Eighteen

44.6K 838 31
                                    

Chapter Eighteen

Maagang dumating si Jam sa bahay. Sasama raw siya sa panonood ng basketball. Gusto raw niyang makita kung paano papatunayan ni Ian na magaling siyang maglaro pero alam ko naman na ang totoo eh gusto niya lang sumama dahil maraming boys doon. Pero wag ka, may jowa yan. Nasa ibang bansa nga lang. Matangkad, gwapo din. Pero mas gwapo pa din si Adam ko.

"Buti naman wala ka ng dalang pambugaw ng langaw," sabi ko.

Mula kasi nang sumali sa liga si Ian eh nagdadala siya ng pompoms kasi swerte raw yon. Noon kasing nanalo ang team nina Adam noong nanood kami habang ipinagbubuntis ko ang kambal ay naniniwala si Jam na lucky charm ang pompoms na dala niya. Pero last year, natalo ang team nina Ian, kaya siguro hindi na niya dinala.

"Oo naman, itinapon ko na. Mamaya niyan matalo ulit ang team nina Ian," sagot niya.

"Mommy, let's go!" yaya ni Landon.

Kanina pa siya naiinip. Gusto nga niyang sumabay kay Ian na nauna na kanina pa pero sabi ng Daddy niya hindi pwede kasi walang magbabantay sa kanya roon.

Nang makarating kami sa basketball court eh marami ng tao. Mabuti na lang nakahanap pa si Adam ng space kung saan pwede kaming umupo. Panay ang sigawan ng tao habang panay din ang paghahaba ng leeg ni Landon. Hindi niya kasi masyadong makita.

Nasa loob na si Ian at naglalaro. Nakasuot siya ng uniform niyang kulay black. Sa likod ay nakasulat ang "ARAGON" at ang number 27. Hindi ko alam kung bakit 27 samantalang 16 naman ang birthday niya.

"Pang-ilang quarter na ba raw?" tanong ko. Inilapit ko ang mukha ko kay Adam kasi sigawan ng sigawan ang mga tao, baka hindi niya ako marinig.

"Third," sagot niya.

Hala! Kanina pa pala nagsisimula.

"GO TITO IAN!!" sigaw ni Madison.

Right. We brought a cheerleader. Without pompoms.

Ipinasa kay Ian ang bola. Ilang beses niyang idinrible at ipinasa sa kakampi. Nang maidrible ng pinagpasahan niya ay ibinalik ulit ang bola kay Ian. He bend his knees and then he shoot the ball.

"ARAGON THREE POINTS!"

I just found myself screaming for joy. Like, seriously?

"That baby is what Ian and I were talking about last night," bulong ni Adam sa tenga ko habang abot tenga ang ngiti.

Hindi naman matapos sa pagpalakpak sina Madison at Landon. Hindi ako makapaniwala na hanggang matapos ang 4th quarter ay si Ian ang humakot ng points. So obviously, team nina Ian ang nanalo. Nang matapos ang laro ay tinawag ko na si Ian but I saw him looking at someone. Sinundan ko ang tinitingnan niya and it was Nikki. May nakaakbay ditong lalaki.

"Let's go," yaya ko sa kanya at hinawakan ko na siya sa braso.

"Ang galing mo Tito Ian, someday I want to be like you tapos...," sabi ni Landon. Dirediretso pa rin siya sa pagsasalita habang naglalakad kami palabas ng basketball court. Hawak pa nga niya ang kanang kamay ni Ian pero mukhang wala namang naririnig ang kapatid ko.

Tiningnan ko si Adam na karga si Madison and I just nodded at him nang mabasa ko ang mga mata niya.

"You know what we should celebrate!" sabi ni Adam nang makarating kami sa bahay.

Umiling si Ian.

"Ikaw ang dahilan kung bakit tayo magcecelebrate. Nanalo ang team ninyo and napatunayan natin sa Ate mo na magaling ka so that really calls for a celebration," pilit ni Adam.

Tiningnan ako ni Ian.

"He's right," sabi ko.

"So halika na, samahan mo akong bumili ng alak and on the way simulan na natin ang dapat nating pag-usapan," yaya ni Adam kay Ian.

"Kuya Adam, I'm fine and besides hindi pa ako pwedeng mag-inom. I'm just sixteen."

Aba dapat lang. Pero malay ko ba kung sinabi lang ni Ian yon dahil kaharap ako.

"Bakit? Sino bang may sabi na mag-iinom ka? Ako lang naman. Ibibili kita ng zesto o yakult. Ano ba gusto mo?"

"Kuya naman, hindi na ako bata," sagot ni Ian habang kumakamot pa sa ulo.

"Exactly, so don't act like one. Let's go."

At sumakay na sila sa kotse.

"Tumawag ang Papa mo, may binanggit siya tungkol sa Chua Group of Companies. May alam ka ba tungkol doon, Arkisha?" tanong ni Mama matapos kong mapatulog ang mga bata. Sa ngayon kasi ay nasa China si Papa at nakikipagusap sa mga Chua.

Isa yan sa dahilan kung bakit isang linggo lang kami dito sa probinsya. Kailangan si Adam ng CGC, at si Mr. Carbonel lang ngayon ang nag-aasikaso ng Daily Routine sa bansa.

"Opo. Sila po ang ipinunta ni Papa sa China," sagot ko.

Alam ko naman na hindi din naman interesado si Mama sa mga detalye kaya simple lang ang sagot ko. Lumabas na ako sa may terrace at nadatnan ko na sina Adam at Ian. Ang dami naman nilang biniling pagkain. Infairness, si Adam nga lang ang umiinom. 

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon