Chapter Twenty Three
Hindi ako dapat nakakaramdam ng ganito. I should be happy kasi wala na rito sa bahay si Adam. Hindi ko na maririnig ang boses niya. Hindi ko na siya makikita at hindi ko na din siya maaamoy. Tama. Mas okay nga ang ganito. Back to normal ang buhay ko. Isa pa, mukhang okay naman na kay Madi na umalis na si Adam. See? Hindi nga naman daw siya umiyak. Good girl. Sabagay, hindi naman kasi katulad noong unang umalis si Adam kasi batang bata pa si Madison.
Nang mapatulog ko ang mga bata ay nagdiresto na ako sa kwarto ko. Inayos ko ang mga gamit ni Adam. Yung mga damit niya na nakakalat sa kwarto ay ibinalik ko na sa maleta niya. Mas maigi ng nakahanda na ang mga gamit nya sakaling balikan at kunin niya. Mga gamit lang naman niya ang dapat niyang balikan dito. Yun lang at wala ng iba.
Itinigil ko ang ginagawa ko nang maisip ko na hindi dapat ako ang gumagawa nito. Siya ang nagkalat, siya ang mag-ayos! Ganun naman talaga diba? Kung sino ang sumira, siya dapat ang mag-aayos.
Nahiga na ako sa kaliwang bahagi ng kama at nagsisisi ako na pinalipat ko pa si Adam sa kamang ito kagabi. Okay na kasi yung mga nakaraang gabi eh. I mean, halos dalawang taon na din naman na akong natutulog magisa sa kamang ito at nasasanay na ako. Pero bakit ganun? Isang gabi lang naman napunan ang space sa kamang ito pero pakiramdam ko magsisimula na naman akong magadjust matulog mag-isa?
Oo, nakakasama ko minsan ang kambal sa pagtulog sa kamang ito pero iba yon eh. Iba sa pakiramdam yon.
Nilagyan ko ng unan ang kanang bahagi ng kama at ipinikit ko na ang mga mata ko.
Maaga akong nagising at pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko ang maleta ni Adam. Hindi ko nga pala tinapos ang paglalagay ng mga gamit niya. Bumangon ako sa kama at itinuloy ang pagiimpake ng gamit niya. Nang matapos ako ay naligo na ako at kumain ng breakfast. Ipinababa ko na din sa katulong ang maleta ni Adam mula sa kwarto ko at ipinalagay sa sala.
I was about to leave the house. Binuksan ko ang front door at nagulat ako nang makita ko si Adam.
"Bakit nandito ang maleta ko? Arkisha, ano to?" tanong niya agad.
Ay tanga! Hindi ba siya nakakapanood sa movie ng mga ganitong eksena?
"Ipinahanda ko na ang mga gamit mo para hindi na hassle sayo ang pag-iimpake," sagot ko.
Hindi ko na sinabing ako talaga ang nag-impake, baka mamaya niyan mabigyan pa niya ng kulay. Mahirap na.
"Impake? Sinong aalis? Bakit ako aalis? Saan naman ako pupunta?"
"Kung saan ka natulog kagabi," sagot ko at tinalikuran ko siya.
"Galing lang ako kina Ashley kagabi. Isang gabi lang yon."
Confirmed.
"Oh yun naman pala. May matutuluyan ka naman pala bukod dito. Eh di roon ka na lang sa Ashley mo!"
"May problema lang si Ashley kagabi kaya sinamahan ko siyang mag-inom. Siya ang karamay ko noong.. noong may problema tayo kaya gusto ko lang ibalik ang ginawa niya sa akin. Marami akong matutuluyan oo, pero rito ko gusto. Sayo ko gustong umuwi. Sayo lang, Arkisha at sa mga anak natin. Teka, nagseselos ka ba?"
I crossed my arms.
"Bakit naman ako magseselos? We are exes. Walang puwang ang selos sa pagitan nating dalawa.And we both know what happened the last time na nagselos ako. So no, there is no room for that."
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya naman tuluyan na akong pumasok sa opisina. Tinawag ko na si Ian at isinabay siya.
Nang gabing iyon ay hindi ulit sa bahay natulog si Adam. Hinayaan ko lang ang mga gamit niya sa isang tabi sa living room para in case na kukunin na niya ang mga gamit niya ay madali niya itong makukuha.
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.