Kabanata 25

12.3K 269 35
                                    

Kabanata 25
Love

--------------

"Naaalala niyo nung nagpunta tayo nun sa isang theme park? Tapos pumasok tayo sa hunted house?" nakangiting kwento ni Jethro while he was driving, madilim na at pauwi na kami ng bahay.

"Oh! I remember that, yan yung sinabi ni Ern na dapat daw pagpasok natin sa loob, let's stick together at walang iwanan." ani Lav.

"Pero pagpasok na pagpasok niya palang sa loob, tumakbo na agad siya palabas." Natatawang sabi ni Jethro.

"Ang creepy naman kasi, 'tsaka nataranta ako noong may sumigaw kaya napatakbo ko." Paliwanag naman ni Ern habang nanghahaba ang kanyang mga nguso.

Pagpasok ni Jethro ng kotse niya sa courtyard ay naroon narin ang mga kotse ng iba kong pinsan na nauna na yata sa loob, lalo na't gutom na ang iba sa kanila.

Pagbaba namin ng kotse ay nagtuloy ang kwentuhan namin nila Lav, Ern at Jethro, kasama rin namin si Eira na hindi makarelate sa pinag-uusapan namin, palibhasa ay batang-bata pa siya noon and we were just in grade school that time.

Paglabas namin ng kotse ni Jethro ay itinuloy ni Lav ang kwento.

"Ang hindi ko talaga makakalimutan ay yung nag domino effect si Jethro, EA at Timothy." Sabay tawa nito.

Bigla kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko. Nahiya ako ng muli kong maalala ang mga eksenang noon.

Pagpasok kasi namin ng hunted house noon ay tinakbuhan nga kami agad ni Ern at nagsunuran naman sa kanya ang iba naming pinsan, maliban kay Lav at Timothy, pati kay Jethro. Magkakasama kaming apat noon at takot na takot ako. Kapit na kapit ako sa laylayan ng suot na t-shirt ni Jethro na halos masira ko na, lalo na ng may manggulat sa aming whitelady.

I tripped while running toward the end of horror house, mahigpit parin ang pagkakakapit ko noon sa damit ni Jethro kaya ng ma-out of balance ako at matumba ay kasama si Jethro, nadaganan ko siya at eto namang si Timothy na nasa likod ko ay nadaganan rin ako.

Panay ang tawa sa amin ni Lav noon dahil siya ang nasa likuran namin at nakakita ng buong eksena.

"That was epic!" ani Lav na napapapalakpak habang nauuna silang maglalakad ni Ern at Eira papasok ng bahay.

Nakita ko namang tumatawa si Jethro kaya pinagtaasan ko siya ng isa kong kilay.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?"

"Masama bang tumawa?"

Hinampas ko siya sa braso niya.

"Ano nga kasi?!"

"Nothing. I'm just happy."

"Happy mo mukha mo. Naaalala mo lang siguro kung gaano ako katakot na takot noon."

"Medyo, at saka narealized ko lang, mas nakakatakot ka kaya dun sa white lady kung nilugay mo yung buhok mong buhaghag na kulot." Sabay tawa niya.

"Bwisit ka!" Nilakasan ko ang paghampas sa braso niya. "Bakit ba lagi mong napapansin ang buhok ko?!" Hinampas-hampas ko siya habang tawa naman siya ng tawa.

Pero natigil ako sa paghampas kay Jethro ng tumigil din siya sa pagtawa at nagsalubong ang mga kilay niya habang nakatingin siya sa patio at doon ay nakita namin si papsie na abalang nagtitipa sa kanyang laptop.

"Good evening, papsie." Bati ko rito na agad naman akong nilingon at binigyan ng matipid na ngiti.

"Good evening din, Emilia." anito.

"Una ka na sa loob, Jethro." tumingin muna siya ng matalim kay papsie bago siya pumasok. Obviously, galit siya kay Papsie.

Lumapit ako kay papsie at naupo ako sa upuang nasa tabi niya.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon