A/N: Salamat sa lahat ng sumubaybay nitong book 1 ng if I can trilogy. Ipopost ko nalang po sa page kung kailan magsisimula ang book 2. I'm going to start updating my other stories. Hope you'll support it too. Salamat ulit sa inyo.
**Wakas**
Tahimik na naman kaming kumakain ng dinner ng pamilya ko. Para kaming magkakagalit na hindi nagpapansinan, ilang araw ko ng nararamdaman ang ganito. Sobrang lungkot. I want to be with them pero bakit ganito? Bakit ni tipid na ngiti hindi ko magawa pagkasama ko sila? It always makes me feel awkward, na para bang may wall sa pagitan naming lahat.
Nabasag ang katahimikan namin ng magsalita si daddy. "Sa monday, babalik ka na sa pagpasok at ayokong mababalitaang nakikipagkita ka kay Jethro, EA. Sinasabi ko sayo, you stay away from him." Punung-puno ng awtoridad na sabi niya.
"What's wrong, dy? Why ate should stay away from uncle Jet?" Kunot naman ang noo na tanong ni Eira.
"Basta hindi pwedeng lumapit ang ate mo sa kanya."
"Did he do something wrong, dy?"
"They did something wrong, honey. Both of them. They break the rules."
"What rules?"
Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ni daddy. Mukha siyang naiirita dahil sa sunud-sunod na tanong ng kapatid ko.
"You're too nosy, Eira. Hindi maganda yan." pananaway naman ni mommy sa kapatid kong masyado talagang curious sa mga bagay-bagay.
Napatingin naman ako kay kuya na tahimik lang na kumakain. Sa loob ng ilang araw matapos nilang malaman ang relasyon namin ni Jethro, wala akong narinig na kahit ano kay kuya. He's always quiet. Hindi narin kami madalas magkita dahil maaga siyang pumapasok sa campus minsan at alas siete o alas otso naman siya kung umuwi galing sa office, pagdating niya pa dito sa bahay ay umaakyat agad siya sa kwarto niya.
I never heard any single words from him, pero natatandaan ko noon ng sabihin niya sa akin na 'Be careful' and I don't even know kung para saan yon. Sinabi niya nalang yon bigla.
Hanggang ngayon hindi parin ako makapag desisyon kung sasama ba ako kay Jethro. Hanggang ngayon, gulong-gulo parin ang isip ko. I need to think very carefully. Kailangan kong pagdesisyunan ng mabuti ang pipiliin ko, yung hindi ko pagsisisihang pinili ko kahit na alam kong kapag binitawan ko ang isa sa mga yon, pareho ko yung pagsisisihan. That's why I don't wanna choose, but now I have too.
"Emilia."
Nagbalik ako mula sa malalim kong pag-iisip ng marinig ko ang pagtawag at pagkatok ni kuya Luke sa pinto ng kwarto ko.
Bumaba ako agad ng kama at binitawan ang librong nakapatong sa hita ko pero hindi ko naman binabasa.
"Kuya, bakit?" tanong ko agad sa kanya ng pagbuksan ko siya ng pinto.
"Can we talk?"
"S-Sure. come in."
Pumasok si kuya sa kwarto ko at muli ko namang sinarado ang pinto. Naupo si kuya sa swivel chair ng study table ko at ako naman ay naupo sa dulo ng kama ko.
"I knew it."
Kumunot ang noo ko. "Knew what?"
"About you and Jethro. "
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at saka ako napalunok. "R-Really, when did you know about it?"
"Hindi ko matandaan kung kailan ako nagsimulang maghinala at hindi ko rin alam kung kailan ko napatunayan, basta sa tuwing pupunta dito noon si Jethro. I can sense to him that there's something deep whenever he looks at you, whenever he smiles at you and the way he acts. Lalaki ako at kilala ko ang karakas ng kapwa ko lalaki. You just have to be observant, so you can find out... kung anong tinatago nila."
BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...