Kabanata 2

19.8K 369 56
                                    

Kabanata 2
His Presence

----------

"No. You'll stay here, Emilia Azalea. Dis oras na ng gabi kung matapos ang mga party na tulad non." Mahigpit na tutol ni daddy pagkatapos ko siyang kausapin tungkol sa magaganap na party mamaya sa university namin.

"Dad, kasama ko naman ang mga pinsan ko, si Jethro at si Forseti and besides, I'm old enough to take care of myself. Daddy, please payagan niyo na po 'ko." Pinagsalikop ko ang mga palad ko at ngumuso ako kay daddy.

"You heard me, Emilia. Hindi ka pupunta sa party na'yon. Tapos." Tumayo si daddy sa single sofa na inuupuan niya at naglakad siya papunta sa hagdan.

"Dad!" Pagtawag ko sa kanya.

"Jaime, payagan muna 'tong anak mo, she's already eighteen hindi na yan bata at wala ka bang tiwala kanila Forseti, sa mga pinsan niya, sa kapatid mo?"

Lumingon si daddy. "Wala."

At saka siya nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa magsimula na siyang umakyat ng hagdan, pero bigla siyang tumigil at muling lumingon.

Bahagya akong napangiti dahil naisip kong baka nagbago ang isip niya.

"You wanna go to that party?" Tanong niya sa akin na agad ko namang tinanguan. "Then ask your brother to come with you." Nalaglag ang balikat ko sa sinabi ni daddy at saka siya tuluyan ng umakyat sa itaas.

Nagkatinginan nalang kami ni mommy kasunod ng pagtayo ko sa sofa na inuupuan namin at nagmamadali akong umakyat para pumunta sa kwarto ni kuya.

"Kuya sumama ka na kasi!" Pamimilit ko kay kuya Luke na abala sa paglalaro ng online game.

"Ayoko. You know that I don't like parties. Mas gugustuhin ko pang mag laro dito, kaysa sa magpagod sa pagsasayaw. Wala naman akong mapapala doon."

"Psh! Bakit ano bang mapapala mo sa paglalaro ng online game? Kaya ka di nagkaka-girlfriend, masyado kang adik sa paglalaro niyan. Ano bang nakakaadik dyan?"

"Can you please be quiet, EA. I'm concentrating here. Will you just get out of my room now! Alam mo naman na ayokong iniistorbo ako kapag naglalaro ako, diba?" Galit na untag ni kuya.

"Fine! Sungit" Galit din akong tumayo sa kama niya at mabigat ang mga paang naglakad ako palabas ng kanyang kwarto. Malakas ko pang ibinagsak pasara ang pintuan.

"What the hell, EA!" Narinig kong sigaw ni kuya.

Sino ba ang naka imbento ng online game na nilalaro niya? Urgh!

Pabalik na ako sa kwarto ko ng masalubong ko naman si Eira na lumabas ng kwarto niya, may hawak siyang sketch pad at lapis.

"Ate, pa-drawing naman."

"I'm not in a mood, Eira."

"Ate sige na, what do you want? I can give it to you."

"I need dad's permission so I can go to the party at school, later. I don't wanna be stuck in here while everyone's having fun."

"I'll talk to dad, basta kapag napapayag ko siya. Drawing mo ko!"

Humalukipkip ako at tumango sa kanya. "Sure."

Agad na pumasok si Eira sa loob ng office ni daddy na nasa dulo ng hallway.

Hinintay ko naman siya habang nakasandal ako sa pader at ka-text si Forseti na nagtatanong sa akin kung pinayagan na daw ba ako.

After fifteen minutes ay lumabas na si Eira. Sinalubong ko naman siya ng malapad na ngiti.

"Ano? Pumayag ba?" tanong ko sa kanya.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon