Kabanata 4
I like it----------
"Text mo'ko pag nakauwi ka na." ani Forseti habang nakadungaw ako sa bintana ng sasakyan ni Jethro.
Tumango ako sa kanya at ng akmang hahalikan niya ako sa labi ay biglang inandar ni Jethro ang sasakyan niya. Kasunod ng paghalakhak nila ni Timothy.
"What the hell!" Bulyaw ko naman sa kanila. Panira talaga sila ng moment, nakakainis!
"Ang dami niyo pa kasing arte. Hindi ba pwedeng isang maikling bye lang, tapos."
Naitirik ko nalang ang mga mata ko at saka inilabi ang salitang 'I love you' kay Forseti habang pilit kong pinakakalma ang sarili ko habang nakangiti sa kanya.
Bago pa siya maglakad papunta sa sasakyan niya ay inilabi niya rin ang salitang 'I love you too' na tuluyang nag-alis ng inis ko kay Jethro at Timothy.
Nang mawala na si Forseti sa paningin ko. Isinara ko na ang bintana rito sa back seat. Nasa front seat naman si Timothy na abala sa pagtitipa sa kanyang cellphone, habang si Jethro naman ay seryosong minamaneho ang sasakyan niya na papalabas na ng gate.
"Jethro! Sandali!" Pigil ni Lav na kinalampag ang salamin sa gilid ni Jethro.
"Ano na namang problema mo?" Iritang tanong ni Jethro ng ibaba niya ang bintana sa gilid niya.
"Kaya mo pa ba talagang mag drive?" Bakas sa tono ng boses ni Lav na nababahala siya.
Kahit nga ako ay nababahala rin, nakainom kasi itong si Jethro.
"Oo naman. Sige na, sumakay ka na sa sasakyan niyo. Ako ng bahala kay EA at Timothy. Trust me, Lav. We'll go home safe."
Sinipat muna kami ng tingin ni Lav bago siya umalis sa bintana.
Paglabas ng sasakyan ni Jethro sa gate ay nagulat ako ng magpalit sila ni Timothy ng upuan. Si Timothy na ang umupo sa driver's seat at si Jethro sa tabi niya.
"Uy! Bakit kayo nagpalit?" Tanong ko kay Jethro.
"Hindi lang halata, EA. Pero mas lasing ako kay Timo." Namamaos na sabi ni Jethro habang halos bumagsak na ang mga mata niya sa pungay non.
"Pero lasing narin si Timothy."
"Kaya ko pang mag-drive." ani Timothy na pinaandar na ulit ang sasakyan habang si Jethro ay pikit na ang mga mata.
Napatitig pa ako sa mukha niya. Bakit ang amo nun kapag natutulog siya?
Kinakabahan talaga ako sa pagmamaneho ni Timothy kaya imbes na umidlip ako ay hindi ko nagawa, buong byahe akong dilat na dilat ang mga mata. Lalo na't ang bilis rin magmaneho nitong si Timothy, palibhasa'y napakaluwag ng daan dahil alas tres na ng madaling araw. Si Jethro naman ay himbing na himbing na talaga sa pagtulog.
Paliko na kami sa isang street ng may mabilis ding sasakyan ang sumalubong sa amin.
Nagulat ako, narinig ko pang napamura ng malutong si Timothy at sinubukang iwasan ang sasakyan ng i-drift niya yon. Napatakip ako sa tenga ko ng marinig ko ang matinis na pagkaskas ng gulong sa lupa.
Sunod-sunod na mura na naman ang narinig ko kay Timothy ng bumangga sa likod ng sasakyan namin ang sumalubong na sasakyan kanina. Nadidinig ko ang natatarantang pag-apak ni Timothy sa break pero tila hindi niya ma-control ang sasakyan, hanggang sa tuluyan kaming bumangga ng malakas sa isang matanda at malaking puno.
Naumpog ang ulo ko sa sandalan ng upuan ni Timothy at nalaglag ako sa kinauupuan ko, pakiramdam ko nga ay nakalog ang utak ko. Tila nabingi rin ang tenga ko at saka ako saglit na nawalan ng malay, at ng magising ako ay halos hindi ko maigalaw ang mga paa ko sa pagkakaipit nito sa kinauupuan ni Jethro. Nakasalampak kasi ako sa lapag.
BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...