Kabanata 41

10.8K 207 23
                                    

Kabanata 41
Hard

----------

"EA, gising!" Dinig kong pukaw sa akin ni Lav. Nararamdaman ko pa ang paulit-ulit niyang pagyuyugyog sa balikat ko. "Bangon na, Emilia Azalea. Bilisan mo!"

"Inaantok pa 'ko." Reklamo ko sa kanya sabay talukbong ko ng kumot.

"EA, we need to go the hospital. Get up and change. Now!"

Hospital? Who's in the hospital.

Nagising ang diwa ko at mabilis kong idinilat ang mga mata ko at saka bumalikwas sa kama.

"Anong gagawin natin sa hospital?" Nagtataka kong tanong kay Lav ng may halong kaba.

Pinasadahan ko rin ng tingin ang mga pinsan kong lalaki na mga nagmamadali ng nagsisisuot ng kanilang mga pang-itaas. Napansin ko nga na wala si Jethro.

"Nasaan si Jethro?" Tanong ko.

"Inatake sa puso si papsie, EA. Nauna na si Jethro sa ospital." ani Lav.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at natulala sa kinaroroonan ko at ng mag sync-in sa utak ko ang sinabi ni Lav, tsaka ako nagmamadaling bumaba ng kama at hinanap ang damit ko para magbihis.

Pagdating namin sa ospital ay agad na itinanong ni Tommy sa mga nurse na nasa front desk kung nasaan ang room ni papsie.

"Saan po ang kwarto ni Theodoro Alejandrino Ulyarez-Elizconde?"

"Sir, nasa ICU po siya ngayon."

Nangingislap na animo bituin ang mga mata ng ibang nurse na nasa fromt desk, habang nakatingin sila sa amin.

"Thanks." ani Tommy.

"You're always welcome, sir." Nakangiting sabi ng nurse na mukhang hindi naman nalalayo ang edad sa amin. Narinig ko pa nga ang mahinang pagtili ng mga nurse na naroon habang tumatakbo na palayo ang mga pinsan kong lalaki.

"Kuya, nandoon na ba sila mommy?" Tanong ni Prima kay Westly habang nasa Elevator kami.

"Yes. Nandoon na silang lahat."

"What's the cause of papsie's heart attack? Ano bang sabi ni Jethro?" Tanong naman ni Timothy kay Lav.

"I don't know. Nagmamadali siya kaya hindi ko natanong." ani Lav.

Bakas sa mukha ng mga pinsan ko ang pangamba habang nasa loob kami ng elevator. Ipinagsalikop ko pa nga ang mga kamay ko, nananalangin na sana gabayan ng diyos si papsie.

Pagbukas ng elevator ay pinauna kaming lumabas ng boys. Nagmamadali kaming lahat hanggang sa makita namin si mommy at daddy kasama ang mga tito at tita ko, naroon din si kuya Luke.

Magkayakap si mommy at daddy habang nakatayo sila sa tapat ng room ni papsie. Si Tito William ay tulala namang nakaupo sa mahabang white bench na naroon at nakahilig ang ulo ni tita Lalaine sa kanya. Nag-uusap naman si tito Fredrick at tito Larry habang tahimik na nakaupo lang din si tita Sylvia, tita Teresa at tita Ebony. Nakatayo naman sa gilid ng bench si tito Miguel.

"Dad, we're here! How's papsie?" Pasigaw na tanong ni Lav habang mabilis kaming lumalapit sa kanila.

Nagsilingunan silang lahat sa amin. Itinuro naman ni tito Miguel mula sa salamin si papsie.

Nag-init ang gilid ng aking mga mata ng makita ko si papsie mula sa salamin na naka oxygen tank. Naroon si Mamsie sa tabi niya at hawak ang kaliwa niyang kamay, habang si Jethro naman ay nakatayo sa likod ni mamsie at nakapatong ang kamay niya sa balikat nito.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon