Kabanata 48

9.3K 216 30
                                    

Kabanata 48
Worst feeling

----------

"Ano ba talaga yung mahalaga niyong sasabihin sa amin, Lav?" tanong ni daddy habang naririto kaming lahat sa living room, si Jethro, kaming magpipinsan, si kuya, si mommy at daddy pati ang iba kong mga tito at tita, maliban lang kay tito Fredrick at tita Ebony na nasa manila ngayon.

"Akala ko pa naman mag-iinuman tayo dito." Ani tito William na tatawa-tawang nakaakbay kay tita Lalaine na katabi ni mommy sa may right side, katabi naman ni mommy si daddy sa left side, sa likod nila ay nakatayo roon si kuya Luke at nakatukod ang mga kamay sa headrest ng couch. Naroon din si tito Miguel na hindi kasama si tita Sylvia dahil masama raw ang pakiramdam. Sa magkatabing single couch naman sa left side ay naroon si tito Larry at tita Teresa.

Si Timothy ay nakaupo naman sa lapag sa tapat ni tita Lalaine at nakasandal ito sa mga binti ni tita, nakikita ko pa nga si tita na sinusuklay-suklay ang buhok ni Timothy. Sa likod naman ng couch na inuupuan ni tita Teresa ay naroon si Tommy at minamasa-masahe ang balikat ni tita. Tumabi din si Easton at Westly kay tito Miguel na nasa likod ng couch na inuupuan ni daddy at mommy, pati ni tito William at tita Lalaine. Si Prima naman ay naupo sa armrest ng inuupuan ni tita Teresa at iniyakap pa nga ni tita Teresa ang kamay niya sa baywang nito. Kami naman ni Ern, Lav at Jethro ay nakatayo sa unahan nila.

Para bang mga reporters kami at sila ang mga kaklase naming makikinig sa amin.

Nanlalamig ang mga kamay ko sa kaba habang nakatayo kami, nanginginig pa nga ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay papanawan ako ng ulirat sa matinding kaba. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan at ang malakas na tibok ng puso kong halos tumakas na sa dibdib ko.

Kanina matapos ang nangyaring pagtatalo sa pagitan namin ni Lav at sa pagitan ng mga pinsan ko. Sa huli nagpasya kami ni Jethro na sabihin na ang totoo sa lahat.

Napayuko ako ng maramdaman ko ang pagtakas ng taksil na mga luha sa mga mata ko.

Natatakot ako. Sobrang natatakot ako. Pakiramdam ko sisintensyahan na ako.

"EA, lakasan mo ang loob mo." Bulong sa akin ni Ern na tinabihan ako at hinawakan ang isa kong kamay.

Pinunasan ko naman ang luha ko, bahagya akong suminghot at saka muling nag-angat ng tingin at kinagat ang ibaba kong labi para pigilan ang nanunubig na namang gilid ng mga mata ko.

Nilingon ko si Ern na malungkot na nakatingin sa akin, ramdam ko ang awa sa paninitig niya. Nilingon ko rin si Jethro na nasa tabi ni Lav na ilang pulgada ang layo sa akin.

Nakatingin sa akin si Jethro. Hindi ko mabasa ang blankong ekspresyon ng kanyang mukha, pero tila isinisigaw ng mga mata niya sa akin na lakasan ko ang loob ko. That no matter what happens, I have to be strong. I have to fight for us... with him. Dahil kahit hindi ko sabihin ang nararamdaman ko ngayon, alam kong tignan niya palang ako ay alam niya na ang nararamdaman ko.

"May gusto pong sabihin sa inyo si EA at Jethro." ani Lav at saka siya lumingon sa akin.

"Is that really important at ipinulong niyo pa kami rito?" Tanong ni tito Larry na kunot ang noo habang nakahalukipkip siyang nakaupo sa couch at nakade-quatro.

"Yes tito, siguradong magugulat kayo sa sasabihin nila. Go on, EA, Jet. Tell them. Now."

"Lav, ang sama-sama mo. Sobrang sama mo." Mahina at madiin na sabi ni Ern. Inirapan naman siya ni Lav at saka nito pinag-krus ang kanyang mga braso.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon