Chapter Twelve
Ni hindi ko nagawang silipin kung ano man ang pagkaing dala ni Adam. Can't he just stay at his office all day? Mas mabuti pa noong nasa ibang bansa siya, walang Adam na nanggugulo sa akin. Walang Adam na biglang susulpot. I don't like it when he's around. I don't like when he's talking to me. I don't like the way my heart responds.
"Huhulaan ko ha, nag-away na naman kayo ni Kuya Adam."
I just rolled my eyes at Ian na kakapasok pa lang ng opisina ko eh obvious na obvious na ang tanong.
"Ang taas taas na kasi ng pader ng itinatayo mo eh. Mahihirapan talaga siyang buwagin yon."
"Kasing taas ng pader na itinatayo ko ang lalim ng mga salita mo. Tsaka, ganun talaga Ian. Kapag ang tao ilang beses ng nasaktan, gagawin niya ang lahat para hindi na maulit yon kaya kung kinakailangan na magtayo ako ng mataas at matibay na pader sa pagitan namin ni Adam ay gagawin ko maprotektahan ko lang ang sarili ko. Ang bagay na hindi niya nagawa."
"Patingin nga," sabi ni Ian at hinawakan ang baba ko. Tiningnan niya ang mukha ko.
"Ano bang ginagawa mo?"
"Tsk. Tsk. Malalim nga, Ate. Malalim nga ang pilat oh," sabi niya sabay turo sa pilat sa ilalim ng kilay ko.
Inilayo ko ang kamay niya. Kung ano ano talaga sinasabi niya. Hindi naman kalaliman ang pilat kong yon.
"Mai-connect mo lang din talaga eh noh?"
"Eh mukha kasing naha-highblood ka na naman eh."
"Halika na nga, kumain na lang tayo," yaya ko sa kanya.
"Eh paano to?" turo niya sa pagkain na dinala ni Adam.
"Ibibigay ko na lang sa secretary ko."
Sa isang restaurant malapit sa office lang kami nagpunta ni Ian. Oorder ako ng halo-halo. Kailangan kong magpalamig.
"Venice?"
Lumapit ako sa babaeng tinawag ko and I was right. It was Venice.
Bakas ang pagkagulat sa mukha niya.
"H-hi! Arkisha? A-anong ginagawa mo rito? Kasama mo ba si Adam?"
"Huh? No," mapait kong sagot.
"Is that so? Ang akala ko kasi yayayain ka niya mag-lunch?"
"I'm with Ian," at tinawag ko si Ian na lumapit sa akin. Nag-"hi" naman si Ian sa kanya. "Ikaw, bakit ka mag-isa?"
"Actually I'm with someone," naiilang niyang sagot. Sinundan ko ang tinitingnan niya and I found a tall and handsome guy na sa tantya ko ay nasa early thirties. Papalapit ang lalaki sa table ni Venice. "Arkisha, Ian, this is Patrick. Patrick, meet Arkisha, Adam's wife and her younger brother, Ian."
We shake our hands and he smiled at me.
"Ah. So you are 'The Arkisha'! Finally, we met! I've heard so much about you," sabi ni Patrick.
"Pleased to meet you," sagot ko and I smiled back.
Hindi na kami sumabay sa pagkain kina Venice, bukod sa patapos na din naman sila eh mukhang kailangan nila ng privacy kaya bumukod na lang kami ng table ni Ian.
"So tell me about Nikki."
Halos maibuga ni Ian ang laman na pagkain sa bibig niya.
"Are you serious? Are you doing that to divert from our topic kanina sa office mo?"
"I think it's about time na ikaw naman ang igisa ko kasi simula ng bumalik si Adam sa bansa eh wala ka ng ibang ginawa kundi asarin ako ng asarin. So ano na nga? Kailan kayo huling nagkita?"
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.