Kabanata 21
I think I'm in love----------
Pagkatapos ng pinanood namin ay kumain kami ng pizza, sumunod naman sa amin si Jethro na hindi na kasama si Trachelle.
"Where's Trachelle?" Tanong ng babaeng katabi ni Timothy, na isa sa mga kaibigan ni Trachelle.
"Sleeping." Tipid na sagot ni Jethro rito.
"Bakit tulog na agad?" Kunot ang noo na tanong ni Ern.
Nakita ko ang makahulugang pag ngisi ni Timothy.
"Malamang napagod." Aniya.
Siniko naman ni Easton si Jethro ng maupo ito sa tabi ng pinsan ko. May sinasabi pa si Easton kay Jethro na hindi ko madinig, tanging silang dalawa lang ang tila nakakarinig ng usapan nila. Nakita ko pa nga na sumilay ang tipid na ngiti sa labi ni Jethro and it's starting to irritates me.
Parang alam ko na yung pinag-uusapan nila.
"He got laid. Again." Bulong sa akin ni Ern.
"Huh?" Kunwari ay nagulat pa ako sa sinabi ni Ern though may alam na ako.
Inilapit ni Ern ang mukha niya sa akin at bumulong siya.
"Don't you get it. Didn't you notice? They're screwing each other, EA. Jet and Trachelle."
Confirmed.
Kahit si Ern alam niyang may nangyayari kay Jethro at Trachelle. Siguro kung kami parin ni Forseti, I won't feel this pain. Kaso hindi na kami ni Forseti eh, at pakiramdam ko kay Jethro nalipat ang atensyon ko ngayon. Kung dati wala akong pakialam sa pakikipaglandian niya sa kung sinu-sinong babae, now I care. I care a lot and this is a very unusual feeling. I know, this isn't appropriate.
Napakagat ako ng labi ko at naikuyom ko ang mga kamao ko habang pumapasok sa isip ko si Jethro at si Trachelle doing that... ugh!
"Dammit!" Bulalas ko. Naghahabol pa ako ng hininga at napatayo sa kinauupuan ko.
At ng mag-angat ako ng tingin ay nakatingin silang lahat sa akin, even Jethro na kunot ang noo sa akin.
Tila umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan ng mapagtanto ko ang ginawa ko.
Ilang beses akong napalunok ng pasadahan ko silang lahat ng tingin. Lahat sila nakatingin sa akin na para bang nagtatanong.
"I-I'm sorry. Sige mauna na ako sa room natin, busog na kasi ako."
Nakakahiya!
Dahil sa kahihiyan ay nagtatakbo ako palabas ng restaurant na kinaroroonan namin, narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni kuya na hindi ko pinansin dahil dire-diretso lang ako sa pagtakbo.
Mariin kong kinagat ang ibaba kong labi habang mabilis akong naglalakad papunta sa room namin, paglabas ko ng restaurant.
Ang sama-sama na naman ng loob ko. Nararamdaman ko na naman ang pagdurusang naramdaman ko habang nasa stage ako noon ng pagtanggap sa sarili kong wala na si Forseti sa buhay ko, na pinagpalit niya ako sa bestfriend ko. This is the feeling of my fresh break up.
Hindi ko ito nararamdaman dahil nasasaktan parin ako kay, Forseti. Nararamdaman ko 'to because of Jethro.
Sinubukan kong gamutin ang sugat na ibinigay ni Forseti sa puso ko, sa tulong ni Jethro. Ang sabi niya after this summer sisiguraduhin niyang wala ng Forseti dito sa puso ko. Ngayon palang, nangyayari na nga ang mga sinabi niya. Unti-unti na ngang nawawala sa puso ko si Forseti, unti-unti ko ng natatanggap lahat. Unti-unti ng nawawala ang feelings ko kay Forseti.
BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...