Kabanata 36

11.4K 215 31
                                    

Kabanata 36
Muntik

----------

Nagkaroon ng after party ang buong team ng engineering department sa bahay ng coach nila. Isang simpleng salo-salo lang naman at dahil invited kami ay nakasama kaming magpipinsan.

Habang nag-iinuman ang mga lalaki sa frontyard ni Coach Yu ay kami namang mga girls ay nasa sala at nanonood ng tv habang kumakain ng caramel cake.

Alas-quatro na ng mag-uwian kaming lahat. Hinatid ako ni Jethro hanggang sa tapat ng bahay.

"Hep, hep, hep!" Pigil niya sa akin ng palabas na ako ng kotse niya.

Napakunot naman ang noo ko. "Bakit?"

Ngumuso si Jethro at nataranta naman ako sa ginawa niya kaya tinakpan ko bigla ang bibig niya.

"Hey, hindi pwede ang gusto mo no! Not here. Baka may makakita sa atin, hindi naman tinted 'tong rolls royce mo."

Inalis niya ang kamay kong itinakip ko sa bibig niya at ngumisi siya sa akin. "So, kung tinted 'to. I can get a kiss whenever I want?"

Napalunok ako at pinagtaasan siya ng isang kilay. "Dipende, at saka baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka sa'kin."

Napataas din ang isa niyang kilay at nawala ang nakakaloko niyang ngisi. "Anong kasalanan ko?"

"Yung hinayaan mong punasan ni Penelope yung pawis mo and then, yung accident kiss niyo. Dapat lumalayo ka sa kanya, Jethro."

Sumilay muli ang ngiti sa labi niya and this time kinagat niya pa ang ibaba niyang labi.

"Pinigilan ko siya pero ayaw niyang magpapigil. Ayoko namang maging rude so I let her be. Gusto mo, magpapapawis ako ulit tapos ikaw ang magpunas sa'kin?" Hinampas ko siya sa braso niya at sinamaan ng tingin. "Puro ka kalokohan!"

"And about that kiss. Ikaw na nga ang nagsabi, that was an accident. Nagulat din ako dahil hindi ko naman intention na humarap sa kanya. Darling, that was just a one second kiss and I swear hindi yon kasing diin at kasing passionate kapag hinahalikan kita."

Napalunok na naman ako at tila namula ang pisngi ko ng maramdaman kong nag-init ito dahil sa sinabi ni Jethro.

"Kapag may lalaking lumalapit sa akin, umiiwas naman ako, huh? Wala akong pakialam kung maging rude ako. Basta ayoko na makita ng taong mahal ko na may iba akong lalaking kasama, kasi ayokong magselos siya but you...mas pinoprotektahan mo pa yata ang image mo kesa sa damdamin ko? That's unfair!"

"Hey, I'm sorry." Binasa niya ng dila niya ang kanyang labi at naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Nasanay lang talaga ako na hindi namamahiya ng babae. EA, nasa harap kami ng mga tao, kung alam mo lang kung gaano ko kino-control ang sarili ko na itulak siya, but I can't. I respect girls and you know that, EA. And I don't care about my image. Dahil kung handa ka lang talagang hindi itago ang relasyon natin, wala akong pakialam sa image ko, basta hahalikan kita sa harap ng maraming tao hanggang sa kapusin ako ng hininga."

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "Please, wag ka ng magalit. I'm sorry."

Kilala ko si Jethro. I know if he's sincere or not at sa nakikita kong itsura niya ngayon. He look so sincered. Para ngang maiiyak na siya. Malayo sa playful look na ibinibigay niya sa akin kanina. Wala na ang ngiting naglalaro sa mga labi niya kanina.

Seryoso niya akong tinitignan. Tingin na tumatagos sa puso ko at pinalalambot ito.

Unti-unti akong napapangiti dahil sa itsura niya.

"What's funny?" kunot noo niyang tanong sa'kin.

"Wala lang. Ang cute mo pagsinusuyo mo'ko."

"So, are we okay?" Hindi parin siya ngumingiti.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon