Kabanata 28
Music----------
Ito na ang huling araw namin ngayon dito kanila mamsie at papsie. Pinanindigan kong hindi pansinin si Jethro at ganoon rin siya sa akin. Pansin na nga ng lahat ang nangyayaring iwasan sa amin, kahit si mamsie ay nagtataka sa inaakto namin ni Jethro.
"Emilia, what's wrong with you and Jethro?" Tanong sa akin ni mamsie habang yakap-yakap ko siya at nakaupo kami sa couch dito sa living room, nanonood ng tv isang hapon.
Wala ang boys dahil nagbasketball na naman sila, kaya naiwan kaming mga girls dito sa bahay.
"Mamsie, the last time I heard them talking is when we're at the car infront of the wet market. Nagtataasan sila ng boses habang nasa loob ng car at hinihintay sila ate Prima, ate Lav at kuya Ern."
Sinamaan ko ng tingin ang madaldal kong kapatid na kumakain ng popcorn.
"Ano bang nangyayari sa inyo ng tito mo?"
"Mamsie, wag po kayong mag-alala magiging okay rin po ang mga yan, ganyan naman sila pag nag-aaway. Hindi magpapansinan ng ilang araw, tapos bukas makalawa.... Mag-uusap na naman sila at mag-aasaran." kwento naman ni Lav na panay ang kain ng pizza habang pumipindot sa kanyang cellphone.
"Pero ano ba talagang dahilan ng pag-aaway niyo, huh? Hindi parin pala kayo nagbabago ni Jethro, para parin kayong aso't pusa."
"Si ate po kasi hindi pinapansin si tito Jet."
"Eira!" Saway ko sa kapatid kong matabil ang dila.
"Bakit naman hindi mo pinapansin si Jethro? May nagawa ba siyang hindi maganda sayo?"
"I've heard from uncle na wala naman daw po siyang ginawang masama kay ate. Hindi nalang po namansin si ate."
"Eira, pwede ba wag ka ngang sumasabat sa usapan ng mga matatanda. Mamsie's not talking to you, okay? Ako ang kausap niya." Sermon ko sa kapatid ko na napanguso nalang at inilagay ang atensyon sa palabas sa tv.
Kung dati natutuwa ako sa ka-cutan ng kapatid ko, ngayon ay naiinis na ako sa kanya, nagiging madaldal narin kasi siya at hindi na siya inosenteng binabalewala lang ang mga bagay-bagay. She's ten years old now and she's a little observant. Nakakainis.
"Nakakapagtaka nga. Bigla-bigla nalang kayong hindi nagpapansinan. Wag mong sabihing dahil yon sa pakikialam ni Jethro sa suot mo non? Am I right." ani Prima na saglit na inalis ang mga mata niya sa librong binabasa niya at itinataas-taas ang kilay sa akin.
Hindi ko naman siya sinagot sa tanong niya.
"Okay, nice talking to you." Sabay irap niya sa'kin at balik niya sa pagbabasa.
"Emilia, please quit the quarrel, honey. Ayoko ng nag-aaway kayo ng tito mo."
Nanatili parin akong tahimik at hindi umimik. Mas hinigpitan ko nalang ang yakap ko kay mamsie at hinilig ang ulo ko sa kanyang dibdib.
Ayoko munang isipin si Jethro. Kasi sa tuwing iniisip ko siya unti-unting nawawala yung paninindigan kong wag siyang pansinin, na lumayo sa kanya at kalimutan 'tong nararamdaman ko.
Having a thoughts of him makes me weak, makes me miss him...makes me crave to be on his arms.
Shit this feeling.
"EA, is Forseti still come up on your mind?" Tanong sa akin ni Lav habang narito kami sa bathroom at nakalublub sa bathtub na puno ng bula.
Nakasandal si Lav sa dulo ng bathtub habang ako naman ay nakatalikod sa kanya and she's scrubbing my bare back.
BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...