Kabanata 15

12.8K 258 34
                                    

Kabanata 15
Darling

----------

"Anyway, hindi na tuloy ang plantation bay na'tin. Puerto Galera na agad tayo." ani Lav habang namimili kami ng swimsuits sa loob ng isang boutique dito sa ayala center kung saan kami madalas mag shopping.

Ilang tulog nalang bakasyon na. Simula na rin ng summer at nalalapit narin ang aming Puerto Galera adventure.

Pero sa totoo lang, hindi ako masyadong excited di tulad noon. Siguro dahil hindi ko na makakasama yung lalaking hanggang ngayon ay laman parin ng puso ko. Kahit gaano pa ako kagalit sa kanya, may bahagi ng sistema ko ang nagsasabing gusto ko parin siyang makasama.

Ngayong wala akong kasamang Forseti sa nalalapit na bakasyon. Am I going to be happy this summer?

"I like this one!"

Napatingin ako kay Prima na may hawak na one piece white swimsuit na nakasabit pa sa hanger.

Naaalala ko ang swimsuit na'yon. Ganyang-ganyan ang gustong isuot ni Cheska nung last time na nag-shopping kami.

Napabuntong-hininga nalang ako ng muli siyang sumagi sa isip ko. Ang hirap naman kasing kalimutan ng mga taong malaki ang naging bahagi sa buhay mo, yun nga lang sa isang pagkakamali niya nagbago ang lahat.

"What do you think, EA. Bagay kaya?"

Hilaw akong ngumiti kay Prima at tumango sa kanya.

"Sana pwede din akong magsuot ng swimsuit." nakangusong sabi naman ni Ern habang nakatingin siya sa makukulay at naggagandahang swimsuits rito.

"Pwede naman huh? May mga bakla namang nagsusuot ng swimsuit." sabi ko.

Nagtaas ng kilay ang pinsan ko at humalukipkip ito. "Hindi bagay sa'kin. Masyadong maumbok ang santol ko, bwisit naman kasi at biniyayaan pa ko ng malaking lawit! Hindi ko tuloy maitago!"

Nasamid akong bigla sa sinabi niya habang si Prima at Lav ay malakas namang nagtawanan.

"That's a gift for all the Elizconde boys, Ern." nakangising sabi ni Lav.

"And I don't need this damn gift. It's a curse! Gusto ko ng malaki, pero hindi para sa'kin, kung di para sa mga lalaki ko! Feeling ko nga mas malaki pa 'tong alaga ko kay Vanz eh."

"Kung ako sayo, ipatanggal mo na yan." sabay tawa ni Prima.

"I don't think I can do that. Baka itakwil na'ko ng bongga ni Papsie pag nagpa-sex change pa'ko. No, no, no. I won't do that. Wala din naman sa isip ko yon, kuntento na ko sa ganito."

"Ibig sabihin, wala ka palang balak magpa-sex change?" gulat kong tanong kay Ern.

Marami sa gay society ang gustong magpa-opera at maging ganap na babae. I thought, ganoon din ang gusto ni Ern.

"Bakit ayaw mo, cous? You don't wanna be a real woman?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Or maybe you're afraid of the operation?"

"Well, yes natatakot ako sa operation, pero hindi yon ang dahilan. It's just that I'm happy being like this. I don't need to change myself to prove that I'm a woman, because in my heart. I really am."

Napatango ako. "I like the answer, pang miss universe ang sagot."

"Naman!" nag beauty queen wave pa si Ern.

"O s'ya. Bayaran niyo na yang mga pinamili niya at nagugutom na 'ko." anas niya ng tumigil siya sa pagkaway.

Pagkatapos naming mamili ng swimsuits ay kumain na kami ng tanghalian sa isang fine dining restaurant and then we decided to watch a movie.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon