Chapter Three
Kakatapos lang naming magusap ni Adam sa phone. Past 10pm na din nang tinagawan niya ako. Mabilis lang naman kaming nagusap. Kinakamusta lang niya ang mga bata at syempre binanggit na din niya ang pag-uwi niya. Wala pa naman daw definite date pero sigurado daw siya na uuwi siya.
"Excited na ang mga bata na makita ka,"sabi ko.
"Ako din naman, excited na din akong makita sila. Miss na miss ko na sila."
Tinapos ko na ang pag-uusap namin kasi biglang nagising si Madison. Kailangan ko pang tabihan sa kama para lang makatulog ulit. Matagal din bago natutunan ni Madison na ako na ang tumatabi sa kanya sa pagtulog sa tuwing magigising siya in the middle of the night. Matagal din bago siya nakapag-adjust kasi noon Daddy niya ang gumagawa noon. Madami na naman kasi talaga ang nagbago.
Walang permanente sa mundo. Mag-aadjust at mag-aadjust ka sa mga bagay bagay. Kung may mga natapos man, kailangan mong magmove on. Kailangan mong tanggapin na nagbago na siya o wala na ito. Things will never be the same way again.
**
Nilapitan ko si Ian na nakaupo sa may terrace. Ngingiti ngiti siya habang nagtetext. Babae siguro. Binatang binata na talaga siya.
"Sino naman yang dinidiskartehan mo ha?" Tinabihan ko siya sa upuan.
"Alam mo Ate, noong bata pa ako wala akong pakialam sa love story ninyo ni Kuya Adam pero ngayon gusto ko ng malaman."
"Ang layo ng sagot mo sa tanong ko. At bakit ka naman interesado aber?"
"Katext ko kasi si Kuya Adam, uuwi na pala siya noh? Tamang tama makakapagpaturo ako sa kanya ng mga 'Da Moves' niya noon sa mga naging chicks niya, este 'Da Moves' pala sayo."
I just rolled my eyes.
"Wag ka ngang makapagpaturo paturo kay Adam. Bulok style nun noh! Gusto mo din bang matulad sa ending naming dalawa? Gusto mo din ba ng ganito?"
"Ate, choice nyo naman yan eh. Pinili nyo na maging ganyan kayo. 'Da Moves' ang ipapaturo ko, hindi ang pagdedesisyon sa buhay. Tsaka bakit ba ang bitter mo?" pang-aasar niya.
Hinampas ko siya sa braso.
"Hindi ako bitter ha! Wala kang baon, isang linggo. No. Isang buwan!"
"Ate, bakasyon ngayon," paalala niya.
"Eh di wala kang allowance!"
"Ate naman eh! Pero teka, kelan ba daw siya dadating? May bago na ba siya?"
Napalunok ako sa tanong niya.
"Oh eh akala ko ba katext mo siya? Bakit sa akin mo itinatanong ang mga bagay na yan?
"Eh syempre, asawa ka pa rin niya noh! Hindi kasi niya sabihin sa akin kung kailan eh. Naisip ko lang na baka alam mo since "asawa" ka nga niya."
Idinidiin niya talaga yung salitang asawa.
"Hindi ko din alam. Alam mo naman yang si Adam, full of surprises sa buhay!"
Kahit hiwalay na kami ni Adam, hindi nagbago ang relasyon nila ni Ian. Nagtataka nga ako kasi parang mas naging close pa sila. Ewan ko, siguro kasi alam ni Ian na choice naman naming dalawa ni Adam na maging ganito na lang.
"Ayaw na ayaw ka niyang masasaktan."
Yan ang palaging ipinaalala sa akin ni Ian na sinabi ni Adam. Ngumingiti na lang ako o tumatango sa tuwing sasabihin niya yan.
"Alam mo Ate, kung ako lang ang masusunod, hindi ako payag na naghiwalay kayo. Noong bata pa ako, gusto ko na siya para sayo. Kaya nagulat talaga ako nung sinabi mo na maghihiwalay na kayo. Hindi ako nakapagsalita agad, natataandaan mo ba?"
Oo naman. Tandang tanda ko ang gabing tinawagan ko si Ian para sabihin sa kanya ang bagay na yon.
"Sabi ko pa noon sa sarili ko, 'Ano na naman kaya ang trip ng Ate kong ito?' Pero nung narinig na kitang umiiyak sa phone, para akong nagising sa pagkakatulala. Ang gusto ko lang gawin noon eh lumipad at pumunta sayo para yakapin ka. Kaso ang layo layo mo naman noon. Paano ako pupunta sa Paris agad agad?"
Inakbayan niya ako at inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Isip ako ng isip noon kung ano naman kaya ang dahilan kung bakit kayo maghihiwalay? May babae ba si Kuya Adam? Sinaktan ka ba niya physically? Pero sabi mo naman, hindi. Gulong gulo talaga ako noon."
"Pero ipinaliwanag ko naman sayo ang lahat diba?"
"Oo, pero alam mo sa totoo lang, ngayon ko lang sasabihin sayo ito. Si Kuya Adam pa rin ang gusto ko para sayo."
Hinarap ko siya at tiningnan sa mata. Bumalik ako sa posisyon ko kanina.
"Tama na. Move on na. Two years na yun. Matagal na," sagot ko.
"Eh bakit? Yun ngang iba, kahit sampung taon na ang nakakalipas nagkakabalikan pa din. Sina Mama at Papa oh diba?"
"Eh iba naman yun. Magkaiba naman sitwasyon namin nina Mama."
"Parehas lang yun. Teka nga, bakit ba? May iba ka na ba?!"
This time siya naman ang humarap sa akin at tiningnan ako sa mata.
"Tigilan mo ako ng mga ganyang tanong Ian."
"Oh sige Ate, ganito na lang. Kapag magkakaroon ka man ng iba, siguraduhin mo lang na mas higit yan kay Kuya Adam ha, dahil kung hindi hindi ko siya matatanggap."
"Okay. Maghahanap ako. Bukas na bukas!"
"Ate, hindi ko sinabing maghanap ka ng iba. Mali naman ang intindi mo sa sinabi ko eh!"
Napakamot pa siya sa ulo. At ako pa pala ang mahinang umintindi ngayon?
"What I'm trying to say is, wag ka ng mag-abalang maghanap kasi wala kang makikitang higit sa kanya."
"At kapag may nakita ako?" hamon ko sa kanya.
"Wala yan. Baka nakakalimutan mo, sayo nanggaling ang mga salitang yan noon!"
Tumayo na siya bigla. Alam niya kasing nagsisimula na akong mapikon sa pangaasar niya at ang sunod kong gagawin, babatuhin ko na talaga siya.
"Yun na nga eh, noon yun! Noon!"
Papasok na siya sa loob ng bahay.
"Ah basta, siya lang ang gusto ko para sa'yo!"
At nagtatakbo na siya sa loob. Hay. Ang kulit.
Ngayon alam ko na kung kanino nagmana ng kakulitan si Madison.
to be continued...
Tell me your thoughts. Maraming salamat sa pagbabasa. :)
~youramnesiagirl
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
Ficção GeralSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.