Chapter Four
It's our fifth day dito sa probinsya. My mind was occupied sa pagdating ni Adam to think na hindi man lang niya sinabi kung kailan ba talaga ang dating niya. Andito ako to take a break pero sa sinabi niyang uuwi siya, parang mas lalo akong na-stress.
"Hindi ko nga din alam eh. Si Madison lang ang nagbalita sa akin," sabi ni Venice. Andito siya sa bahay ngayon, namimiss na daw niya kasi ang kambal pero kailangan din daw niyang bumalik agad sa Manila dahil kailangan siya ng kumpanya. Oh well, magkapatid nga sila.
"Baka balak ka niya i-surprise?" pagbibiro ko.
"Oh please! Walang dahilan para i-surprise ako ni Adam. Matagal na niya akong na-surprise. Actually kayong dalawa dahil sa desisyon nyo," sagot ni Venice.
Hindi na lang ako nagsalita. Isa rin siya sa tutol noon na maghiwalay kami ni Adam. Halos lahat naman ata? Pero ganun talaga eh. Hindi natin alam kung anong mangyayari sa future. Sabi nga nila, 'Expect the Unexpected'.
"Oh cmon Venice! Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin nakakamove on sa paghihiwalay nina Adam at Arkisha? It's been what? Two years!"
I forgot to mention. Nandito din nga pala si Paris. Sumabay siya kay Venice pero susunduin naman daw siya ni Brent at ng dalawang bata mamaya. Mas gumanda silang dalawa ngayon kahit ilang taon na ang lumipas. Blooming nga ngayon si Venice eh. Siguro nagkabalikan sila nung ex niya. Ayokong intrigahin siya. Not now.
"Stop acting like hindi ka naapektuhan sa paghihiwalay nilang dalawa? If I know hanggang ngayon naman eh in denial ka pa rin sa paghihiwalay nila. I know how much you love both of them," sagot ni Venice.
I never thought na magiging ganito ang epekto ng paghihiwalay namin ni Adam sa mga taong nakapaligid sa amin.
"Of course I love them at kung may magagawa lang ako para magkabalikan silang dalawa eh ginawa ko na. Meron pa ba Arkisha?" at ibinaling niya ang tingin niya sa akin.
"Waaaaahhh!! Mommy!! Mommy!!"
That's Madison. Saved by the crying baby.
"What happened baby?"
Nilapitan agad siya ni Paris at dinala sa kitchen.
Spoiled.
"Are you sure next week pa kayo uuwi sa Manila?" pag-iiba ng topic ni Venice.
"Oo eh. Si Daddy muna ang bahala sa Daily Routine. How about your company? I'm sure maganda ang takbo nito ngayon?"
Ayoko naman talagang itanong yon but I have to.
"H-hands on naman si Adam pagdating sa Castrences Group of Companies. Minsan nga gusto ko ng agawin ang pagpapatakbo sa kanya—"
"But I doubt kung gagawin nya yon," singit ko at nagpakawa ako ng maiksing halakhak.
That's great Arkisha! Daanin mo lang ang lahat sa tawa. You'll get used to it. Kailangan mong tanggapin na hindi talaga maiiwasan na mapag-usapan ang mga ganyang bagay.
"Arkisha..," ani Venice at hinawakan ang kamay ko.
"We both know kung ano ang mga nangyari noon," malungkot kong sagot sa kanya.
"Hindi nyo na ba talaga mapapatawad ang isa't isa?"
"It's been almost two years. With just a snap, nagbago ang lahat." Hinawakan ko ang kanang kamay ko and caress that little scar.
"Ngayong babalik na ang kapatid ko, anong plano mo?"
Ngumiti ako ng mapait. "Just like the old times, go with the flow."
Tama si Mama, may mga bagay talaga na kapag nangyari na, hindi na maibabalik pa. Wala ka ng magagawa kundi unti unti na lang panoorin na nagbabago na ang lahat. And next thing you know nagbago na din ang taong pinakamamahal mo, and to top it all pati ikaw unti unti na ding nagbabago.
"Sana ganun kadaling sabihin na kalimutan na lang natin ang nangyari noon," sabi ni Venice.
"Sana. Sana. But it's really hard to practice what you preach," sagot ko nang hindi inaalis ang tingin sa kanang kamay ko.
"Brent called me, malapit na daw sila," sabi ni Paris nang balikan niya kami sa sala at kabuntot pa din niya si Madison.
"Mommy, I want to have a baby!" sabi ni Madison.
"I'm sorry, honey?" paulit ko kay Madison.
Pati atensyon nina Paris at Venice at nabaling kay Madison.
"Gusto ko ng kapatid," sagot ni Madison at umupo siya sa tabi ko.
"But you already have your Kuya Landon," sabi ko.
"I know. But I want a baby. Sabi ni Daddy noon magkakaroon ka ng baby but until now hindi ko pa rin sya nakikita. Where is he?" malungkot niyang sabi.
"Did he really tell you that?" tanong ko sa kanya. I guess I underestimated my daughter. I mean hindi ko alam na ganito katalas ang memory niya.
"We talked about Luigi and..," bulong ni Paris sa akin at hindi na niya itinuloy ang sinasabi niya.
I just nod.
"We'll talk about that later okay?" sabi ko na lang kay Madison.
Hindi ko napansin na nakikinig pala si Mama sa usapan naming mag-ina. Mabuti na lang kinuha na niya si Madison at sinabing bibigyan niya ng cookies. I forgot to mention, Madison loves to eat.
"I never saw that one coming," sabi ni Venice.
"Hindi ko alam na nasabi na pala ni Adam sa kanya ang tungkol doon. Ang balak namin noon ay sabay kaming magsasabi sa mga bata," sagot ko.
"Oh well, since ang magaling ko naman palang kapatid ang nagsabi sa bata, tamang tama siya na din ang magpaliwanag ngayon kay Madi tutal uuwi na naman siya!" sabi ni Paris habang nakapamewang.
"DADDDYYYY!!!"
"Si Landon ba yung sumigaw?" tanong ni Venice.
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Nanlalamig ang mga kamay ko. I can't even move. Something is wrong. Ni hindi ko na nga nasuway si Madison nang makita ko siyang mabilis na tumakbo sa harapan ko at ngayon ay palabas na ng pinto and her scream ang lalong nagpalambot sa mga tuhod ko.
"DADDY!!!"
Lumabas na din si Paris ng bahay while me, I am still stuck sa pagkakaupo. Naramdaman ko lang na bahagyang sumilip sa bintana si Venice para tingnan kung sino ang ipinunta ng lahat sa labas.
"Are you okay?" tanong ni Venice.
I look at her.
"Yah, I'm fine."
Girls biggest lie.
"Halika na," yaya niya at napilitan na din akong tumayo at lumabas ng bahay.
And there he is!
The Great Adam Jacob Castrences.
Kitang kita ng dalawa kong mga mata. Nakatayo sa may sasakyan. That's not his car. Oh right, it's Brent's. Habang nakayakap sa magkabila niyang binti sina Madison at Landon and on his right arms, buhat buhat niya ang isang baby boy na sa tantya ko ay kalahating taong gulang.
to be continued..
Ayan. Nagpakita na si Adam. Comment kayo tungkol sa chapter na 'to. Ano na sa tingin nyo ang nangyayari at mangyayari? Maraming salamat sa pagbabasa.
~youramnesiagirl
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.