Kabanata 12
Nataranta----------
Hindi binitawan ni Jethro ang kamay ko habang nasa tapat kami ng glass railings dito sa thirty eight floor ng crown regency. Ang lakas ng hangin na tumatama sa mukha ko at giniginaw din ako sa ihip nito.
Tila nawala naman ang fear of heights ko habang nararamdaman ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Oo at may takot parin naman dito sa puso ko, pero hindi na'yon ganun kalala, pakiramdam ko kasi ay hindi ako pababayaan ni Jethro, hindi niya hahayaang may mangyari sa'kin dito, with him...I feel protected. Para ngang maglalakad ako sa isang makitid na tulay at sa kaunting pagkakamali ko lang ay isang mataas na bangin ang maaari kong bagsakan, pero si Jethro ang harness ko... siya ang nakahandang sumagip sa'kin sa oras na mahulog ako.
"Why did you bring me here?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Medyo nangangatog pa nga ang boses ko dahil naka blouse akong sleeveless na tinernuhan ko ng denim shorts.
Hindi sumagot si Jethro pero nilingon niya ako at pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, kasunod ng pagbitaw niya sa kamay ko at paghubad niya sa kanyang suot na navy blue jacket at itinalukbong niya 'yon sa akin.
Malakas ang hangin kaya sumama ang amoy ng jacket niya roon. Lalaking-lalaki ang amoy ng pabango niya, matapang na hindi masakit sa ilong, matapang iyon na masarap singhutin.
"Concert ang pupuntahan natin pero ganyan ang suot mo." sabi niya matapos niyang italukbong sa akin ang kanyang jacket.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong problema sa suot ko? Ganito naman ang madalas kong sinusuot."
"Concert yon, EA. Paano kung may magtangka na namang mambastos sayo?"
"Ano naman kung concert? Bawal ba sa concert ang magsuot ng ganito? Para kang ewan, Jethro. Ang tagal-tagal ko ng nagsusuot ng ganito at comfortable ako dito. Wag mong pakealaman ang pananamit ko, okay?"
"Fine. Nag-aalala lang naman ako na baka mabastos ka na naman."
"Ang dami ko kayang nakitang mga nakasuot ng ganito, mas daring pa nga ang suot nila."
"Wag mo silang gayahin. Iba ka"
Bakit biglang pumintig ang puso ko ng sabihin niyang iba ako?
Napatingin nalang akong muli sa city lights at tahimik na pinagmasdan iyon.
"I brought you here to make you feel good. Not to argue about your clothes. I'm sorry." Dinig kong sabi ni Jethro. Hindi ko siya nilingon, nanatili akong nakatingin sa malayo.
"ANG GWAPO KO! SOBRANG GWAPO KO," bigla akong napalingon sa kanya ng isigaw niya yon bigla. Nangunot ang noo ko sa kakapalan ng kanyang apog, isigaw ba namang gwapo raw siya. Oo gwapo nga siya, pero hindi niya na kailangan pang isigaw yon no.
"PERO BAKIT HINDI KO PWEDENG MAKUHA YUNG BABAENG GUSTO KO?"
Napaawang ang bibig ko sa sunod niyang sinabi. He's inlove and she's still a mystery. Bakit nga ba hindi pwede? Bakit nga ba hindi niya makuha?
Nanlaki ang mga mata ko ng lumingon sa'kin si Jethro. "Your turn." aniya.
Napataas ang isa kong kilay. "Me?" Turo ko pa sa sarili ko.
Tumango siya sa akin at bahagyang ngumiti.
"Seriously?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Come on, EA. Isigaw mo lahat ng sama ng loob na nakatago dyan sa puso mo, kapag nalabas mong lahat yan. Siguradong magiginhawaan ka."
BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...