Kabanata 47

10.2K 243 65
                                    

Kabanata 47
Issues

----------

"Tumayo ka na dyan, Timothy. Nakakadiri ka." Saway ni Lav sa kapatid niyang enjoy na enjoy sa pagga-grind sa gitna ng kalsada.

"Ayos na yan, Timo. Sasabog na obaryo ng babaeng makakakita nito sa youtube." ani Easton.

"Tingin nga ako." ani Timothy pagtayo niya at saka nagmamadaling lumapit kay Easton.

"Outan naman tayo." Pang-aaya bigla ni Prima.

"I'm in." Ani Ern.

Pagnagsasama-sama talaga kaming magpipinsan ay bumabalik kami sa pagkabata.

Si Tommy ang unang nataya kaya mabilis kaming nagsitakbuhan, pinaghuhubad pa nga namin ang mga tsinelas namin at mabibilis na nagtakbuhan.

"Out!" ani Jethro na binuhat pa ako. Tsumatsansing lang sa'kin ang isang 'to eh. "Walang balikan, darling." At saka siya tumakbo ng mabilis.


"Catch me if you can, Emilia!" Tumatawang sabi ni Westly habang hinahabol ko siya, pero masyado siyang mabilis kaya hindi ko siya maabutan.

"Come and get me, EA." Iminumwestra pa ni Timothy ang hintuturo niya at mayabang akong pinalalapit sa kanya.

Hinabol ko siya at halos sumakit ang tyan ko kakatawa ng madulas siya. Nagtawanan din ang mga pinsan ko sa kanya at nagsilapit kami sa kanya.

"Time first. Tangina ang sakit!" Daing niya habang nakaupo siya sa sahig at nakangiwing tinitignan ang sugat niya sa tuhod.

"Lampa ka na pala ngayon, Timo?" Tumatawa at mapang-asar na sabi ni Jethro habang nakapamaywang ang isa niyang kamay at ang isa naman ay isinusuklay niya sa kanyang buhok.

Bakit parang naging maligamgam ang patak ng ulan na bumabasa sa katawan ko?

"Nang-asar ka pang hinayupak ka!"

Tumawa si Jethro at inabot ang kamay kay Timothy para itayo ito.

"Ilan nahuli mo, broski?" Tatawa-tawang tanong ni Easton.

"Ulol."

"Dapat pati yun vinideo mo, Easton." tumatawang sabi ni Tommy na nakaakbay kay Easton.

"Hoy, Timothy. Pumasok ka na nga doon sa loob." Sabi naman ni Lav na kahit may pagkamasungit ay halata naman sa mukha niya ang pag-aalala sa kapatid.

Iika-ikang naglakad si Timothy papasok ng bahay nila Ern at saka kami nagpatuloy sa paghahabulan ng iba kong pinsan at ni Jethro.


"Laga si EA!" Alaska ni Easton habang tumatawa.

Huminto ako sa paghabol sa kanya at itinukod ang mga kamay ko sa tuhod ko. Kunwaring pagod na ako. Nilibot ko ang paningin ko sa mga pinsan ko at saka ako biglang tumakbo ng mabilis para habulin si Lav na siyang pinakamalapit sa akin at nakapamaywang na hinihingal.

"Out!"

Hinihingal kong niyakap si Lav habang tawa siya ng tawa at ng magkatinginan kami ay bigla siyang tumigil at naging seryoso ang mga tingin niya sa akin. Agad ko naman siyang pinakawalan.

"EA...sorry. Sorry kung sinumbong kita kay tito, ayoko lang naman talagang mapalapit ka sa mga Pedrosa." sinsero niyang sabi.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon