Kabanata 20
Iniwan----------
Pagbalik namin sa resort ay panay ang suka ko sa cr. Parang hinahalukay ang sikmura ko dahil sa dami ng nainom ko.
"Kasi naman, Emilia. Kapag iinom ka wag sobra-sobra. Masama ang sobra tandaan mo yan. Kapag feeling mo hindi mo na kaya, tumigil ka na hindi yung sige ka parin ng sige." Panenermon sa'kin ni kuya mula sa labas ng pintuan sa banyo, habang ako ay panay ang duwal sa toilet bowl. Hinahagod naman ni Lav ang likod ko at hawak naman ni Prima ang buhok ko.
Pagkatapos kong isuka ang lahat ng nainom ko ay pinahiga na ako ni Lav at Prima sa kama dito sa itaas.
"Ang sarap kasi ng Mindoro sling." Pikit mata kong sabi habang nararamdaman kong hinuhubaran ako ng mga babae kong pinsan para palitan ng damit, nasukahan ko kasi yon kanina nung paalis palang kami ng bar.
Hindi ko naman kasi namalayang lasing na pala ko, 'tsaka inaliw ko lang naman ang sarili ko sa pag-inom para mawala ang pagkabwisit ko.
"Aray!" Nagising ako ng may tumamang kung ano sa mukha ko.
Pagdilat ko ay nasa mukha ko ang kamay ni Prima na nakahiga sa tabi ko at mahimbing na natutulog.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa mukha ko at bumangon para umihi, nakita ko pa nga si Lav na nakahiga sa tinanggal nilang foam sa couch na narito at si Ern naman na piniling makitulog sa room namin ay nakahiga sa foam na galing sa upuang nasa kabilang kwarto, hindi naman kasi ginagamit iyon doon ni Easton at Westly, na sa baba natulog.
Pinagdikit ni Lav at Ern ang dalawang foam kaya parang kama narin yon.
Napapangiti ako ng makita kong nakayakap si Ern kay Lav habang tulog. They look so sweet, para silang couple, but of course parang lang, because that will never happen. Bukod sa lalaki rin ang hanap ni Ern, magkadugo sila. That's incest. Forbidden and gross.
Bigla akong nangilabot sa pinag-iiisip ko kaya nagtungo nalang ako sa banyo para umihi.
Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na ako sa kama, hindi para humiga kung di para hanapin ang cellphone ko na nahanap ko sa ilalim ng aking unan.
Pagtingin ko ng oras sa cellphone ko ay nagulat ako ng makita kong four-thirty palang, but I can't sleep anymore, lalo na ng maramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko.
Eto na si hang over. Shit!
Pupungay-pungay pa ang mga mata ko habang bumababa ako ng hagdan, dim ang ilaw sa labas, kaya dire-diretso lang ako sa pagbaba, habang pababa ako ng hagdan ay bumungad sa pandinig ko ang tila nagpapaligsahan sa paghilik na mga pinsan kong lalaki, hindi ko alam kung sino sa kanila ang humihilik dahil hindi ko na sila sinilip, basta sa lakas ng hilik nila ay dinig yon mula rito sa balcony, sa tapat ng room nila.
Walang kusina rito, pero may coffee maker at lalagyan ng gatas, asukal at kape.
Habang hinihintay ko ang coffee ko.
Naaalibadbaran ako sa sabay-sabay na hilik ng boys sa kwartong nasa harap.
Hinigop ko ang kape ko habang paakyat akong muli sa balcony sa taas at laking gulat ko na halos matapon ang kapeng hawak ko ng makita ko si Jethro na nakaupo sa isa sa mga couch na nasa dulo.
"My God! Kanina ka pa dyan? Tinakot mo 'ko!" Bulalas ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin at tinanggal niya ang earphone sa kanyang tenga habang nakakunot ang kanyang noo at nakatingin siya sa akin.
"EA? Maaga pa. Go back to sleep." Ma-awtoridad niyang sabi.
Lumapit ako sa kanya para maupo sa couch na nasa tabi niya at habang naglalakad ako ay napansin kong wala pala siyang pang-itaas and he's wearing a sweat pants.
BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...