Nine

47.5K 973 59
                                    

Chapter Nine

Arkisha's POV

"I'm sorry. I can't join you. Kailangan ako sa opisina," sabi ko kay Adam at hinila ko ang braso ko mula sa kamay niya. Bumaba na din ako sa kama at pumasok na ako sa banyo.

Halos isang oras ako sa banyo at sinadya ko talaga na tagalan ang panliligo ko. Nang lumabas ako ng banyo, nagpasalamat ako kasi wala na siya at si Madison sa kwarto ko. Nagbihis na din ako at pagbaba ko sa living room, nandoon si Ian, nag-iisa at nakabihis. May iniabot siya sa aking maliit na papel.

"Nakasulat dyan kung saan pupunta ang mag-aama mo. Ibinigay yan sa akin ni Kuya Adam. Magtatagal daw sila doon, kaya kung may time ka pa daw ngayong araw sana daw makasunod ka," sabi ni Ian.

"Bakit hindi na lang ikaw ang sumama?" tanong ko.

"Arkisha ba ang pangalan ko? Ako ba ang ina ng kambal? Ako ba ang asawa ni Kuya Adam?"

"EX," pagtatama ko and then I rolled my eyes.

"EX EX ka dyan! Sasama ako sayo sa opisina ha."

"Ohh, so that's explain the suit and tie," pangaasar ko sa kanya.

"Mukha na ba akong gwapong CEO?"

Humarap ako sa kanya at inayos ko ang necktie niya. Gusto daw niya kasing magtrabaho muna habang bakasyon, at magandang idea daw yon sabi ni Daddy.

"Gwapo oo, pero CEO? Matagal pa yun. Hahahaha!"

"Nah. Wala akong balak magtrabaho for good sa Daily Routine Ate. I just want to save lives, kaya nga nursing ang kinuha ko diba?"

"Ayaw mo bang maging doktor?"

"I'll think about it."

Umalis na kami kaagad ni Ian at kotse ko na lang ang ginamit namin. Ako na lang din ang nagdrive tutal sanay na naman ako.

"Sigurado ka ba na gusto mong magtrabaho rito ngayong bakasyon? Ano bang alam mo? Walang dextrose at oxygen dito. Anong gagawin mo rito?" tanong ko kay Ian habang nakasakay kami sa elevator. "May pa-suit and tie suit and tie ka pang nalalaman. Di ako sanay. Mas sanay akong nakikita ka na naka pure white," dagdag ko pa.

"I can do paperworks and more. Hindi porque nursing ang course ko eh wala na akong ibang alam kundi kumuha ng dugo at magmonitor ng blood pressure ng pasyente. Kayang kaya ko pa ding magtrabaho sa opisina. Tsaka ngayon lang naman ako magsusuot ng ganito Ate, sa first day lang. Ibalato mo na saken to. Paexperience naman. And besides, gusto din naman ni Papa 'to."

"Okay. Wala na akong sinabi. Basta hindi ako magtetrain sayo ha! Baka mabatukan lang kita. Maiksi pa naman ang pasensya ko pagdating sayo! I'll ask Nina to train you later."

Bumukas ang elevator sa floor kung saan nandoon ang opisina ko at opisina ni Papa. Lumabas kaming dalawa at idinaan ko muna si Ian kay Papa.

"Why are you here?" tanong ni Papa sa akin.

And where am I supposed to go? Ang gusto kong itanong kay Papa.

"Pa, inihatid ko lang po si Ian then magtatrabaho na ulit ako."

"I mean, akala ko kasama mo ang mga bata at si Adam?"

Tiningnan ako ni Ian.

"Adam called my secretary and asked for my schedule. Kinausap na niya din ako para ipagpaalam kang lumabas kasama ang mga bata."

"So that explains why nagpunta sa bahay sina Kuya Adam--," singit ni Ian.

"Shut up!" singhal ko sa kanya at tinabig ko ang balikat niya. Of course he knows the reason why nagpunta si Adam sa bahay. Gusto lang talagang pumapel nitong kapatid ko.

Umupo ako sa upuan sa harap ng mesa ni Papa.

"Pa, hindi ako pwedeng sumama sa kanila. Maraming trabaho rito at diba may usapan pa kayo ni Mama na ngayon kayo uuwi?"

"Nag-usap na kami ng Mama mo at napagkasunduan namin na next week na lang ako uuwi. You can go Arkisha. Ako na muna ang bahala sa kumpanya," pagtataboy sa akin ni Papa.

"I can't Pa. Nandito si Ian. He needs to be trained, diba? Itetrain ko pa yan."

"You can ask someone to train him," he suggested.

"Oo nga Ate. You mentioned someone kanina, she can do the training," sabi ni Ian.

"No. Ellaine is on leave, bigla kong naalala." Tumayo na ako at binuksan ko ang pinto. "Come on Ian, don't waste my time. Let's start the training."

"Ellaine? Iba naman ang pangalan na sinabi mo kanina? Ate, wala na bang iba? Kahit sino, wag lang ikaw please."

"Si Ellaine lang ang nagtetrain sa mga bago at sa tigas ng ulo mo, mukhang hindi uubra pag sya ang nagtrain sayo."

"Yung Nina? Yung sinabi mo kanina," pilit niya.

"Andito naman ako. Bakit ba naghahanap ka pa ng iba?"

At dahil hindi siya kumikibo, hinila ko na siya palabas ng opisina ni Papa.

"Makahugot ka naman, Ate."

Tinanggal ko ang blazer ko pagpakapasok namin sa loob ng opisina ko.

"Magsimula ka sa pagsosort nito," utos ko kay Ian at itinuro ko sa kanya ang isang bunton ng folders.

"Ayos ah. Naka suit and tie ako tapos magsosort lang pala ako niyan. Hello papercuts!"

"Nagrereklamo ka? Ayaw mong magpaiwan sa probinsya diba?"

"Fine. Wala na akong sinabi."

"Pagkatapos mo dyan, may ibibigay ako sayong mga pangalan at tatawagan mo sila isa isa."

"Sure!"

"At pagkatapos pupunta ka kay Mr. Carbonel para papirmahan ito," dagdag ko at iniwan ko sa mesa ang papel na tinutukoy ko.

"Bring it on!"

Tumayo na ako nang biglang ipaalala ng secretary ko ang meeting ngayon.

"Yun lang ba Mrs. Castrences?" tanong ni Ian habang nakangisi.

"Yun lang sana kaso pinainit mo ang ulo ko kaya pagbalik ko may ipapagawa pa ako sayo!"

Lumabas na ako ng kwarto bago ko makalimutan na kapatid ko siya at sa unang araw ay mawalan siya ng trabaho. 

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon