Kabanata 26
Secret-------------------
Alas-sais palang ng magsigising kami para sa morning mass na dadaluhan namin sa San Francisco de Asís church mamayang alas-siete. Tuwing linggo kung magsimba si mamsie at papsie, kaming magpipinsan naman ay bibihira lang talaga makapagsimba that's why we decided to come with them.
Kagabi ay alas-onse na kami nagkayayaang matulog. Halos mangamatis pa nga ang tenga ni Tommy dahil sa mga pitik na ibinigay naming lahat sa kanya, siya kasi ang unang nahuli ni Westly. Nagtago kasi siya sa ilalim ng counter table sa kitchen, kami naman ni Jethro ang kahuli-huliang nahuli.
Habang sabay-sabay kaming nag-aalmusal ngayon sa dining area ay punong-puno kami ng katahimikan. Kasabay kasi namin si papsie na nagbabasa pa ng newspaper.
"Jethro, napag-usapan nga pala namin ng mama mo na dito ganapin ang nineteenth birthday mo." Pagbasag ni papsie sa katahimikan naming lahat.
Napalingon naman ako kay Jethro para tignan ang kanyang reaction. Nakita kong bigla siyang napahinto sa pagsubo niya ng kanyang bacon na nakatusok sa kanyang fork.
"Gusto ka naming bigyan ng magarbong birthday party, Jet. Halos sampung taon narin kasi naming hindi napaghahandaan ang birthday mo, nami-miss na namin ng papsie mo ang bigyan ka ng birthday party. Yung magarbo at elegante." Nakangiting sabi ni mamsie habang seryoso namang nakatingin sa kanya si Jethro na para bang puno ng di pagkapaniwala ang nasa isip nito.
"Hindi ko naman po kailangan ng magarbo at eleganteng birthday party. Sanay naman akong sini-celebrate ang birthday ko na kasama ko 'tong mga pamangkin ko at ang mga kaibigan ko. Kumakain sa labas, namamasyal-"
"Reunion narin natin yon dahil darating ang ilan nating kamag-anak from states. Whether you like it or not, we'll celebrate your birthday here." ma-awtoridad na sabi ni papsie.
Muling lumipat ang tingin ko kay Jethro na tila walang kagana-ganang itinutusok ng paulit-ulit ang tinidor niya sa kanyang omelet habang nakatingin siya rito. "May choice pa ba ako. But don't expect me to come. I'll prefer to celebrate it in Mandaue with my friends. As simple as possible."
"Jethro Radford Elizconde!"
Napasinghap ako sa matigas na pagtawag ni papsie ng buong pangalan ni Jethro. It means that he's mad at nararamdaman ko na ang tensyon sa pagitan nila.
"Wag mo kong simulan, Jethro. Ang aga-aga ay sinisira mo ang araw ko."
Sa mga kamao palang ni Jethro na nakapatong sa mesa ay alam ko ng galit din siya at nagpipigil lang. Natatakot ako na baka hindi niya yon mapigilan kaya ipinatong ko ang kamay ko sa kamao niyang nakakuyom.
Nanginginig iyon ng dumampi ang palad ko roon, pero unti-unti ay nawala ang panginginig non.
Tahimik lang ang mga pinsan ko at walang gustong magsalita para alisin ang tensyon na namamagitan kay Jethro at kay papsie. Hindi ito ang unang beses na nagkasagutan sila, last christmas at new year ay ganito rin ang senaryo.
Naiyak nalang ako pagkatapos dahil ayoko talaga ng nag-aaway sila. Pamilya kami at nasasaktan din ako. Gusto ko lahat kami magkakasundo.
"I'm done." ani papsie ng tumayo siya sa kinauupuan niya dala ang kanyang binabasang newspaper at isang tasang kape.
Tinanggal ko naman ang pagkakapatong ko ng kamay ko sa kamay ni Jethro.
"Jethro, honey...sumunod ka nalang sa papa mo. Imagine, after ten years ay naisipan niya na i-celebrate ang birthday mo. Nang sinabi niya yon kagabi, nagulat talaga ako pero sumangayon ako agad kasi akala ko...matutuwa ka rin."
BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...