Kabanata 22

13.5K 258 17
                                    

Kabanata 22
Admiration

---------

Alas-dos ng madaling araw ng umalis kami sa coco beach island resort. Madilim pa nga ng sumakay kami ng bangka papunta sa batangas port kung saan kami sasakay ng bus papuntang NAIA airport.

Tahimik kaming lahat na nakaupo sa magkabilang gilid ng bangka. Ang mga pinsan ko at maging si kuya Luke ay mga nakapikit ang mga mata at siguradong naka idlip na, nakakaantok naman kasi ang malamig na hangin at ang kapayapaan ng karagatan.

"Jet, hindi ka man lang nagpaalam kay Trachelle?" Naka earphone ako pero hindi ko pa ipiniplay ang next song na gusto ko kaya narinig ko ang tanong na yon ni Timothy na nakaupo sa harapan ni Jethro, ako naman ay katabi lang ni Jethro, nasa may left side ko siya at sa right side ko naman si kuya na nakapatong na ang ulo sa hita ko dahil sa sobrang antok.

Na-curious ako sa isasagot ni Jethro kay Timothy kaya hindi ko muna pinatugtog yung next song na gusto kong pakinggan.

"I texted her. Hindi siya nag reply, probably she's sleeping." sagot ni Jethro kay Timothy.

"Sana tinawagan mo. For sure, malulungkot ng sobra yon pagkagising niya. Ano na nga bang status niyo ngayong back to cebu na tayo ulit?" Nakangisi pa si Timothy habang itinatanong niya yon.

"Friends."

Nawala ang pilyong ngisi ni Timothy at napakunot ang noo nito kay Jethro dahil sa sagot nito.

"What? Come on, dawg. Friends? Are you fvcking serious? She's a big catch."

"Eh di sayo nalang siya. Ibibigay ko siya sayo."

Napakamot ng ulo niya si Timothy. "You're really a fvckboy, dawg."

Ngumiti si Jethro. "Call me whatever you want. I don't care."

"Damn! Sana pala pinormahan ko narin si Trachelle."

Tumawa si Jethro at nagulat ako ng akbayan niya ako. "Go ahead, Timothy. Susuportahan kita." kasunod ng paglingon sa akin ni Jethro. "Right, Emilia?"

Napalunok ako kahit na pakiramdam ko ay biglang natuyo ang lalamunan ko at nag-init ang buo kong mukha sa nakakalokong ngisi ni Jethro.

Kinilabutan pa ako ng bumulong siya sa akin. "I'll prefer to help you forget your dumbass boyfriend, than to get into a serious relationship." namamaos pa ang boses niya habang nagsasalita siya at halos magtayuan ang mga balahibo ko sa nakakakiliti niyang mainit na hininga.

"Seriously?" Lumingon ako sa kanya.

Bahagya naman akong napaliyad palayo sa kanya ng ilapit niya ang mukha niya sa akin. "Deadly serious, darling."

Nagsalubong ang kilay ko sa kanya at itinukod ko ang mga kamay ko sa dibdib niya para itulak siya palayo sa akin.

Pagbalik ko naman ng tingin kay Timothy ay nakahilig na ang ulo nito kay Lav at kapwa sila nakapikit.

Mabuti naman at nakaramdam na ng antok itong si Timothy.

Madilim parin ng makarating kami ng batangas port at pagbaba namin ng bangka ay nakasakay naman kami agad ng bus papuntang manila.

"EA." Pagtawag sa'kin ni Jethro na inalok ako ng hawak niyang hotdog na nasa stick, may mustard pa iyon sa ibabaw.

Nasa bus stop kami ngayon at kasalukuyang nag-aalmusal, ganoon rin ang ibang pasahero.

Hindi naman ako tumanggi sa alok ni Jethro. Kumagat ako sa hotdog na nasa stick at inaalok niya sa'kin, nginitian ko pa nga siya habang ngumunguya, pagkatapos ay inabutan niya ako ng cola.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon