Kabanata 37

11.9K 218 47
                                    

Kabanata 37
Patayin ang hinala

----------

Naunang lumabas si Jethro sa kwarto ko. Ilang minuto pa ang nakalipas ay bumaba narin ako. Pababa palang ako ng hagdan ay dinig ko na ang malakas na tawanan ni daddy at Jethro sa living room. Hindi ko alam kung anong pinagkukwentuhan nila at panay ang kanilang tawa.

Tahimik namang nakaupo sa single couch si kuya at kumakain ng popcorn. Napatingin pa nga siya sa akin ng tumabi ako kay Eira na katabi ni daddy, si mommy naman ay nasa kwarto nila ng silipin ko bago ako bumaba. Nakaharap pa nga siya sa laptop niya habang mabilis na nagtitipa sa keyboard.

Kahit na nasa TV ang tingin ko ay ramdam ko ang ginagawang papalit-palit na pagtingin ni kuya sa aming dalawa ni Jethro. Nang lingunin ko pa nga siya ay magkasalubong ang kanyang mga kilay habang tila pinapaka-obserbahan niya ang bawat galaw namin.

Hindi ako gaanong makakilos sa ginagawa niya habang si Jethro ay panay ang tawa at walang kamalay-malay na mukhang may nalalaman na si kuya tungkol sa amin.

Hanggang sa magpasya na si Jethro na umuwi.

"What's wrong?" Mahinang tanong niya sa akin habang nasa tapat kami ng front door.

"Hindi mo ba napansin si kuya kanina? Panay ang tingin niya sa atin."

Ngumuso si Jethro at umiling.

"Don't mind it, okay? Masyado lang nagagandahan sayo yon at nagagwapuhan sa akin." Nakangiti niyang sabi kasunod ng paggulo niya sa buhok ko.

"EA."

Papasok na ako sa kwarto ko ng tawagin ako ni kuya. "Y-Yes?" Unti-unting gumapang ang kaba sa buong sistema ko.

Kakaiba ang mga mata ni kuya, tila ba may pagbabanta ang mga yon. "Be careful." aniya at saka niya ako tinalikuran at naglakad na siya papasok sa kwarto niyang nasa tapat ng kwarto ko.

Be careful? Anong ibig sabihin non? Alam na ba niya?

Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko at ibinagsak ang sarili ko sa kama. Dinipa ko ang mga kamay ko habang nakatingin ako sa kisame.

Hindi naman siguro ibig sabihin ng 'be careful' na sinabi ni kuya ay dahil gusto niyang mag-ingat kami ni Jethro sa itinatago naming relasyon, kasi kung ganoon nga... Bakit parang okay lang sa kanya? Bakit parang nagbababala pa siya?


Ipinaikot ko ang eyeballs ko ng puriin si Penelope ng professor namin habang nagpi-paint kami. Maganda raw ang gawa niya at kita naman sa mukha ni Penelope ang mga ngiting puno ng pagmamataas.

Pagnakikita ko siya ay naiinis talaga ako. Bukod sa hindi ko nagugustuhan ang ginagawang niyang paglapit kay Jethro at pagpapahiwatig niya ng pagkagusto dito, hindi ko narin nagugustuhan ang ginagawa ng pamilya niya sa pamilya namin.

Kahit pa sabihing wala naman siyang kinalaman sa nagaganap na panunulot ng mga Pedrosa, dala naman niya ang nakakainis na apelyidong yon.

Nakakainis talaga.

At sa tuwing napupuri siya ng mga professors at classmates ko. Pakiramdam ko, ang liit-liit ko sa kanya, pakiramdam ko talo ako katulad ng ginagawa ng mga Pedrosa sa pamilya ko ngayon. Hindi ko naman yata hahayaan na basta-bastang matabunan ang apelyido ko ng isang Pedrosa.

Ako ang parating napapansin sa lahat ng klase namin noon, pero ngayon kahati ko na siya sa mga papuri ng mga professors. Pareho na kaming nakakatanggap ng magagandang komento sa kanila. Kung noon hindi ko pinapansin ang popularidad na ipinupukol sa akin ng mga kaeskwela ko, ngayon handa na akong tanggapin yon ng buong-buo wag lang akong malamangan ng isang Pedrosa.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon