Prologue
-----------
"Viva! Pit Señor!"
Sabay-sabay na sigaw ng mga co-dancers ko. Nasa likuran ko sila at kasabay kong sumasayaw habang nasa gitna kami ng daan, suot ang makukulay at magagarbo naming costumes.
Maraming grupo ng dancers ang nakisali sa sinulog street dancing, ang iba nga ay mga hindi talaga taga rito sa cebu.
Sa grupo namin ay ako ang nagre-represent kay Queen Juana na nasa unahan, nakatayo sa gitna at hawak-hawak ang isang maliit na Sto. Niño habang sinasabayan ko ng pagsayaw ang nakakaindak na tugtugin mula sa marching band na nasa unahan at likuran ng mahabang lines ng street dancers.
Mabigat ang malaking costume na suot ko mula ulo hanggang paa, but I don't really care, nababawasan kasi ang pagod ko kapag nakikita kong malapad na nakangiti ang mga tao habang pinanonood ako.
Mas ginaganahan pa ako dahil sa naririnig kong cheer sa akin ng mga kaibigan, pinsan, kapatid, tito at boyfriend ko na nakasunod sa akin, naroon sila sa gilid kasama ang maraming tao.
"That's my niece!" Proud na sigaw ni Jethro.
He's my uncle, mas matanda lang siya sa akin ng isang taon. Naka-aviator glass siya at naka polo shirt na itim not to mention na sumisilip na ang matipuno niyang dibdib dahil sa tatlong butones na nakabukas sa polo niya.
Sa porma ni Jethro ay animo isa siyang artista.
Pansin na pansin si Jethro sa tumpok ng mga taong nasa gilid. Sa may hilera niya ay siya ang pinakamatangkad. He's almost six foot at bibihira lang ang may ganoong height sa karaniwang pinoy na may edad na sixteen. Yes, he's just sixteen.
Kumakaway sa akin si Jethro habang ang isang kamay niya ay nakaakbay sa girlfriend niyang si Thyra Bernales, na lalaban naman sa Miss Cebu na magaganap yata the day after tomorrow.
"EA! Harap dito!" Pasigaw na utos sa akin ng pinsan kong si Ern. Ang nag-iisang binabae sa matitikas na kalalakihan ng angkan namin.
Humarap ako sa kanya habang nakatutok sa akin ang camera niyang mala bazooka. Isang blogger si Ern, blogging is his hobby, pero passion niya ang pagde-design ng mga damit. Sa katunayan nga ay siya ang nag-designed ng costume na suot ko ngayon. Imagine, fifteen palang siya pero ang galing na niyang mag design ng damit.
Sa pagharap ko kay Ern ay nahagip naman ng mga mata ko ang mga babae kong pinsan na si Prima at Lav. Kasama nila ang bunso kong kapatid na si Eira. Naroon din ang ilan kong lalaking pinsan, na si Westly at Easton...kasama ang kuya Luke ko na may dala-dala namang video camera.
Lahat sila nakangiti sa akin at kitang-kita sa mukha nila ang pagkamangha, marahil sa suot ko talaga sila namamangha.
"Emilia Azalea. Smile!" Sigaw ulit sa akin ni Ern.
Ngumiti naman ako sa kanya kasabay ng tila pag slow-motion ng paligid ng magtama ang mga mata namin ni Forseti na nasa likod na ngayon ni Ern.
Forseti is my first love and first boyfriend, hopefully be the last because I believe that someday, he's going to be my husband.
Nakangiti sa akin si Forseti na kitang-kita ang brace niyang bumagay sa kanya, nag approve-sign pa siya sa akin at kinindatan ako. Hindi pa nga nakuntento at inilabi niya ang salitang 'I love you' na tila nagpalundag ng puso ko sa tuwa. Mas lalo tuloy akong ginanahan sa pagsayaw.
Sa tabi ni Forseti ay naroon ang bestfriend kong si Cheska na hanggang balikat ang buhok na medyo kulay brown. Kinakawayan niya ako at wala akong ibang mabasa sa bibig niya kung di ang salitang 'wow' habang pinapasadahan niya ng tingin ang suot ko.
BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...