Chapter Six
"Hindi mo pa talaga siya kayang harapin noh?" tanong ni Ian nang makaalis sina Adam.
Naiwan kaming dalawa sa terrace.
"I just can't afford to ride in a car with him again," sagot ko.
Napatawa siya. "At sayo na talaga nanggaling. Hindi ko lang maidiretso eh."
Sumeryoso ako ng tingin sa kanya. Tumigil siya sa pagtawa.
"I'm sorry. Akala ko lang kasi nasa denial stage ka pa din. Anyway, that one was really traumatic."
Inilayo ko ang tingin ko.
"How did he do that? Kaya nyang umarte sa harapan ko like nothing happened? Like it was all my fault? Like that friggin' accident was all my fault?!"
Hindi ko na napigilan ang sarili kong magbreak down. I tried so hard na kalimutan ang nangyari noon. Pero pagbalik nya, bumalik na din lahat. Worst, parang wala pa siyang pakialam!
Samantalang ako, ni hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dapat ko ba siyang tingnan o hindi? Dapat ko ba syang kausapin? Dapat ko bang ipakita na galit pa dn ako o dapat ko bang ipakita that I already moved on?
Naramdaman ko ang yakap ni Ian.
"Now tell me na siya pa din ang gugustuhin mo para sa akin?!"
"Ssshh. Ate, tama na. I know what you've been through. Alam kong nasaktan ka niya pero alam ko din na minahal nyo ang isa't isa. Alam ko kung gaano ka kamahal ni Kuya Adam."
Hinarap ko sya.
"Kapag na-inlove ka na ng totoo, maiintindihan mo din ako," payo ko sa kanya.
"I did. I already fell in love. And I know how much it will hurt and make you happy, because to love is to sacrifice."
***
(Flashback bago pa maghiwalay sina Adam at Arkisha. 2 yrs ago)
IAN's POV
"I'm fine."
"No you're not," sagot ko sa babaeng pinapayungan ko ngayon. Mabuti na lang naabutan ko siya sa paglalakad palabas ng gate ng campus. Hiniram ko nga lang sa kaklase kong babae ang payong na ito. Bakit ba kasi bigla bigla na lang siyang sumusugod sa ulan. Hindi ba niya alam na maaari siyang magkasakit sa ginagawa niya?!
Nagpatuloy siya sa paglalakad at buti na lang hinayaan na niya akong payungan siya.
"Are you alright? May sakit ka ba?" tanong ko. I heard her sniff.
Tss. Mukhang may sakit na nga siya, nagpapaulan pa siya?
"No. I'm fine. Really."
Pinagmasdan ko si Nikki habang naglalakad kaming dalawa. Halos basa na din ang suot niyang uniform. Nilalamig na kaya siya? Palakas pa naman ng palakas ang buhos ng ulan.
Umiiyak ba siya? Wait.
I was right. Tumutulo nga ang luha niya. Siguro hindi ko lang napansin kanina kasi basa na ng ulan ang mukha niya ng abutan ko siya. Bakit naman siya umiiyak?
"Dito na ako," paalam niya nang tumigil kami sa may waiting shed sa tapat ng school.
Pinagmasdan ko siya at masasabi kong maganda pa din si Nikki kahit na mukhang malungkot siya. Singkit ang kanyang mga mata na kulay brown. Matangos ang ilong at bumagay ang mapupula niyang labi. Kakulay ng mata niya ang kanyang buhok na alon-alon ang babang bahagi.
"Sigurado ka bang okay ka lang?"
Ilang beses isinagot ng Ate ko noon na okay lang siya kapag tinatanong ko kung kamusta siya, pero ang totoo hindi pala siya okay. Katulad nito. Ganito nga siguro ang mga babae. Isinasagot nilang ayos lang sila para tapos na ang usapan. Ayaw din siguro kasi nilang ipaliwanag kung bakit hindi sila okay.
Tumango lang si Nikki at ngumiti. Nabura ang pag-aalala ko nang makita ko siyang ngumiti.
"Salamat Ian," sabi pa niya.
Wala talaga akong balak iwan si Nikki sa waiting shed na ito. Hindi naman sa delikado ang lugar na ito. It's just that mas mabuti na din yung may kasama siya habang naghihintay ng sundo niya. At hindi nagtagal, dumating na ito. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba na dumating na agad ito para makauwi na siya at makapagpahinga o ikalulungkot ko ba dahil ibig sabihin nito ay hindi ko na siya makakasama.
Bago siya sumakay sa kotse na nag-aabang sa harapan naming dalawa, tiningnan niya muna ulit ako at nginitian. Naiwan akong sinundan na lang ng tingin ang papalayong sasakyan.
Sa isang private school kami pumapasok ni Nikki. Noong hind pa bumabalik sa buhay namin si Papa, pangarap na talaga nina Mama at Ate na sa isang magandang school ako mag-aral. Kaya naman ginagawa ko ang lahat para mag-top sa klase. Ang sabi ni Ate, pangarap niya na makapagtapos ako ng Nursing. Noong bata pa ako ayoko nun dahil sa dugo at ayoko ng amoy ng hospital. Sinabi ko yun kay Ate at ang sabi niya ako daw ang bahala kung anong kurso ang gusto ko. Pero nang nakilala ko si Nikki, nagbago ang pananaw ko. Pangarap ni Nikki na maging isang nurse. Kinwentuhan niya ako tungkol sa mga pangarap niya. Simula noon, naging interesado na akong mag-take ng kursong Nursing. Hanggang sa dumating sa point na hindi ko na lang iyon gusto dahil gusto niya, kundi dahil gusto ko na din ang magsalba ng buhay ng tao. Kaya pagtuntong ko ng college, kursong Nursing ang kukunin ko.
Sa ngayon, parehas kaming 4th yr highschool ni Nikki pero hindi na kami magkaklase. Ngayong taon lang kami hindi naging magkaklase. Hindi ko alam kung nakabuti ba iyon para magmove on kaming dalawa.
Yes. Nikki is my ex.
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.