Kabanata 34
More than him------------
Alas-nuebe na ng magising ako at ang mga pinsan ko, pagbangon ko ay pinasadahan ko ng tingin ang apat na sulok ng guest room na kinaroroonan namin. Kami-kami nalang palang magpipinsan ang narito sa loob, wala na si Melanie sa tabi ni Ern at malinis na ang mga pinaghigaan ang mga kaibigan ni Timothy at Easton na kasama naming natulog rito.
Palibhasa'y kami naman ng mga pinsan ko ang mga nahuling nagsitulog kagabi kaya di kataka-takang kami ang huling magigising.
Nag-unat ako kasabay ng paghikab. "Good Morning." Bati ko sa mga pinsan ko na wala pa yatang planong magsibangon sa higaan. Tahimik lang silang nakatutok sa kani-kanilang cellphone.
"Ugh! Sakit ng ulo ko." daing ni Prima na sinapo ng kanyang palad ang kanyang noo at pikit mata na napapangiwi habang nakahiga parin sa kama, katabi si Lav.
"Let's drink coffee, mawawala yang hangover mo. Get up!" Tumingin ako sa gilid ko kung saan katabi ko si Ern na panay din ang tipa sa kanyang cellphone, tulad ni Lav. Pangiti-ngiti pa nga ang pinsan ko na animo kinikilig.
"Tara kain na tayo." Tinapik ko ang hita nito at saka ko itinali ang buhok kong kumulot na naman, bago ko dinampot ang cellphone ko na inilagay ko sa ilalim ng aking unan.
Pagbukas ko ng phone ko ay nagulat ako sa maraming messages ni Jethro. Halos siya lang ang laman ng inbox ko.
Jethro:
Good Morning, darling.Jethro:
Darling, wake up. I'm excited to see you.Jethro:
I love you. Emilia Azalea Elizconde and I'm so lucky to have you. You're the most amazing girl that I've ever met and I won't never ever let someone stole you from me.Napapangiti nalang ako habang binabasa ko ang mga text niya. Ganito pala siya ka-sweet?
Jethro:
I hope someday... I can tell the world that you're mine and I'm yours. That everything is okay. No more hiding. All we have is the truth that we're in love.Jethro:
Darling, gutom na ko. Bangon na. Wala akong ganang kumain ng hindi ka kasabay.Seriously? Hindi parin siya kumakain?
Tinignan ko kung anong oras niya pinadala yung message niyang yon.
7:34am
Pasado alas-nuebe na ngayon. Siguradong gutom na si Jethro. Loko-loko talaga ang lalaking yon!
Napakamot ako ng ulo ko at nagmamadali akong tumayo sa hinihigaan naming foam ni Ern at saka ako pumasok sa banyo para maghilamos at mag toothbrush.
Paglabas ko ng banyo ay nagsibangon narin ang mga pinsan ko at nagliligpit ng hinigaan nila, niligpit ko narin ang akin at saka kami lumabas ng kwarto.
Tila nag slow-mo ang lahat habang pababa kami ng hagdan at nakatayo sa ibaba si Jethro na nakangiti at nakatingin sa akin.
Ang sarap-sarap sa pakiramdam na makita siya. Para bang gustong-gusto mo ng simulan ang umaga kapag nakita mo ang mukha niya. You'll feel alive, you'll feel wonderful. You'll feel love or ako lang ang nakakaramdam 'non kapag tinitignan ko siya. Of course I'm in love with him. We love each other.
"Good Morning." Bati niya sa lahat mga pinsan ko. Binati rin siya ng mga ito bago niya muling ibinalik ang tingin niya sa akin. "Good Morning." bati niya sa kanyang baritonong boses na nagpalundag sa puso ko, lalo na ang mga tingin niyang tila tumatagos sa kaloob-looban ko at kinukuha ang kamalayan ko.
BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...