Kabanata 32

11.6K 290 88
                                    

Kabanata 32
Forbidden

----------

Gusto kong magalit kay Jethro, for giving me this kind of feeling. Gusto kong magalit sa kanya dahil kung hindi dahil sa mga ka-sweetan niya noong mga panahong sawing-sawi ang puso ko kay Forseti. Hindi ako made-develop sa kanya.

Pero naisip ko, hindi naman niya kasalanan yon. He's not even aware that I'm in love with him at nasasaktan ako sa tuwing may mga babaeng lumalapit sa kanya at napapangiti siya.

"EA!"

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko para pigilan ang paghagulgol ko ng marinig ko bigla ang boses ni Jethro mula sa labas, kinakatok niya ang pintuan dito.

"EA, I know you're there. Anong ginagawa mo dyan?"

Tila mas lalong bumigat ang dibdib ko sa tanong niya and how did he find out that I am here? Bakit sa tuwing naghihirap ang kalooban ko ay nararamdaman niya yon at lagi siyang handa akong tabihan at maging sandalan ko?

"None of your business. Can you just go back to your party and have fun." Pasigaw kong sagot sa kanya.

Muli niyang kinatok ang pintuan. Malakas at sunud-sunod.

"Lumabas ka dyan!" May awtoridad na utos niya.

"Go away!"

"What the hell is your problem? EA, buksan mo 'tong pinto?" aniya habang kinakalampag niya na ako dito sa loob.

"Jethro, please! I want to be alone. I want to stay here. I want to hide this feeling because whenever I see you. I feel so scared, I'm scared that I can break the rules." nabasag ang boses ko kaya naitakip ko muli ang kamay ko sa bibig ko.

"Emilia, you're crying? Fvck! I heard you. I heard you, Emilia."

"Of course, not." at saka ako hilaw na tumawa ng malakas.

"EA, I'm here to listen. Come on, let me in."

"Who's with you?"

"I'm alone."

"But I saw you with Thyra, where is she?"

"Pinauna ko na siyang bumaba. EA, please let me get in." Humina ang boses niya at puno iyon ng mahinahong pakikiusap.

"No. I told you that I don't wanna see you."

"What's wrong? What did I do?"

"Wala ka namang problema eh, ako ang may problema."

"Then tell me what is it, EA. It's my birthday and I hate that someone's not okay on my day. Especially you."

"Hayaan mo na ako dito, Jethro. Go back to Thyra, leave me alone, leave me alone forever."
Narinig kong muli ang malakas niyang pagkalampag sa pinto.

"Fvck! Ano bang nangyayari sayo EA? Why are you acting like that? Ano 'to? Dumadrama ka ba? Nagpapapansin? God! Para kang bata, Emilia, nagmamaktol at hindi malaman ang dahilan."

"Oo, bata na kung bata kasi hindi mo naman ako naiintindihan."

"Paano kita iintindihin kung ayaw mong ipaintindi sa'kin?"

"Leave me alone and I don't need someone like you to understand me 'cause no one will understand me. At oo, nagpapapansin ako!" Bulalas ko.

"Why?"

Sinampal ko ang bibig ko dahil sa walang prenong pag-alpas ng mga salita mula rito.

"Emilia, why?"

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon