipinaglaban ako ni Adam noon at magpahanggang ngayon.

Maswerte ako dahil kahit nagtago ako kay Adam noong nagbuntis ako ay hinanap niya pa rin ako. Maswerte ang mga anak ko dahil may kinikilala silang ama.

Maswerte din ang Mommy ni Anika dahil dumating si Anika sa buhay niya. Akala ko matapang na ako pero mas matapang ang Mommy ni Anika.

"Humahanga ako sa Mommy mo," sabi ko habang hawak ko ang kamay niya.

Ngumiti siya.

"Nakaya ka niyang palakihin ng mag-isa sa loob ng napakahabang panahon. Kung ako nga, noong maghiwalay kami ni Adam sa loob ng dalawang taon, hindi biro ang alagaan sila, what more yung Mommy mo, diba?"

She nodded.

This time, kamay ko naman ang hinawakan niya ng mahigpit.

"I'm sorry, Arkisha," bulong niya. "I'm sorry kasi nawala ang baby mo dahil sa akin," dagdag niya.

"Anika.."

"Kung hindi kayo papunta para i-meet ako, hindi sana kayo maaaksidente. I'm so sorry."

Hindi na napigilan ni Anika ang emosyon niya at tumulo na ang mga luha niya.

"Anika, it's not your fault," sabi ko.

Tumayo ako at niyakap siya. Natakot ako kasi mukhang magbebreak down na talaga siya eh may sakit pa naman siya. Baka makasama sa kanya.

"Narinig kong nag-uusap sina Venice at Paris sa phone last night. May ibinigay kasi siya sa akin kaya pinapunta niya ako sa bahay. Hindi ko sinasadyang marinig na buntis ka pala noong maaksidente kayo. Inilihim sa akin ni Adam ang bagay na yon, siguro balak niya akong i-surprise kung sakaling nagkita tayo noon."

"Kinausap mo ba si Venice tungkol dito? I mean, after mo marinig?"

"She saw me actually at hindi ko makakalimutan ang reaksyon niya. Sinabi niya na huwag ko raw isipin na ako ang may kasalanan."

"Dahil hindi naman talaga, Anika. It was an accident."

"Sabi ni Venice, tuluyan na raw nilang inilihim sa akin ang tungkol sa miscarriage mo dahil baka raw makasama sa kondisyon ko."

Tumango-tango ako. That was the right thing to do. Nakahinga ako ng maluwag nang tumigil siya sa pag-iyak.

"Nagpapacheck up ako, nang una kitang makita sa hospital. Tuwang tuwa ako dahil finally nakita na din kita. I was so excited to meet you. Palagi kang ikinekwento sa akin ni Adam. Kung paano kayo nagkakilala, yung set up ninyong kakaiba, hanggang sa paghihiwalay nyong dalawa. Sinabi niya sa akin na kaya raw kayo naghiwalay kasi may mga bagay na hindi nyo napapagkasunduan. Naniwala na lang ako sa kanya. And besides hindi din naman namin pinag-uusapan ang tungkol sa hiwalayan nyo. Ang palagi niya lang ikinekwento sa akin ay kung gaano ka niya kamahal. That one of these days, babawiin ka niya at kapag dumating ang araw na yon, wala siyang ibang gagawin kundi iparamdam sayo kung gaano ka niya kamahal. Pupunan daw niya ang halos dalawang taon na nawala."

Masaya ako na mahal na mahal ako ni Adam, pero mas masaya ako kasi hindi lang ako ang nakakaalam na mahal na mahal niya ako.

"I don't know if I have the right to say this but please Arkisha, itigil mo na ang paghihirap ng kapatid ko. Let him love you again. I know you still love him, I can see it in your eyes."

Ganun ba ako ka-obvious? 

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon