Kabanata 11

13.7K 272 41
                                    

Kabanata 11
You did it

----------

"Kumain ka na." Mahinahong alok ni Jethro habang yakap-yakap niya parin ako. "Come on, EA. Wag mo namang pabayaan ang sarili mo. Oo, masakit maiwan. Pero sa palagay mo ba, sa ginagawa mo babalik siya?"

He has a point. Pero gustuhin ko man maging masaya at kumilos ng normal, hindi ko naman magawa. Ang sakit eh. Ang hirap tanggapin na hindi na siya sa akin, hindi na sa'kin yung lalaking minamahal ko ng sobra, yung lalaking kumukompleto sa araw ko at binibigyan ng kulay ang mundo ko.

He's not mine anymore.

Kinalas ni Jethro ang pagyakap niya sa'kin at ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa magkabila kong balikat. Bahagya siyang pumantay sa akin at pinakatitigan ako.

"Mahal ka namin. Kung nawala man siya sayo, nandito parin naman kami para sa'yo. EA, kalimutan mo yung mga taong kaya kang iwan, kasi wala silang kwenta. Ingatan mo yung mga taong, nandyan lagi sa tabi mo kasi sila yung panghihinayangan mo."

Napapikit ako ng banayad na pinunasan ni Jethro ang mga luhang nangingilid sa mga mata ko at saka niya ipinatong ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko at ginulo niya ang buhok ko na nagpadilat sa'kin. Sinaway ko pa nga siya pero tinawanan niya lang ako.

Pagpasok ko sa university kinabukasan ay todo ang comfort sa'kin ng mga pinsan ko. Ikinuwento na kasi sa kanila ni Ern ang mga nangyari. Galit na galit si Prima at Lav kay Cheska dahil pakiramdam daw nila ay pati sila ay trinaydor nito, kami-kami kasi ang magkakasama parati and all this time ay si kuya ang alam naming gusto ni Cheska, not until I saw her with Forseti in a very awkward situation.

"Hindi ko pa nakikita yung babaeng yon eh, pag nakita ko lang talaga siya, kakalbuhin ko 'yon." ani Ern.

"Tutulungan kita." Sabi naman ni Prima.

"Wag kang mag-alala, cous. Igaganti ka namin sa kanya." Dagdag pa ni Lav na hinahagod ang likod ko.

"Kahit wag na. Ayokong mapaaway pa kayo dahil sa'kin, hayaan nalang natin na dumating ang karma sa kanya."

"Hindi pwede sa'min yan, kailangan naming maresbakan si Forseti. Sinaktan niya ang isa sa prinsesa ng mga Elizconde. He deserves to be punished."

Napaangat ang tingin ko sa mga pinsan kong lalaki na biglang dumating at kung hindi ako nagkakamali ay si Timothy ang narinig kong nagsalita kanina.

Naupo sa tabi ko si Easton at inakbayan ako. "Hindi parin pumapasok si Forseti, natatakot na yatang mabugbog." Nakangising sabi niya.

"Ready na nga ang mga kamao ko na dumapo sa mukha niyang masarap basagin." Ipinagsalpok pa ni Timothy ang mga nakakuyom niyang kamao, nakita ko rin ang pag-igting ng kanyang mga panga.

Isa-isa ko silang sinamaan ng tingin. Ayokong mapaaway sila. Pasalamat nga itong si Jethro na walang mga faculty members ang nakakita sa kanila ni Forseti nung nag-away sila mismo sa lobby ng Bunzel.

"Wag na wag kayong makikipag-away! Sinasabi ko sa inyo."
Nakita ko ang pagkunot ng kanilang mga noo.

"Pero, EA. Hindi naman pwedeng walang kaparu-"

"Shut up, Easton. Ang sabi ko, wag na wag kayong makikipag-away."

Si Timothy naman sana ang magsasalita pero pabuka palang ang bibig niya ay inunahan ko na agad siya.

"Magagalit din ako sa inyo kapag nakipag-away kayo. Pwede bang tulungan niyo nalang akong kalimutan siya ng hindi niyo siya sinasaktan. He didn't hurt me physically, dito ako nasaktan o," sabay turo ko sa dibdib ko. "At kahit patayin niyo pa sa bugbog si Forseti, hindi kayang suklian non yung sakit na pinaramdam niya sa'kin, nilang dalawa ni Cheska." Muli ko na namang naramdaman ang pag-init sa gilid ng mga mata ko, naiiyak na naman ako at bago ko pa maibuhos ito ay agad na akong tumayo sa kinauupuan ko at nagmamadaling umalis.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon