Twenty Eight

40K 932 57
                                    

Chapter Twenty Eight

(Flashback Part II)

I can't wait to tell Adam the good news. I'm pregnant. I'm fucking pregnant!

"Congratulations, Arkisha!" maligayang bati ni Paris. Niyakap niya ako at bakas na bakas sa mukha niya ang ngiti. "Sana girl," dagdag pa niya.

Tiningnan ko si Brent at masaya din siya sa magandang balita.

Iba sa ang pakiramdam ko kumpara sa unang beses na nagbuntis ako. Noong una kasi complicated pa ang sitwasyon namin ni Adam. Samantalang ngayon, kasal na kami. May dalawa na kaming anak at ngayon madadagdagan pa kami ng isa. Kung posible lang ang teleport, pupuntahan ko kaagad si Adam sa abroad.

This scene is too familiar. Palagi na lang nasa ibang bansa si Adam kapag malalaman kong buntis ako. Should I be worried kapag pupunta siya palagi sa ibang bansa? I mean, who knows? Next year, pag nag-ibang bansa ulit si Adam, buntis ulit ako. But no, I don't see anything wrong about it. Masayang masaya ako na buntis ako. Malaki na din naman ang kambal kaya dapat na talaga silang masundan and besides gusto ko din naman ng malaking pamilya.

Kinabukasan, umuwi kaagad si Adam nang malaman niyang buntis ako. Hindi ko na din naman napigilan pang sabihin sa kanya. Hindi katulad noon na hinintay ko pa siyang umuwi mula sa ibang bansa bago ko sabihin sa kanya ang kalagayan ko.

"I love you so much baby."

Niyakap kaagad ako ni Adam pagkadating niya. Hinalikan niya ako sa labi and I kissed him back.

"I miss you so much and I love you more, Adam," sagot ko between our kisses.

"May bisita ka ba ngayon?" tanong ni Adam nang marinig niyang nagbukas ang gate.

Lumingon naman kami parehas sa labas at nakita naming papasok sina Venice at Paris.

"We're stealing your wife today," sabi ni Paris.

"What?! Kakadating ko lang mula Singapore at ngayon gusto nyo kaagad siyang ilayo sa akin? Saan naman kayo pupunta?" tanong ni Adam habang nakawakan ang kamay niya sa bewang ko.

"Ipagsha-shopping namin ang bago ninyong baby. Pinayagan kami ni Daddy na magday off ngayon at tamang tama kasi nasa school ang kambal nyo so pwedeng pwedeng lumabas si Arkisha. Right, Arkisha?" sabi ni Paris.

Tiningnan ko si Adam at naghihintay ako ng sagot mula sa kanya. Syempre gusto ko din naman makasama si Adam. Ilang araw din siyang wala kaya naman miss na miss ko siya. Pero hindi naman sa ayaw kong makasama sina Venice at Paris, at ipagshashopping daw namin ang baby. Wow! That sounds exciting!

Adam was about to say something nang biglang tumunog ang phone niya.

"Hello, Dad," sabi ni Adam sa kabilang linya.

Nagtinginan naman sa isa't isa sina Venice at Paris.

"What?! Akala ko ba naclose na natin ang deal na iyan sa Boomerang Airlines?" tanong ni Adam. Magkasalubong na ang kilay niya. Oh man, this one is really serious.

"Boomerang Airlines?" bulong ko kina Venice at Paris.

"Yup. Boomerang Airlines. 'The airline that takes you there and back!'" sagot ni Paris.

"Wow," ang tanging naisagot ko.

Inalis ni Adam ang pagkakahawak niya sa bewang ko at lumayo sa aming tatlo.

"Akala ko din naclose na ni Daddy ang deal sa airlines na yon," sabi ni Venice kay Paris.

Bumalik si Adam sa aming tatlo.

"Nakipag-bid ang mga Chua kaya raw nadelay," sabi ni Adam.

Paris rolled her eyes.

"I knew it. Ano ba ang problema ng mga Chua na yan at palagi tayong kinakalaban?" tanong ni Paris.

