Chapter Thirty Seven
Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya naman agad kaming pumasok sa loob ng hospital. Nang makapasok kami sa kwarto ni Papa ay nakatulog na ata si Venice sa pagbabantay dito. Nagising siya ng isara ni Adam ang pinto.
"You're here," sabi ni Venice. Sumilip siya sa bintana. "Umuulan pala." Bumaling ulit siya sa aming dalawa. Tumingin siya sa mga mata ko at huminga ng malalim. "Oh, I see. Kaya nyo na naman sigurong dalawa rito, right? Aalis na ako," paalam niya.
"Nagugutom ka ba?" tanong ni Adam nang makaupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama ni Daddy.
Umiling ako at umupo siya sa couch. Paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isip ko ang mga sinabi ni Adam kanina.
Anika is her half-sister.
Anika is her half-sister.
Anika is her half-sister.
Tiningnan ko si Adam at tinitingnan niya rin ako.
Pero bakit hindi mo kaagad sinabi na kapatid mo si Anika? Sigaw ng utak ko.
"Dahil huli na din nang malaman ko," sagot ni Adam.
Wait. Did I just say it out loud?
"I know how much you admire my Dad, Arkisha. You once told me that my Dad was the perfect father you never had. Nagmula ka sa isang broken family. Iniwan kayo ng Daddy mo noon, samantanlang ang Daddy ko naman ay mahal na mahal ang Mommy ko and you even witnessed it, right?"
I nod.
"Ilang taon ka na bang nakakasama namin tuwing may family gatherings? Nakikita mo kung gaano kasweet ang Mommy at Daddy ko. At nang halos mawala ang company namin noon, kundi dahil sa Daily Routine, nakita mo kung gaano naging masikap si Daddy para maisalba ang kumpanya namin."
He's right. I admire his Dad so much at sobrang cool pa. Mahal na mahal nito ang kambal kaya naman magaan talaga ang loob ko sa Daddy ni Adam.
"He was so perfect in your eyes, Arkisha na kahit ako humahanga din sa kanya. Kaya naman sobrang nasaktan ako nang kinutuban ako na may babae si Daddy. Alam kong masasaktan ka kapag sinabi ko sayo ang kutob ko tungkol kay Anika noong mga panahong tumatawag siya sa cellphone ko at ikaw ang nakakita. Noong mga panahon na yon, hindi ko pa alam na kapatid ko siya. Ang akala ko pa lang noon eh kabit siya ng Daddy ko. Sinabi ko na lang sa'yo na isa sa mga kliyente ko dahil iniimbestigahan ko pa lang siya."
"Noong birthday ni Luigi, naalala mo ba na late ako dumating?" tanong niya.
Kinabahan ako bigla. Ito ang araw na nawala ang anak ko. Nababasa ko sa boses niya na hirap din siyang banggitin ang topic na 'to. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga nangyari nang araw na yon.
"Saan ka ba galing kagabi?" malumanay kong tanong.
Baka kasi kapag iba ang way ng pagtatanong ko at hindi pagalit ay may makuha akong hint kung saan ba talaga siya galing kagabi.
"Nakipag-meet lang ako sa isang kliyente," sagot niya.
Nabigo ako.
Iyon naman kasi palagi ang sagot niya. Pero kapag itinatanong ko sa kanya kung sino ang kliyente..
"Arkisha, alam mo naman na maraming kliyente ang CGC, gusto mo bang isa-isahin ko? Paulit-ulit na naman ba tayo?"
Hindi ko na siya nakayang tingnan at naupo ako sa kama. Nakita kong umilaw ang screen ng phone ni Adam na nakapatong sa table sa tabi ng kama. Pasimple kong binasa kung sino ang nagtext.
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.