Kabanata 46
Ulan-----------
"Emilia Azalea, is it true that you're dating a Pedrosa?" Mahinahon pero matigas na tanong sa akin ni daddy. Nakatayo na siya at nakahalukipkip habang naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin, kumukunot pa nga ang pagitan ng kanyang mga kilay.
Si mommy naman ay tahimik na nakaupo sa single couch na katabi ng inuupuan ni daddy kanina. Sa mahabang couch ay tahimik rin na nakaupo si Lav. Sinamaan ko siya ng tingin dahil naiinis ako sa kanya, nag-iwas naman siya ng tingin sa akin.
Bakit naman kasi kailangan niyang magsumbong agad? Nakakainis na ang pagiging pakialamera niya. Parati niya akong pinakikialaman, para bang ako nalang parati ang nakikita niya, ako nalang ang lagi niyang napapansin.
"Emilia Azalea, I'm asking you. Wala ka bang planong sagutin ako o baka gusto mong sugurin ko sa eskwelan niyo yung Pedrosa na'yon at siya ang tatanungin ko." Tumaas na ang boses ni daddy kaya mas lalong binalot ng kaba ang buong sistema ko.
"Opo. Nakipag date ako sa isang Pedrosa."
"Kuya, kasama ako ni EA. That's just a friendly date."
Nakita ko ang tila pagrereklamo sa ekspresyon ng mukha ni Lav dahil sa sinabi ni Jethro, pero mabuti nalang at hindi na siya umimik pa.
"Friendly date? Kahit anong klaseng date pa yan, ayoko ng nakikipagkaibigan kayo sa mga Pedrosa. Diba noon ko pa paulit-ulit na sinasabi sayo Emilia na iwas-iwasan mo ang mga Pedrosa. Ikaw naman, Jethro...Diba at matagal ka narin sinasabihan ni papa na wag kang makikipag kaibigan sa mga Pedrosa? Jethro, hindi nalang sila basta kakompitensya natin ngayon, sila ang dahilan kung bakit naospital si papa. Kung bakit nagkakanda letse-letse ang mga proyektong gagawin dapat ng E.E Corporation, sinisira nila tayo, pinababagsak."
"Wala namang kinalaman ang mga kaibigan naming Pedrosa sa mga ginagawa ng company nila. Wala silang alam."
"Wala pa silang alam ngayon, pero darating ang araw. Sila ang magmamana ng kumpanya nila, sila ang makakalaban nating mga Elizconde. Kaya mag-isip ka, Jethro. Gamitin mo yang kokote mo. Layuan mo ang mga taong sisira sa pamilyang 'to. Kasi, Jethro. Balang-araw ikaw ang magiging haligi para manatiling nakatayo ang E.E Corporation at yang mga Pedrosa na sinasabi mong kaibigan, yan ang mga anay na maaaring magpabagsak sayo."
Sa tuwing pag-uusapan talaga ang tungkol sa E.E Corporation, pakiramdam ko nagiging seryoso at mabigat ang mga nangyayari sa amin.
"Ayoko ng mauulit 'to. Ayoko ng may mababalitaan na naman akong ganito." Dinuro ako ni dad, pati si Jethro at Lav. "Wag niyong hintayin na may mangyari na namang masama kay papa dahil sa katigasan ng mga ulo niyo. Sa oras na malaman ko ulit na nakikipagmabutihan kayo sa mga Pedrosa. Hindi ako magdadalawang isip na ipatapon kayo sa amerika. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Yes dad/ yes tito." Magkasabay naming sagot ni Lav.
"Jethro Radford Elizconde. Maliwanag ba?" Madiin na tanong ni daddy habang pinandidilatan niya si Jethro.
"Maliwanag, kuya."
"Well then, tapos na ang usapan na 'to. Umuwi ka na at isabay mo na sa pag-uwi si Lav."
Naglakad patungo sa porch is daddy, si mommy naman ay pinagbibihis na ako ng uniform bago ito nagpunta sa kusina. Bago naman ako umakyat sa itaas ay matalim kong tinignan si Lav 'tsaka ako pumanhik na.
BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...