Kabanata 13
Hit the ball----------
"Jet, kailan mo balak mag piano cover ulit? Wala ka bang balak na i-upload yung video mo na kinuhanan ko, siguradong mas maraming magiging view yon sa youtube and this time hindi lang kamay mo ang nakikita nila." Nakangiting sabi ni Timothy habang kumakain parin kami dito sa pool side. "Gusto mo ako na ang mag-upload sa youtube channel mo, man?"
Ang kaninang abala sa pagkain na si Jethro ay biglang nag-angat ng ulo at sinamaan ng tingin si Timothy. "Iniba ko na password ko gunggong." aniya.
"Oh! Sayang!" Napapitik pa sa hangin si Timothy.
"Anong balak mong i-cover ngayon?" Tanong naman ni Westly. "Naiinip na ang mga subscribers mo, Jet. They want to hear your eargasm music again."
"They can wait." Malamig na sabi ni Jethro kasunod ng pagtungga niya sa hawak niyang baso na may lamang tubig.
"Jet, you have a good voice. Bakit di ka mag record habang nag pi-play ka ng piano while singing. I guess it's about time for them to hear your beautiful voice." Nakangiti namang sabi ni Camila.
Umiling si Jethro. "No way."
"Ano ka ba! Wag mong sabihing nahihiya ka sa boses mo? Ang ganda kaya." Dagdag pa ni Camila ang arte pa nga ng tono ng boses niya sa dulo.
"Oo nga, maganda naman ang boses mo. Epic lang talaga yung expression ng mukha mo, man." ani Easton 'tsaka sila tumatawang nag high-five ni Timothy.
Ginaya pa ni Timothy ang expression ng mukha ni Jethro sa video habang ang mga kamay niya ay tila may tinitipang invisible na piano dahil nakaangat yon sa ere.
Minsan parang abnormal talaga 'tong si Timothy.
Nagtawanan naman ang lahat sa panggagaya niya kay Jethro. Hiyang-hiya naman si Jethro at napapailing nalang kasunod ng pagbulong niya ng kung ano kay Camila na nagpangiti at nagpatango rito.
Ilang saglit lang ay tumayo na si Jethro sa lounge chair na inuupuan niya at hinubad sa harap namin ang suot niyang puting v-neck shirt.
Napaawang ang bibig ko ng malantad sa harapan namin ang katawan niya. Maputi-puti ang balat ni Jethro, hindi ko masabing maitim, moreno o tisoy siya. Maputi ang balat niya, pero hindi masyado. Nag pe-flex ang kanyang six pack abs sa bawat galaw niya, may kakaunti ring buhok sa kanyang dibdib, balbon ang angkan namin kaya hindi na iyon bago, ako lang yata at si Ern ang hindi nakakuha ng pagkabalbon.
Mapuputi rin ang mga pinsan kong babae at lalaki, maliban naman kay Easton, moreno siya tulad ko. Pati nga si kuya Luke at Eira ay mapuputi rin. Sa height lang yata kami nagkakatulad lahat dahil matatangkad kaming mga Elizconde.
Hinagis ni Jethro ang kanyang t-shirt sa lounge chair at saka siya naglakad palapit sa pool, inaya pa nga niya si Camila bago siya tumalon sa pool, tumayo naman si Camila at sinundan ang tito ko.
"Nililigawan na ba ni Jet si Camila?" Tanong ni Lav sa mga lalaki kong pinsan.
"Maybe. Malihim si Jet pagdating sa lovelife, remember when he told us that Thyra's already his girlfriend. Bigla-bigla." ani Timothy.
"Ang tagal ng walang girlfriend ni Jet, since him and Thyra broke up, si Thyra ang pinakamatagal niyang naging girlfriend, palagay niyo mahal parin ni Jet si Thyra? Diba nung naghiwalay sila, nag-ayang makipag inuman yang si Jet, he's hurt I think." Kwento ni Tommy na katabi si Melanie.
"Siguro kung hindi umalis si Thyra para tumira sa canada, maybe they're still together." Sambit naman ni Ern.
Napatingin ako kay Jethro na nasa gilid na ng pool at panay ang ngiti habang kausap si Camila.
BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...