Kabanata 18

11.6K 249 15
                                    

Kabanata 18
I hate him

----------

Badtrip na badtrip talaga ako dahil sa ginawa ni Jethro. Hindi niya nga ako ini-snob, pero para akong bolang pinasa niya kay kuya.

Nakakainis. Ako ang unang nagpalagay sa kanya ng sunblock, pero tinitigan niya lang yon at mas pinili niyang lagyan yung babaeng kakikilala lang niya. At ngayon, nakikita ko silang masayang nagkukwentuhan habang nasa gilid sila ng pool.

Gusto kong lumapit kay Jethro, well...I just want to talk to him kahit ano, kasi kapag nakikipag-usap ako sa kanya gumagaan yung pakiramdam ko, marami akong bagay na nare-realize, ngayon ko lang din na-realize na may sense palang kausap si Jethro, hindi lang puro pambubully sa akin ang alam niya. Kaya niyang pagaanin ang loob ko na hindi kayang gawin ng iba.

Kaya lang, gustuhin ko mang magkaroon ng conversation with my uncle. Hindi ko naman magawang lumapit sa kanya kasi hindi naman umaalis sa tabi niya ang babaeng kasama niya and they look so happy together.

"Bakit ganyan ang itsura mo, nakasambakol?" Tanong sa'kin ni kuya Luke habang tinatawanan niya ako.

Pinagtaasan ko naman siya ng kilay and I pout my lips. "Bwisit kasi yung Jethro na'yon!" Kasunod ng pagtingin ko sa direction ni Jethro at ng babaeng kasama niya.

"Nag-away na naman kayo? Para parin kayong mga bata. Laging nag-aaway. Daig niyo pa ang aso't pusa."

"Hindi kami nag-away. Naiinis lang ako sa kanya. I'm the one who ask him first to help me put a sunblock, tapos pinasa niya 'ko sayo. That's rude."

Tumawa ulit si kuya. "Bakit masyadong big deal yon sayo? Don't you get it? Type ni Jethro yung babaeng kasama niya ngayon. Just be happy for him."

"He likes her? But they just met."

"So? In every seconds, there's so many people falling in love."

"Falling in love? He's not in love. He just wanna get laid."

"Yeah. That's what I meant to say." Sabay tawa ni kuya. "Kaya hayaan mo nalang siya. Tigilan mo na ang pagtatampo mo dyan." Tumawa pa siya ulit bago siya lumangoy palayo sa'kin.

Ako nagtatampo? Really?

"I got you."

Nagulat naman ako ng biglang pumasan sa'kin si Timothy ang bigat niya at hindi ko siya kinaya kaya napalubog ako sa tubig.

"What the hell, Timothy!" Bulalas ko sa kanya ng makaahon ako ulit, umalis siya sa pagkakapasan sa akin. "Fvck you!" sabi ko pa habang hinihilamos ko ang kamay ko sa nahilam kong mga mata.

"Hey watch your mouth, Emilia Azalea." Tumatawang sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "And who the hell are you to say that to me, huh? As if you don't say bad words, because as a matter of fact...you're the one I always hear cussing."

Kumunot ang noo ni Timothy at isinuklay niya ang kanyang kamay sa kanyang basang buhok pagkatapos ay hilaw siyang tumawa.

"What's wrong with you? Nilalambing lang kita, cous. Why so serious?"

Pag bad mood ako ay ayoko ng binibiro ako.

Hindi ako umimik sa kanya. Tinalikuran ko nalang siya 'tsaka ako lumangoy papunta sa pinakadulo ng pool at umahon na.

"EA, hindi ka na mag su-swimming?" Dinig kong pasigaw na tanong sa akin ni Ern.

"Ayoko na!" Tugon ko.

"Timo, anong ginawa mo?" Dinig kong pasigaw na tanong ni Lav kay Timothy habang naglalakad ako pabalik sa lounge chair ko kanina.

"Nilambing ko lang naman."

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon