Seven

50.7K 877 43
                                    

Chapter Seven

Arkisha's POV

"Be sure you don't skip your meals okay?" paalala ko kay Landon.

Sa bahay ng mga Castrences sila tumuloy kasama si Venice. Gabi na din nang makarating sila. Iilang oras pa lang silang nawawalay sa akin pero miss na miss ko na sila.

"Sigurado ka bang magiging okay ka pagbalik mo ng Maynila?"

Lumingon ako kung saan nagmumula ang boses and I found my mother. Umupo siya sa upuang kahoy na binili pa nila ni Papa mula sa Baguio.

"Ma, I'll be fine. You don't have to worry. Kaya ko ang sarili ko," I assured her.

"He is your weakness, baka nakakalimutan mo."

I can't blame my Mom. She knows me very well. Yes, Adam was my weakness. Past tense. Err. Sounds familiar??

"It's been almost two years. I think handa na ako."

"You think but you are not sure."

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin yun. Nilapitan ako ni Mama at hinawakan ang kamay ko.

"Arkisha, the last thing I want to happen is masaktan ka. Ayoko na ulit makita kang iiyak ng dahil sa lalaking yon. Alam ko lahat ng pinagdaanan mo."

"Ma, mali ba na pinatawad ko siya noong ipinagbubuntis ko pa lang ang kambal? Mali ba na minahal ko siya?"

"Arkisha, ang tanging pagkakamali mo lang ay minahal mo siya ng sobra."

A tear fell on my cheeks. Niyakap ko si Mama.

"Lahat ng sobra ay masama. Tatandaan mo yan."

***

(Flashback)

IAN's POV

Mas pinili kong dito dumaan sa likod na bahagi ng school pabalik sa library para isoli ang mga hiniram kong libro tungkol sa History. Mas madali kasi ang daan dito at wala masyadong tao.

"Sino ba kasi ang nag-utos sayo na hintayin mo pa ako? Diba itinext kita na umuwi ka na lang?!"

Natigil ako sa paglalakad nang may narinig akong boses ng lalaki na sumisigaw. It would be awkward kung magpapatuloy ako sa paglalakad. Mukhang may kaaway siya. Sa harapan na nga lang ako dadaan kahit na mas mapapalayo pa ako.

"I-I'm sorry. Nag-alala kasi ako. Hindi mo naman kasi sinabi sa akin kung saan ka pupunta eh," sagot ng babae sa tono ng boses ay umiiyak.

That voice. That familiar voice.

Nagtago ako sa may pader at sumilip upang makumpirma kung siya nga ba ang nagmamay-ari ng boses na iyon. And I was right. Kaharap niya si Arwin, her current boyfriend. Bakas sa mukha ni Arwin ang galit habang patuloy naman ang pagtulo ng luha ni Nikki.

"Nikki, hindi na ako bata! Hindi mo kailangang mag-alala sa akin. Sa parents ko nga hindi ako nagpapaalam, sayo pa."

"I'm sorry Arwin, hindi na mauulit." Unti unting hinawakan ni Nikki ang kamay ni Arwin.

"Okay. Ayoko ng mauulit to. Magkita na lang tayo mamaya," paalam ng lalaki at naiwan magisa si Nikki.

Pinagmasdan ko muna siya ng matagal bago ko siya nilapitan nang makaupo siya sa bench. Alam kong hindi siya agad aalis dito. Alam kong hindi pa siya magpapakita sa mga tao. I just know.

Inabutan ko siya ng panyo matapos kong ipatong sa lap ko ang mga dala kong libro. Noong una ayaw pa niyang tanggapin ang panyo at sinabi niyang ok lang daw siya. Pero sino bang maniniwala?

"I'm sorry narinig ko yung pinaguusapan nyo," pag-amin ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at para bang nahihiya. Pinunasan niya ang luha niya gamit ang panyo ko at pilit na ngumiti.

"Ah, wala yon. Ganun lang talaga si Arwin. Sanay na ako dun. Okay naman kami," sabi niya and this time mas lumapad ang ngiti niya.

Gusto kong hawakan ang kamay niya. Gusto kong ayusin ang magulo niyang buhok. Gusto kong punasan ang luha niya pero ang tanging kaya ko lang gawin ay titigan siya sa kanyang mga mata at tingnan ang sakit na nararamdaman niya na kanina pa niyang pilit na itinatago.

Napansin kong panay ang lingon niya sa paligid kaya naman tumayo na ako.

"Mauna na ako kung ganun. Wag ka ng umiyak. Huwag mong sayangin ang luha mo," at nagsimula na akong maglakad palayo.

Nang pabalik na ako nakita ko pa sa hallway si Arwin kasama ang mga kabarkada niya na masayang nagtatawanan. Napapailing na lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa library kahit na ang tanging gusto kong gawin nang mga oras na yon ay ibato sa kanya ang mga hawak kong libro.

"Finally, napabalik din ang librong ito," bungad sa akin ni Mrs. Ladra, ang aming librarian. Inabot niya kaagad ang mga hawak kong libro. Ganun ba kahalaga ang librong hawak ko at para bang kanina pa niya hinihintay na mapabalik ito.

Siguro ganun katransparent ang reaksyon ko kasi sinagot niya ang tanong ko eh.

"May estudyante kasing kanina pa pabalik balik dito at hinahanap ang librong ito. Sana bumalik na agad siya."

Akala ko naman kung anong importanteng dahilan. Lumabas na lang ako ng library matapos kong isoli ang History Book.

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon