Kabanata 33
Goodnight----------
Para akong tinutunaw ng mga titig ni Jethro. Kanina pa ako nagkukwento sa kanya kung kailan ko unang naramdaman na may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya, tinanong niya kasi ako, at habang nagkukwento ako ay tahimik lang siyang nakatitig sa'kin.
"You mean, kaya hinayaan mong bagsak ang nakastraight mong buhok ngayon...ay para mapansin kita?" Tila na a-amuse na tanong niya, nakangisi pa nga siya.
Nag-init ang pisngi ko sa hiya at saka ako tumango.
Marahan naman niyang hinawi ang buhok kong nasa harapan at inilagay niyang lahat sa likuran, 'tsaka siya umusod palapit sa akin habang nakapatong ng tuwid ang isa niyang braso sa sandalan ng inuupuan ko.
Muli na namang dumagundong ang puso ko ng haplusin ng isa niyang kamay ang pisngi ko at hinawakan niya ang baba ko.
"You don't have to do that. Wala ka pang ginagawa napapansin na kita, EA. I don't even care about your looks, what I care about is how can I make my heart, beat normally because everytime I look at you... I swear to God! You can be the cause of my heart attack."
Napangiti ako sa sinabi niya kasunod ng paglapit niya ng mukha niya sa akin.
Kinabahan ako and at the same time ay naexcite, kasi ang akala ko ay hahalikan niya ulit ako sa labi, but I was wrong when I felt his lips on my forehead.
Banayad niya akong hinalikan doon, pagkatapos ay bumaba ang halik niya sa ilong ko. Napapikit ako ng maamoy ko ang hininga niya, amoy bubblegum.
Agad ko namang idinilat ang mga mata ko at inilayo naman niya ang mukha niya sa akin, hindi kami kumukurap habang tinitignan namin ang isat-isa.
Napansin ko ang pagbaba ng tingin niya sa suot ko at saka siya muling nag-angat ng tingin.
"Kanina nung nakita kita, suot yang damit na binili ko para sayo, wala talagang lumalabas sa bibig ko kasi hindi ko alam kung paano kita ide-describe, even the word perfect is not enough to describe you."
Nag-init muli ang pisngi ko at bahagya akong napayuko dahil sa nakakakilig na salitang narinig ko mula sa kanya. "Stop it, Jethro. Asarin mo na nga lang ako, hindi ako sanay sa mga sweet na banat mo."
"EA, ang tagal kong inipon 'to. Ang tagal kong hinintay paulanan ka ng mga banat ko, na sabihin sayo kung ano yung nararamdaman ko na noon sa utak ko lang tumatakbo."
Nginitian ko siya at pinisil ko ang matangos niyang ilong.
"Tara na, bumalik na tayo."
"Pero gusto pa kitang masolo."
"Tara na, Jethro."
"Alright." Pagsuko niya. Muli niya akong tinitigan at kinuha niya ulit ang kamay ko pagkatapos ay muli niyang hinalikan. "As you wish, milady." At saka niya pinaandar ang kanyang sasakyan.
Nasa isang mesa kami ng mga pinsan kong babae kasama si Ern, Melanie at Thyra. Nagkukwento si Thyra ng buhay niya sa Canada at naikwento rin niya na may boyfriend na pala siya.
Bago mag-alas dose ng gabi ay nagpaalam na si Thyra at ang parents niya na umuwi. Unti-unti narin nauubos ang mga bisita namin, hanggang sa kami-kami nalang ang natira at nagdecide na lumipat sa living room.
"I'm not drunk!" Napalingon kami kay tito William na inaakay ni daddy at tita Lalaine para paakyatin na sa itaas. Nagmamaktol siyang parang bata.
"Shut up, William. You're already wasted."
BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...