Kabanata 23
Then don't-----------
"What the...hell!"
Nanlalaki ang mga mata ko ng lumapit sa akin ni Jethro tulak-tulak ang isang malaking push cart kung saan nakasakay roon si Eira na nakasuot ng hoodie, syempre para maitago ang kanyang nakakahawang bulutong, nagkabulutong narin si Jethro ayon sa kanya kaya hindi siya natatakot na lumapit sa kapatid ko.
"Eira! Bumaba ka nga dyan!" Saway ko sa kapatid ko.
Nakakahiya silang dalawa. Ginagawa nilang playground itong grocery store.
"Ang KJ mo, ate." ani Eira.
"Oo nga." Sulsol naman ni Jethro.
"Para kayong mga bata. Hindi ka ba nahihiya, Eira? Sumasakay ka dyan, baka nakakalimutan mo, mag te-ten years old ka na."
"Alam mo ate, sa sobrang KJ mo, nagmumukha ka ng matanda. Ilang taon ka na nga ulit? Hmm...eighteen, right? But then you look like twenty five."
Sinamaan ko ng tingin ang kapatid kong nakakalokong nakangiti sa akin. Umangat naman ang tingin ko kay Jethro na nagpipigil naman ng tawa.
"Bahala nga kayo dyan! Kukuha nalang ako ng basket."
Tinalikuran ko na silang dalawa at naglakad palayo sa kanila.
"Hey, EA! Hindi ka naman mabiro." Dinig kong sabi ni Jethro.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila niya ako paharap sa kanya.
Pagharap ko sa kanya ay para akong nahipan ng masamang hangin ng mapatitig ako sa gwapo niyang mukha.
"Sorry na."
Napaawang ang bibig ko ng ngumuso siya sa akin at para akong nawalan bigyan ng lakas sa nagsusumamong expression ng kanyang mukha.
How can you not forgive him when he's giving me that kind of expression?
"Jet, ano ng nabili niyo?"
Napalingon ako sa likuran namin at nakita ko roon si Easton na tulak-tulak din ang isang push cart kung saan nakasakay naman doon si Prima.
Napataas ang isa kong kilay.
"Prima? Ikaw din?"
"Hi, EA." Bati niya sa akin, kumaway pa nga siya. "Kuya, dun tayo sa dulo kukuha ako ng chips delight."
"Alright."
"EA, baka gusto mo rin sumakay sa push cart?" Tanong ni Jethro pag-alis ni Easton at Prima.
Nilingon ko naman siya at inirapan.
"Ate, tito! Let's go."
Magkasabay naming nilapitan ni Jethro si Eira at muling itinulak ni Jethro ang push cart.
"Ate gusto ko ng pepero."
Kumuha muna ako ng tatlong pirasong pringles na ibat-iba ang flavor at saka tinulak ni Jethro ang push cart, hanggang sa makarating kami sa tapat ng lalagyan ng pepero.
"Ate, apat kunin mo."
"Ang dami naman ang mahal kaya niya yan, tapos konti lang naman laman."
"Kaya nga apat ang gusto ko eh, para marami. Bitin sa tatlo, te."
"A basta tatlo lang, marami pa tayong bibilhin, Eira."
Napakamot ng ulo niya si Eira habang naka pout. "Ate naman eh!"
BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...