Kabanata 42
Love life----------
Pagbaba namin ni Ern ng rooftop at pagbalik namin sa mga pinsan. Umakto kami na parang walang nangyari, hinagilap pa nga agad ng paningin ko si Jethro.
"Saan kayo galing?" Tanong ni Lav. Si Ern naman ang sumagot sa kanya, habang ako ay nakatitig kay Jethro na nakasandal sa puting pader. Nakahalukipkip ang isa niyang kamay at ang isa ay nasa kanyang baba, habang nakatingin siya sa salamin kung saan nakikita niya sa loob si papsie.
"Ililipat na si papsie ng room mamaya, pero kailangan niya pang manatili dito sa ospital ng mga ilang days." Napalingon akong muli kay Lav dahil sa sinabi niya at pinasadahan ko ng tingin ang iba kong pinsan.
Si Timothy ay nakasalampak sa gilid ng sahig at panay ang tipa sa kanyang cellphone. Si Westly naman ay nakapasak ang earphone sa kanyang tenga habang nakaupo siya sa dulo ng white bench. Nakahalukipkip siya at naka dekwarto habang nakapikit, katabi niya si Prima na nakahilig ang ulo sa kanya at katabi naman ni Prima si Easton na kausap si tita Sylvia.
Si Tommy ay nakatayo sa dulo ng hallway sa tapat ng bintana roon at may kausap ito sa phone niya.
"Sabay-sabay tayong mag-lunch mamaya. Tapos ang tito Larry mo, tita Sylvia at tita Ebony mo ang maiiwan dito para bantayan ang mamsie niyo, pag-uwi natin ng mandaue." ani mommy.
"Babalik nalang siguro kami dito bukas, kailangan din kasi ako sa ospital eh, hindi ako pwedeng mag leave, marami din akong pasyente and yung daddy mo naman at ang ilan mong tito, kailangan nilang asikasuhin ang E.E Corp. at yung kaso ng mga board members na nakipag kuntyaba sa mga Pedrosa. Hindi magugustuhan ng papsie niyo kung tutunganga sila dito. Baka mamaya may mangyari na naman sa E.E Corp."
"What about the power plant?" Tanong ko.
"Your tito Larry will take care of it. Si Jethro ang makakasama ng mga tita mo dito at ng mamsie niyo."
Magpapaiwan pala siya.
"What about us, my? Pwede po bang magpaiwan din ako dito?"
"EA. Ang mamsie niyo na ang nagsabi sa amin na pauwiin na kayo dahil may mga pasok pa kayo."
"Gusto ko rin po magpaiwan, my. Tutal nandito naman po si Jethro."
"Uuwi na tayo mamaya, EA. I think gusto ni Jethro na mag-isa. Sa kanilang magkakapatid siya ang nakita kong pinaka nag worried kay papa. Bigyan mo siya ng time para makasama si mamsie at papsie."
Napanguso ako. "I got it, my."
Muli kong tinignan si Jethro. Kausap siya ngayon ni tito Fredrick.
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko kay mamsie ng lumabas na rin siya sa wakas ng ICU. Simula kasi ng dumating kami ay hindi siya lumabas doon.
Malayo sa masayahing mukha ni mamsie ang mababakas ngayon sa kanya. "Okay na si papsie, mamsie. You don't have to worry too much. Babalik po kami bukas dito." Hinalikan ko siya sa pisngi.
Niyakap ko rin at hinalikan sa pisngi ang mga tita Sylvia at tita Ebony ko, pati si tito Larry at ang panghuli ay si Jethro na mabilis kong hinalikan sa pisngi.
Hindi naman siguro maghihinala ang mga pinsan ko dahil ganoon naman kami minsan kapag nagpapaalamanan.
Sinamantala ko ang pagkakataon na yakapin muli si Jethro, but this time. Nakikita kami ng mga pinsan ko, ng mga tito at tita ko, ni kuya ni mommy at ni daddy. Ito ang unang beses na nagyakap kami ng may nararamdamang mas higit pa sa magkapamilya at sa harap ng pamilya namin.
BINABASA MO ANG
If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Teen FictionEmilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. Ngunit hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na mayroon ka ay mananatili sayo. Ang iba mawawala. Still...