Tinapunan naman ako ng tingin ni Adam.

"Nananadya na talaga sila eh," sabi ni Adam.

"Hayaan mo na lang. Marami pa naman airlines dyan," cool na sagot ni Venice.

"That's not the point. Kahit anong piliin natin, makikipagbid pa din sila. And can you still remember when we launched a luxury shoe line rito sa bansa? After a week, may shoe line na din sila," sabi ni Adam.

"Business is business. It's a competition," sabi ni Venice.

"No, I think there's more than that," sagot ni Adam at sinulyapan na naman niya ako. "Sumama ka na muna sa kanila. Aayusin ko ang gusot na to," sabi ni Adam.

"Adam," tawag ko.

"Everything will be okay. Kung bidding ang gusto nila, walang problema."

Hindi naman yon eh. Napakacompetitive na nya ngayon kaya pati ako nakikipagkompitensya na sa oras niya. Wala na akong naging choice kundi sumama kina Venice at Paris.

"Alam mo Venice, dapat talaga mag-asawa ka na," sabi ni Paris sa loob ng kotse. Siya ang nakaupo sa passenger's seat katabi ang driver at kami naman ni Venice sa backseat.

"Oh please, Paris huwag mo ng problemahin ang lovelife ko," sagot ni Venice.

Madami pang sinabi si Paris pero hindi na inintindi ni Venice.

"Nagpupunta pa din ba sa office mo si Nick?" tanong ni Venice.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

"H-Hindi na naman mula noong magkasagutan sila ni Adam," sagot ko.

"Hindi talaga siya titigil. Gagawin niya ang lahat para asarin si Adam at eto namang kapatid ko patola."

Nakilala ko si Nicko or Nicholas Chua sa isang party. Lahat ng mga businessman ay dumalo well except my husband. Nasa Australia noon si Adam kaya hindi siya nakaattend. Bigla na lang siyang lumapit sa akin at nakipagkilala. Nicko ang pakilala niyang pangalan sa akin. Nakipagkilala naman ako.

"Bakit mag-isa ka?" tanong niya.

"Nasa ibang bansa kasi ngayon ang asawa ko kaya hindi ko siya kasama ngayon," sagot ko.

When I noticed that he is somehow flirting with me, I started to feel awkward. Mabuti na lang at biglang dumating si Brent.

"Nick! So you've met Adam's wife," sabi ni Brent.

Nawala ang ngiti ni Nick sa labi niya when he heard that I am Adam's wife. Naglaho din ang dimple niya sa kanang pisngi. Mas matangkad si Nick kay Brent at moreno ito. Bagay sa kanya yung sinasabi nilang 'tall dark and handsome'. Hindi lang ako sure kung sino sa kanila ni Adam ang mas matangkad pero sigurado ako na mas gwapo si Adam kesa sa kanya.

Agad na nagbawi si Nick ng ngiti.

"Right. So you're Adam's wife. What a lucky guy!"

"By the way, Arkisha. Paris is looking for you," sabi ni Brent sa akin. "Excuse us," sabi ni kay Nick.

"Sure, go ahead. But wait, Arkisha. Please don't forget our meeting tomorrow," pahabol ni Nick.

"What?" nalilito kong tanong.

"My dad asked me last night na kung pwede ako na lang daw ang umattend ng meeting with the daughter of the owner of Daily Routine. Actually, I answered him no but now I changed my mind, so see you tomorrow," sabi niya at nauna pa siyang umalis sa amin.

Tiningnan ko si Brent at napapailing lang siya habang nakangiti.

"Nicholas Chua. Hindi niya alam kung anong gulo ang pinapasok niya. I've been on his position at hindi niya alam kung ano ang kayang gawin ni Adam para lang protektahan ka," sabi ni Brent sa akin habang naglalakad kami palapit kina Paris.

"Brent, Adam doesn't have to. I mean, I know Adam will protect me with all his life pero hindi naman kinakailangan. This is just pure business."

"Adam trust you, but not that guy."

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon