Kabanata 24
Skateboard------------
Pagpasok namin sa itim na grand gate ng malaking colonial house ay nabungaran namin na nakatayo sa may harap ng pintuan si mamsie na nakangiti sa amin at sa likod naman niya ay naroon ang dalawa nilang katulong.
Nag-unahan kaming magpipinsan sa paglapit kay mamsie para magmano at yakapin siya.
"We miss you, mamsie." Pikit mata kong sabi habang mahigpit ko siyang yakap.
"Ugh! Ate can you please move a side? I wanna hug mamsie too." Napatingin ako kay Eira na nagkakamot ng kanyang ulo na para bang iritang-irita siya.
Napangiti nalang ako at saka bumitaw sa pagkakayakap ko kay mamsie at pinagbigyan ang kapatid ko na mayakap siya.
"Your dad told me you have a chicken pox."
"Yes mamsie, but don't worry I'll be find now. Pagaling na po ito."
"At handa ng makapanghawa." Sabay tawa ni mamsie kay Eira.
Hindi kami nagtagal sa labas dahil inaya na kami agad ni mamsie na pumasok sa loob.
Sa loob ng bahay ay bubungad sayo ang malaki at puno ng crystal light na chandelier. May isa ring malaking landscape painting na nakasabit sa pader at may malalaking porcelain at ceramic jar na kasing taas yata ni Eira ang iba, may tukador pa nga roon na puno ng mga vintage at babasaging kasangkapan.
Pabagsak akong naupo sa couch pagdating namin sa malaki nilang living room na may chandelier din sa gitna ng ceiling. Itim ang kulay ng mga couch dito, isang mahaba at dalawang single sa gilid, pula naman ang carpet at mga kurtina. Pakiramdam ko ay nasa isa akong palasyo sa tuwing papasok ako rito.
Sa tapat namin ay may malaking flat screen TV at may dalawang malaking black divider sa magkabilang gilid, na puno ng tropies at kung anu-anong mga babasaging muwebles.
Sa ibabaw naman ng isang drawer sa gilid ay may mga picture frame roon kung saan nakalagay ang mga baby pictures naming magpipinsan, pati ang mga pictures ni dad, Jethro at ng iba ko pang tito, pati ang ilan naming mga ninuno. Mayroon ding mga portrait paintings doon ni papsie at mamsie.
"Mamsie, nasaan po si papsie?" Tanong ni Lav habang nakaupo siya sa single couch at nakataas ang paa sa coffee table na nasa gitna, si mamsie naman ay nakatayo sa harap namin at yakap-yakap ni Jethro mula sa likuran nito. Ang cute nilang tignan, habang ipinapatong ni Jethro ang baba niya kay mamsie.
"Nasaan pa ba, eh di nandoon sa office niya sa power plant. Alam niyo naman yon, hindi maiwanan ang power plant."
Si papsie kasi ang nagmamay-ari ng isa sa mga power plant rito sa naga city, cebu.
"Siguradong gutom kayo sa byahe, halika kayo at kumain muna kayo ng almusal." ani mamsie.
Nag-almusal naman kami bago umalis sa pad ni Jethro, pero nakakagutom nga talaga pagkagaling sa byahe.
Nagtungo kami sa malaking dining area na may mahabang mesa. Sa magkabilang gilid ay may tig pitong upuan na gawa sa narra at sa magkabilang gitna ay naroon ang king and queen chair na tanging si papsie at mamsie lang ang nakakaupo.
Hindi nawawalan ng chandelier ang bawat parte ng bahay na ito dahil meron na naman nito dito sa dining area, isang magarbo at eleganteng chandelier na animo na isa kang royal dining room.
Literal na ginto ang mga spoon and fork dito. May malaki at mamahaling painting din ng the last suffer.
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo muna kami sa mga magiging pansamantala naming tutulugan. May sampung kwarto rito at ang tatlo ay guest room, ang isa ay masters bedroom kung saan natutulog si mamsie at papsie at ang iba namang kwarto ay mga dating kwarto nila daddy at ng mga tito ko.

BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...