Twenty Two

41.9K 952 117
                                    

Chapter Twenty Two

Hindi kaya ako ang nagdidiliryo at hindi si Adam? Nasa langit na ba ako? Hindi pa akong pwedeng mamatay. Ang babata pa ng mga anak ko, gusto ko pang matutong magcross stich, tsaka kailangan ko pang umattend pag kinasal si Jam. Pangarap kasi yun ni bakla, ang ikasal. Gusto raw niya yung mas bongga pa raw sa kasal ko. Pero bakit parang nakakakita ata ako ng anghel?

Pumikit ako at nagmulat ulit ang mata ko. Ngumingiti yung anghel.

"Good morning!"

Shit. Nagsasalita yung anghel. English pa!

"It really feels great waking up beside you," dagdag pa nito.

Foreigner nga ata yung anghel.

Pero ang anghel na ito ay kamukha ng demonyo kong asawa. EX, I mean.

I was about to stand up nang hawakan niya ako sa braso.

"Teka lang naman. I-extend naman natin yung sinabi ko kagabi. Tsaka may sakit pa ako oh," sabi ni Adam at inilapat niya ang kamay ko sa leeg niya.

"Nasa utak ang sakit mo, Adam," sagot ko. Hihirit pa kasi.

"Ibig mong sabihin isa kang sakit?"

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Eh ikaw lang naman ang laman ng utak ko eh," sagot niya.

Kalma, Arkisha. Si Adam talaga ang nagdidiliryo. Tingnan mo, kung ano ano na ang lumalabas sa bibig.

Ngumiti ako sa kanya.

"Hindi totoo yan, masyado akong malaki para magkasya sa utak mo," diin ko sa kanya.

"Alam ko, kaya nga umabot ka na rito eh," sabi niya at mula sa ulo niya ay ibinaba niya ang kamay niya sa may dibdib niya.

"Ha-ha," sagot ko na lang. "Wala ka ng lagnat, Adam. Sure ako."

Tumayo ako at nagdiretso na sa banyo.

Kailangan kong tawagan si Venice at ipasundo ang magaling niyang kapatid. Nakakatakot kaya. Mamaya niyan kung anu-ano pa ang matutunan ni Ian sa kanya. Psssh!

Nang makapagbihis ako ay nakita ko si Adam na naghahanda ng breakfast.

"Wala ka bang pasok?" tanong ko kay Adam pagkatimpla ko ng kape ko.

"Nakaleave ako," sagot niya. Tiningnan siya ni Ian.

Napataas ang kilay ko. Sa akin naman ibinaling ni Ian ang tingin niya.

"Himala," bulong ko. "Kakayanin ba ni Venice ang pagpapatakbo ng CGC?"

"Aha."

"Hanggang kailan naman ang leave mo?"

"Depende."

"Depende saan?"

"Depende sayo."

"Sa akin? Bakit ako?"

Nilapitan niya ako at hinawakan sa balikat at inalalayan sa pag-upo sa silya.

"Aish. Wag ng maraming tanong. Kumain ka na lang."

"Hindi ako nagugutom."

"Hindi yan totoo. Magkakape ka lang? Sinabi mo sa akin noon na sumasakit ang ulo mo kapag kape lang ang iniinom mo sa umaga. Tsaka pasasalamat ko na din ito sa pag-alalaga mo sa akin kagabi."

"Inalagaan ka niya Kuya Adam?!" nanlalaking matang tanong ni Ian.

Pakshet. Andito nga pala ang magaling kong kapatid.

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon