Kabanata 9

12.2K 268 10
                                    

Kabanata 9
Tiwala

----------

Ito ang araw ng piano recital ni Jethro usap-usapan yon at dito mismo gaganapin sa CAFA theater ang recital. Marami pa sa schoolmates namin ang may recital ngayon, pero dahil nga sikat si Jethro dito sa campus ay pangalan niya ang pinakamatunog sa lahat ng mga magpe-perform.

Ilang araw narin ang lumipas ng mag-away sila ni Forseti. Magbuhat non ay naging okay na kami ulit ni Forseti, pero si Jethro ay ilang araw na akong hindi pinapansin, ganyan naman siya kapag nag-aaway kami kaya siguradong hindi rin magtatagal at kakausapin niya rin ako, aasarin at paiinit na naman ang ulo ko, sanay na'ko sa kanya at sanay narin sa amin ang mga pinsan namin, kaya di na bago sa kanila kung hindi kami magpapansinan ni Jethro, that means na nag-away kami.

Sa loob ng theater. Naupo kami ng mga pinsan ko sa itaas, sa may third row dito sa right side. Sa ibaba naman at sa unahan ay naroon ang mga faculty members, mga visitors, ang mga mag re-recital at ang mga parents nila o sino mang guardian na kasama nila ngayon para manood.

Kahit na not in good term kami ni Jethro ngayon, dahil tito ko siya ay nandito parin naman ako para suportahan siya, as his niece. Hanggang ngayon natatawa parin ako sa tuwing iisipin kong tito ko si Jethro, eh isang taon lang naman ang tanda niya sa'kin.

"Sinong pupunta kay Jethro?" Tanong ko kay Ern.

"Si mamsie at papsie." Nakangiting sagot niya na nakaupo sa left side ko at nasa pinakaunang upuan dito sa third row.

Pero seriously, kasama si papsie? Parang hindi yata ako makapaniwala na pupunta si papsie, never ko pa kasi siyang nakitang umattend sa kahit anong school events para kay Jethro, it's always mamsie, lagi kasing busy si papsie sa negosyo.

"Himala yata na sasama si papsie...that's unusual!" Sabi naman ng nasa right side na si Prima, pero hindi siya ang katabi ko, kung di si Cheska.

"Oo nga, kahit ako nagulat din. But at least he has time for Jethro now. Siguro matutuwa siya kapag nakita niya si papsie."

Maya-maya'y nakita na namin si Jethro kasama ang mga pinsan kong lalaki.

Naka black long sleeve siya at naka itim na pants, pati sapatos niya ay itim rin na leather shoes. Ang undercut hairstyle niya ay naka brush up, nakabukas ang dalawang butones ng kanyang long sleeve kaya bahagyang sumisilip ang kanyang matipunong dibdib, kumikinang din ang ginto niyang necklace na may letter J na pendant.

"Timo!" Bahagyang tumayo si Lav sa kinauupuan niya at kinawayan si Timothy para makita nila kami.

Agad naman kaming napansin ng mga pinsan ko at napatingin silang lahat sa'kin at naglakad palapit.

"Bakit kayo nandito? Doon dapat tayo sa ibaba." ani Easton.

"Sa baba uupo si Jethro. Lahat ng mag re-recital ay doon ang pwesto." Paliwanag ni Westly na nakasalamin na naman.

Mabuti nalang talaga at sa halip na contact lens ang ginagamit ni Westly dahil sa malabo niyang mga mata, mas napili niyang mag salamin nalang. Doon kasi mas natitiyak kung sino si Westly at sino si Easton.

"O sige doon na kayo. Dito lang kami." Sabi naman ni Lav.

"Nasaan pala sila mamsie?" Tanong ko.

"Papunta na." Sagot ni Easton. Naroon na nga si Tommy sa labas at hinihintay sila." Dagdag niya pa.

Nakita kong inakbayan ni Timothy si Jethro habang nakangiti. "Anong feeling na panonoorin ka ni papsie ngayon?"

"Nothing. Tara na sa baba." Cold niyang sagot but I know deep inside natutuwa yang si Jethro. He just dont know how to show his feeling especially to papsie.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon