Kabanata 44

9.7K 199 12
                                    

Kabanata 44
Respeto

----------

"Sisimulan na nga next week ang construction ng shopping mall. Maraming mga bago don na hindi makikita sa ibang malls dito sa cebu." Pagyayabang ni Penelope na nakaupo sa likuran at sa lakas ng kwentuhan nila ng mga kaklase kong kaibigan niya ay dinig na dinig ko sila.

"Gaano naman kaya katagal ang construction ng mall niyo? Para naman may bago tayong hangout kapag free time, diba?" Tanong ng isa sa mga classmate kong kausap ni Penelope.

"Ang sabi ni lolo, hindi raw basta-basta ang mall na ipagagawa niya. Gusto niya yung katulad sa japan na hindi basta-basta matitibag pag may lindol. Kaya siguro...baka half a year ang paggawa non. I've heard from my lolo na may mall din daw na ipatatayo ang Elizconde Empire Corporation na katulad ng sa amin. Is it true, EA?"

Naipaikot ko ang eyeballs ko sa kadaldalan ni Penelope. At saka anong pinagsasasabi niyang katulad ng sa kanila? Eh, yung project nila ay nanggaling naman sa project plan ng E.E Corporation. Kinopya lang nila, mga mandurugas kasi.

"EA, is it true na may mall din kayong ipatatayo?" Tanong naman sa akin ng isa sa mga kaklase ko.

Nilingon ko sila. "Paano naman nalaman ng lolo mo ang tungkol doon, Penelope? Kasi sa pagkakaalam ko. Hindi pa nailalabas ng board ang tungkol doon at wala rin balak ang corporation na ilabas ang tungkol sa project na yon dahil may mga traydor sa E.E Corp. na inupahan ng isa sa mga kakumpitensya namin."

"Really?" Nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ng mga kaklase ko.

"Yes. As a matter fact, dalawa sa board members ng E.E corporation ang pinaghihinalaang nagkakaroon ng transaction sa mga yon, pero isa palang ang umaamin and that's the reason why my papsie brought to the hospital because of heart attack, napakatuso ng mga yon, mga mandaraya at magnanakaw." Naikuyom ko ang mga kamay ko habang matalim akong nakatingin kay Penelope na napalunok at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Sino naman ang bumabangga sa inyo, EA?" Tanong ng kaklase ko.

"Sino ba ang mahigpit na kakompitensya ng mga Elizconde?"

Napatingin ang mga kaklase ko kay Penelope. Kilala talaga kasi ang Pedrosa at Elizconde na magkalaban pagdating sa pagpapatayo ng mga establishment saan mang sulok ng cebu, na nakakatulong naman sa ekonomiya namin dito.

Kumunot ang noo ni Penelope at tinaasan ng kilay ang mga kaklase kong nagsitingin sa kanya.

"W-Wala akong alam sa sinasabi ni EA, huh! kaya wag niyo kong tignan ng ganyan. Kung ano lang ang sinabi ko sa inyo, y-yun lang ang alam ko."

"So ang ibig sabihin, yung dapat sanang mall na itatayo niyo, EA ay yung sisimulan ng gawin ng mga Pedrosa?" Tanong ulit ng isa kong kaklase.

"Oo. Yata."

"So, sinasabi mong sa amin nakipag transaction yung dalawang board members ng E.E Corporation?"

"Exactly." Maasim kong nginitian si Penelope.

Tumaas naman ang kanyang isang kilay. "We're not like that. There's no monkey business happening in our company."

"Oh, I'm afraid you are wrong. Marami ka pa yatang hindi alam sa company niyo. Maraming hindi sinasabi sayo ang lolo mo."

Sumalubong ang kilay ni Penelope sa akin at nag-igting ang kanyang panga.

"Good Morning, class!"

Napalingon ako sa harapan ng dumating na ang professor namin sa ikalawang subject. Naputol narin ang tila namumuong tensyon sa pagitan namin ni Penelope, mabuti nalang at dumating ang professor namin dahil sa totoo lang ay wala rin akong balak makipag-away. Ayoko ng away, dipende sa sitwasyon.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon