Kabanata 17
It Hurts-----------
Coco beach island resort is like a paradise. Ipinalibot ko ang tingin ko sa buong paligid pagpasok namin sa loob ng resort, tahimik dito at maraming puno't halaman, dahil sa malakas na hangin ay sumasayaw ang mga sanga ng matatayog na coconut tree na may mga hitik na dahon at bunga. Natatabunan pa nga ng sanga ng mga puno ang sikat ng araw kaya hindi ganoon kainit dito sa kinatatayuan namin.
Dahil marami kami ay isang Deluxe family room ang kinuha namin, may apat na rooms iyon, pang pamilya talaga ang kwarto.
Native type ang lahat ng mga rooms na narito, bungalow style at siguradong makakapag relax ka. Maganda ang location ng room namin dahil mula dito sa malawak at mahaba-habang balcony ay matatanaw ang matatayog na puno't mga halaman mula sa ibaba, pati ang asul na dagat sa di kalayuan.
"Look at this." Napalingon ako sa likuran ko kung saan naroon si Timothy suot ang isang malaking sumblero. I think it's the 'salakot' that made in rattan.
Si Tommy naman ay enjoy na enjoy sa paghiga sa Hammock.
Muling bumalik ang tingin ko kay Timothy ng lumapit siya sa bamboo railings at humawak siya roon at saka niya itinaas ang kanyang nakakuyom na kamao.
"Mabuhay ang pilipinas! kalayaan para sa mga pilipino!" Sigaw niya.
Nagtawanan ang mga pinsan ko, si kuya at pati si Jethro. Kahit ako ay natawa rin sa pagka-abnormal nitong si Timothy.
May dalawang blonde girl nga mula sa ibaba ang napatingala para tignan siya at pati sila ay napangiti rin kay Timothy. Hindi ko lang alam kung napangiti sila dahil sa sinabi ni Timothy o dahil sa itsura niya. He acts like a crazy man, but he looks like a gorgeous man.
"Katarungan para sa kagwapuhan ko!" Dagdag pa ni Timothy.
Muling nagtawanan ang lahat at bumalik ang tingin ko kay Jethro na umiiling-iling habang tumatawa.
"Tara kain na tayo, nagugutom na ako sa kaabnormalan ni Timo." pang-aaya ni Easton na nakahawak pa sa kanyang tyan.
"Lagi ka namang gutom eh." ani Prima.
Nagpunta kami sa coco grill restaurant. Isa sa mga restaurant dito sa resort. Mahilig talaga kami sa mga ihaw kaya ang mga inihaw nilang pagkain ang una naming tinikman, nagustuhan ko nga ang beef bolgogi rito but the majority of us, likes the carribean beef.
After we ate. Naglakad-lakad kami, nilibot namin ang resort pagkatapos ay nagkaayaan na kaming mag swimming.
Sabay-sabay kaming nagpalit nina Prima, Lav at Ern ng panligo namin.
Ang Deluxe family room ay hinati-hati sa apat na rooms, dalawa sa baba at dalawa sa itaas. Sa dalawang rooms sa itaas ay magkakasama kami nina Lav at Prima, pagkatapos ay si Westly at Easton, sa ibaba naman si Tommy at Ern, then Timothy, Jethro and kuya Luke.
Samantala banyo ng kwarto namin ni Lav at Prima, hindi ako mapakali ngayon sa harap ng salamin. I wear a red two-piece na medyo kinakabahan talaga akong isuot kasi itinatali lang yung magkabilang gilid ng pang-ibaba ko, at yung top ko ay ganoon din, itatali yung sa bandang likod at itatali sa may batok. Paulit-ulit kong tinignan sa harap ng salamin dito sa loob ng bathroom kung talaga bang bagay sa akin ang suot ko.
"Emilia Azalea Elizconde. Ang tagal mo naman dyan, inuugat na kami rito!" Reklamo ni Ern mula sa labas kaya lumabas na ako.
Paglabas ko ay napalingon silang tatlo sa akin. Si Prima, Lav at Ern na nahinto pa sa kanilang pinag-uusapan ng makita ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/60683426-288-k398765.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...