Kabanata 7

13K 263 33
                                    

Kabanata 7
Real or fling?

----------

"Emilia Azalea, hindi ka na bata para makipagharutan pa kay Jethro, malaki na kayo. Mga dalaga at binata na. Please act like a lady, Honey." Panenermon sa'kin ni mommy habang nasa kwarto ko siya at nakapamaywang na nakatayo sa harapan ko.

Hindi na nga ako bata, pero para akong batang pinagagalitan niya ngayon habang nakaupo ako sa gilid ng kama ko at sinusuklay ang mahaba at kulot kong buhok na may pagka-brown ang kulay, katatapos ko lang magbanlaw at nakapagpalit narin ako ng isang pink tank top at itim na cutton shorts.

"I just really can't control my anger, my. Ginalit lang talaga ako masyado ni Jethro, 'tsaka hindi naman po ako nakikipagharutan. Ginantihan ko siya kasi binasa niya po ako, kami ni Forseti." Nanghahaba pa ang nguso ko habang nagpapaliwanag ako kay mommy.

"Just don't do that again. Yung nakikipagbasaan ka ng tubig, nakikipag-agawan ng kung ano. Honey, kung daddy mo ang nakakita sa inyo, mas lalong magagalit yon, lalo na't lalaki ang kasama mo."

"What's the big deal? Jethro is my uncle, hindi naman po siya ibang tao, diba?"

"Aba, EA. Kahit sinong lalaki pa 'yan, hindi ka dapat nakikipagharutan. Lalo na't bukas na bukas yung gate na'tin, ano nalang ang iisipin ng mga makakakita sa inyo, madudumi pa naman ang isip ng ibang tao ngayon."

"Okay, fine. My fault. I'm sorry. I will not do it again." Pagsuko ko.

Hinawakan ni mommy ang magkabila kong pisngi. "We just want you to grow up like a real lady, because you are our first princess, EA. " Nginitian niya ako at saka niya ako hinalikan sa noo. Tumalikod narin si mommy at naglakad palabas ng kwarto ko.

Bago isara ni mommy ang pintuan ay may pahabol pa siyang sinabi, "Bumaba ka na, may uwi akong burger and fries for you."

Ikinatuwa ko yon though it's usual, dahil madalas talaga siyang mag-uwi ng ganon paggaling niya sa hospital because she knows how much me, kuya and Eira love those foods from a fast food restaurant. Lumaki kasi kaming dinadala-dala roon ni mommy at daddy that's why we're used to it.

Pagpunta ko sa dining area ay nagkakainan na si Jethro, kuya Luke at Eira. May isang malaking chicken bucket sa gitna ng mesa.

"Where's mine?" Tanong ko agad sa kanila.

Inabot naman sa'kin ni kuya ang burger at malaking fries para sa akin. Pagkuha ko nun sa kanya ay tinabihan ko si Eira na nakatutok sa iPad niya habang kumakain.

"Kamusta ang panenermon ni mommy, EA?" Nakangiting tanong ni kuya na kumakain ng spaghetti.

"Okay lang. Nasaan ka ba kanina at pinababayaan mo ang lalaking yan na maglinis ng kotse mo?" Inirapan ko pa si Jethro na abala sa pagpapak ng fried chicken.

"Naliligo ako kanina. He insisted to wash my car kasi nagsawa yata kalalaro ng xbox."

"Imbes kasi na nangangapitbahay ka rito Jethro, why don't you do your school works? Si Forseti nga, sa sobrang busy niya nababawasan na yung time namin sa isat-isa, tapos ikaw... Nandidito at nanggugulo."

Napatingil si Jethro sa pagkain ng fried chicken at kunot noo niya akong tinignan.

"So, it's not my fault and what did you just say? He's busy?" May himig ng pagtataka sa boses niya. "Eh wala nga kaming ginagawa masyado ngayon. Anong pinagkakaabalahan niya? Hindi pa kami graduating students na busy sa mga clearance nila, EA. Sila ang priority ng ilan sa mga prof. ngayon, kaya hindi nila kami gaanong binibigyan ng mapagkakaabalahan."

Napailing-iling ako at at napaisip. Kung wala silang ginagawa masyado, ano ang ginagawa ni Forseti?

"Baka naman iba ang pinagkakaabalahan ng boyfriend mo ngayon, EA? Paano kung may bago na palang kinalolokohan ang boyfriend mo?" Ngumisi pa si Jethro na tila nang-aasar at saka niya muling pinagpatuloy ang pagkain niya ng fried chicken.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon