Chapter Twenty One
(PRESENT DAY)
I asked Ian to get my bag. It's Sunday today. Magsisimba kami.
"Ate, may itatanong ako sayo," sabi ni Ian pagka-abot ng bag ko.
"Ano naman yon?"
"Sa kwarto mo natutulog si Kuya Adam diba?"
Hindi ako sumagot.
"Bakit may nakita akong comforter na nasa isang tabi? Ibig bang sabihin hindi mo siya katabing matulog sa kama?"
"Hindi," tipid kong sagot.
Tinawag ko na ang mga bata at inutusan ko ng sumakay sa kotse.
"Hindi ba natin hihintayin si Kuya Adam?" tanong ni Ian.
Maaga kasing ipinatawag si Adam ng Daddy niya at pinapunta sa opisina.
"Oo nga, Mommy. Hintayin na natin si Daddy, please?" pakiusap ni Madison. Nakaupo na silang dalawa ni Landon sa backseat habang katabi ko naman sa unahan si Ian.
"Hindi siya darating okay? Kung hihintayin natin ang Daddy nyo, we might missed the mass," sagot ko at sinimulan kong paaandarin ang kotse.
"Pero nagpapahintay siya, Mommy," sabi ni Landon.
"Lagi naman na ganun," bulong ko.
Sinulyapan ako ni Ian.
"Huwag mo ng dagdagan. Umiinit ulo ko," banta ko kay Ian. Mukha kasing hihirit pa siya.
Hindi na ako papauto sa mga salita ni Adam. Ilang beses naman niyang ginagawa yon noon. Sinasabi niya na susunod or pupunta siya pero hindi naman niya tinutupad.
Mabilis lang kami nakarating sa simbahan. Pinaggitnaan namin ni Ian ang kambal. Nang mag "peace be with you" na ay nakita ko si Adam paglingon ko sa likod. Naglalakad papalapit sa amin. Nakangiti at para bang walang problema sa mundo.
"Hi baby!"
Ako ba raw?
Hinalikan niya sa buhok si Madi nang makalapit siya sa amin.
Ay, hindi pala ako.
Nang matapos ang misa ay lumabas na kami ng simbahan.
"Sorry I'm late," sabi niya sa akin at binati niya si Ian.
"Sanayan lang naman yan," sagot ko.
"Better late than never, Kuya," banat ng kapatid ko.
"Better together," hirit naman ng isa at naghigh five pa silang dalawa. Nagyaya si Adam na kumain muna raw kami sa labas. Tututol pa sana ako kaso nakasagot na agad yung tatlo ng "sure" eh.
"Kay Daddy kami sasabay," sabi ng kambal.
Hindi na ako tumutol.
"Ngumiti ka naman, Ate," sabi ni Ian pagkasakay naming dalawa sa kotse ko.
Ngumiti naman ako sa kanya.
"Nu ba yan? Made in China ang ngiti mo!"
"Bakit hindi ka kay Adam sumabay?" tanong ko.
"Wag na. Mahirap na. Baka mamaya takasan mo pa kami. Tsaka diba sabi ni Mama babantayan daw kita."
"Hindi ko naman kayo tatakasan."
"Weh? Sabagay kahit ano namang gawin mong pagtakbo o pagkatakas, alam ko naman na kay Kuya Adam pa din ang bagsak mo eh."
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Ian. Hahaba lang kasi ang usapan at pag nangyari yon, mas magkakaroon siya ng maraming pagkakataon para asarin ako at sigurado buong byahe ay pangalan lang ni Adam ang maririnig ko mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.