Kabanata 30

11.9K 244 12
                                    

Kabanata 30
Dress

----------

Paglabas namin ni Jethro sa club ay maraming partygoers ang naninigarilyo roon. May grupo pa nga ng mga transgender ang nakatambay sa harapan na bigla nalang napatingin sa direksyon namin, lalo na kay Jethro pero tila hindi niya iyon napansin dahil dire-diretso lang siya sa paglalakad.

Bumaba naman ang tingin ko sa kamay ni Jethro na hawak-hawak ang kamay ko, hanggang sa marating namin ang kotse niya. Agad akong pumasok doon at sumunod naman siya.

Kinakabahan ako, natataranta pero siya ay parang relax na relax lang.

"Jethro, ano ba talaga yung emergency?"

"Your seatbelt, EA." Malamig niyang paalala.

Mabilis ko namang kinabit ang seatbelt ko kasabay ng pagtunog ng makina ng kanyang g-class.

"Jethro! I'm asking you, what's the emergency?"

Hindi niya ulit ako inimik. Inatras niya yung kotse niya at saka niya ito inabante.

"May kausap ba'ko? Jethro, I'm talking to you!" Bulalas ko sa kanya.

"Shut up, Emilia. Walang emergency!"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "W-What?"

"Hindi ka bingi, EA. Ang sabi ko...walang emergency."

Kumunot ang noo ko at nag-igting ang panga ko. "You liar! How dare you!" Pinaghahampas ko siya sa braso niya. Nakita ko naman ang pag ngisi niya, binasa pa niya ang kanyang labi gamit ang kanyang dila at hindi niya inaalis ang tingin niya sa daan.

"Why do you have to do that, huh? Don't do you know how scared I am? Papatayin mo ba ako sa takot, huh?"

"I'm not sorry for that." Nawala ang pilyo niyang mga ngisi and then he pulled over at lumingon siya sa akin.

"Nakikipaglandian ka kay Adam."

Hindi patanong ang pagkakabigkas niya 'non kung di pagbibintang at sa tipo ng mga titig niya sa akin ngayon ay puno yon ng panghuhusga.

Malamig ang mga titig niya na para bang nagpapanginig sa kalamnan ko.

"Hindi ako nakikipaglandian sa kanya, Jethro. How could you say that?"

"Really? Kung hindi pa nga yata kami dumating ni Penelope baka naghahalikan na kayong dalawa."

"Hindi nga eh! That was an accident! Ugh!" Naipukpok ko pa sa hita ko ang mga nakakuyom kong kamay dahil sa frustration, I'm so frustrated na pinaghihinalaan niya akong nakikipaglandian.

I'm not the flirt one here.

"Accident? Fvck that reason, EA."

"And fvck your emergency excuse, Jethro. Fvck that!"

Muli niya akong tinitigan at tila nakulong ako sa mga titig niyang yon, para bang malalasag ang mga buto ko sa mga nanlilisik niyang mga mata. Nag-igting din ang kanyang mga panga at hinding-hindi maikakaila na galit talaga siya, kulang nalang ay umapoy ang mga mata niya.

"'Tsaka bakit ba nakikialam ka kung makipaglandian ako kay Adam? Bakit ikaw? Hindi naman kita pinakialaman kay Penelope, huh? I even encourage you to pursue your feelings for her, to fight your love for her because I want you to be happy. I'm single right now, walang nagmamay-ari ng puso ko kaya bakit pipigilan mo 'kong hanapin yung taong magpapasaya sa'kin? Ikaw lang ba ang may karapatang maging masaya?"

"Don't you dare, Emilia Azalea Elizconde."

"Natatakot ka ba na baka pag nainlove ako kay Adam, pagdaanan ko rin ang pinagdaraanan mo? na...itinatago mo sa pamilya natin na inlove ka sa babaeng kabilang sa pamilyang kaaway natin?"

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon