Kabanata 50

12.3K 246 47
                                    

Kabanata 50
Jethro's POV

A/N: Sa mga readers kong gustong maglabas ng feels. Welcome na welcome kayo sa group, search niyo lang ang Levelionist Corner.

----------

Ipinamulsa ko ang mga kamay ko habang lumalabas ako ng St. Arnold Janssen chapel dito sa campus namin. Paglabas ko ay huminto ako sa harap ng pintuan at napapikit ng salubungin ako ng malamig at malakas na simoy ng hangin. Pagdilat ko ay napatingala naman ako sa asul na kalangitan.

Maaliwalas ang langit, malayo sa kalooban ko na ngayon ay tila binalot ng dilim.

Mali ba na pinaglalaban ko ang pag-ibig ko sa taong hindi ko dapat mahalin? Kung ako kasi ang tatanungin ay isa lang ang parati kong sagot na pinagkakasunduan ng utak at puso ko.

Hindi.

Para sa akin hindi maling ipaglaban ko ang pag-ibig ko kay EA. Mahal namin ang isat-isat, we're both single, wala kaming tinatapakang tao. Mali lang dahil nasasagasaan namin ang reputasyon ng pamilyang simula't sapul ay nakasama na namin, mula ng magkaisip kami at matuto ng maraming bagay sa mundong 'to, na puno ng mga taong mapanghusga at walang ginawa kung di ang dumada ng dumada, kahit pa mga wala namang alam.

Pero putanginang reputasyon, putanginang boundaries, putanginang bloodline. Mahal namin ang isat-isa at iyon ang mahalaga. Tangina! Kalalabas ko lang ng chapel nakakapagmura na agad ako. Tangina naman kasi talaga. Bakit ba kailangan pa naming mahirapan ng ganito? Sino ba ang nagpauso ng bawal na pag-ibig para sa mga taong naiinlove sa kadugo nila?

Pagpasok ko sa kotse ko na ipinarada ko sa gilid ng chapel. Muli akong napamura at hinampas-hampas ang manibela dahil sa matindi kong frustration. Fvck!

Itinukod ko sa manibela ang mga siko ko at nag-angat ng tingin. Nanggigigil kong hinilamos ang palad ko sa mukha ko at hinagod iyon pataas sa ulo ko at saka ko sinabunutan ang sarili kong buhok. I felt my tears running down on my cheeks. Punong-puno na ako. Apaw na apaw na ang sakit na nararamdaman ko.

Mahal ko si EA at ipaglalaban ko siya, hindi ko siya susukuan, magsasama kaming masaya. Mahal niya rin ako at panghahawakan ko yon, patuloy akong magiging matatag para sa kanya. Handa akong kalabanin lahat para sa kanya. I can take all the risk just to be with her.

Kung hindi kami matatanggap ng lahat then fine. We don't need everyone, sapat na ang magkasama kaming dalawa. Kapag nagmahal ka naman, hindi naman kailangang maraming taong involve doon diba? Ako at si EA, that's enough.

And this isn't about lust kung yun ang pinaniniwalaan ng iba.

Iba si EA. Iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. I've dated many girls, we got laid. No love, just needs. Si EA, her words can make me bleed, her stares can make me weak, her laugh and smile can bring happiness to me, her hug can ease all the pain that I have. What else she can't do? She makes me crazy, she's my everything. She's all that I want.

Mahal ko ang pamilya ko at hindi naman kailangang isuko ko ang pag-ibig ko kay EA, para patunayan yon sa kanila. Pag-unawa lang naman nila ang kailangan namin, pero dahil sarado ang isip nila sa ganitong bagay, hindi talaga nila maiintindihan ang sitwasyon namin. Para sa kanila, maling minahal ko si EA dahil pamangkin ko siya, ano naman? For me love has no boundaries.

Pagmahal mo, kahit sino pa yan, kahit anong klaseng nilalang pa yan. Pagmahal mo yan, kakapit ka dyan. Hindi mo yan susukuan at ipaglalaban mo yan. That's love.

Napupuno na kasi talaga ang mundong 'to ng mga taong mapanghusga at makikitid ang utak and some of them ruining peoples life, even if those people only wants to be happy.




If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon