Kabanata 27

12.3K 262 27
                                    

Kabanata 27
Pansin

----------

"EA, okay ka lang?" Tanong sa akin ni Lav habang kumakain ako. Nasa left side ko siya at nasa right side ko naman si Eira.

Hindi ako tumabi ngayon kay Jethro dahil simula ngayon, gusto kong pigilan na'tong nararamdaman ko sa kanya kasi hindi naman 'to tama.

Mali na magkagusto ako sa tito ko. Pareho ang dugong nananalaytay sa katawan namin.

We can't be together, he'll always be close yet so far from me.

"I'm fine." Tipid kong sagot kay Lav.

Lumipas ang buong araw. Hindi ko hinayaang dumampi ni dulo ng daliri ko kay Jethro, there's always a big spaces between us. Hindi ko rin siya kinakausap, dipende kung magtatanong siya, sasagutin ko nga lang siya ng napakatipid at iilang salita.

Sinubukan ko na maging masaya without everyone knowing how hurt am I right now. How broke I am again.

In life. Sometimes you need to lie and hide those stupid feelings you don't wanna share, because it's better to keep it as a secret, not to be exposed, not to be known, so no one could ever know how fvck up your life is.

Imagine in just a months. I've been experiencing two heartbreak.

Why love is so mean to me? Am I not really capable of it anymore?

Pero ramdam ko sa bawat kilos ko simula kanina, ang mga matang nakatitig sa akin at tila binabantayan ako. At alam ko kung kanino ang mga matang yon dahil sa tuwing lilingunin ko siya ay hindi siya nag-aabalang iwasan ang mga tingin ko, sa halip ay ako pa ang agad nag-iiwas. I just can't stare on him too long kasi baka hindi ko mapigilan at isigaw ko nalang bigla ang iminamaktol nitong puso ko para sa kanya.

Ikalimang araw na namin dito sa naga, cebu. Pakiramdam ko ay nananaba na ako dahil puro kami kain dito. Namiss ko tuloy mag Muay Thai na halos mag aanim na buwan ko narin tinigilan, dati every weekend kung magpunta ako sa gym para mag practice ng muay thai. Yung mga moves, defense, mga basic lang. Nakaka sparring ko yung babae kong trainer at minsan naman ay yung katulad kong nagpapractice at baguhan sa muay thai. Kaya lang nung minsang umuwi ako sa bahay namin na may sugat sa noo dahil sa full sparring na ginawa namin. Natapos ang pag-aaral ko ng kinahihiligan kong Thai martial art dahil sa pagbabawal sa'kin ni dad na ituloy iyon.

Halos limang buwan din akong nag-aral non kaya may ilan na akong alam na defense. Simple pero terible ang malalasap ng taong pagbibigyan ko 'non.

Tahimik ng bumaba ako para kumain ng almusal. Pagtingin ko sa living room ay walang tao, kaya nagpunta na ako sa dining area.

Siguro ay nagkakainan na sila at kasama nila si papsie kaya para na naman silang mga maaamong tupa.

Pagdating ko sa dining area ay naabutan kong nagtatawanan si Eira, Lav, Prima, Ern at mamsie. Napakunot ang noo ko kasi wala ang boys.

"Good morning, Emilia. Mabuti at gising ka na. Come on, sabayan mo kami rito." ani mamsie na ngiting-ngiti sa akin.

"Nasaan po ang boys?"

"Nag jogging. Alas-singko palang gising na ang mga yon para mag jogging." Sagot ni Prima.

"Hindi kayo sumama?" Tanong ko naman.

"Hindi kasi kagigising lang din namin. Plano yata talaga ng boys na sila-sila lang ang mag jogging. Poporma pa yata ang mga yon. Alam mo naman ang mga yon, nature na nila ang pumorma kahit saan."

Naupo ako sa tabi ni Eira at nagsimula narin kumain ng almusal.

Ilang araw ko narin inilalayo ang sarili ko kay Jethro. Ayoko na kasi talagang maramdaman 'tong kakaiba kong nararamdaman sa kanya.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon