Kabanata 35

12.2K 232 27
                                    

Kabanata 35
Basketball

----------

Halos karamihan sa mga naririto ngayon sa gymnasium ng usc downtown campus ay ang engineering department ang isinisigaw, habang mainit ang nagiging laban sa pagitan nila at ng college of Education.

Nakaka two consecutive wins na ang CoE at last year ay si Jethro ang naging MVP, kaya talaga nga namang marami ang supporters nila. Karamihan din kasi sa mga players ng CoE ay mga members ng Warriors. Ang official men's basketball team ng University of San Carlos.

"Go! Elizconde!" Sigaw ni Ern, Prima at Lav na may mga hawak na mga mahahabang lobo na kakulay ng green basketball jersey ng mga CoE.

Ako naman ay tahimik lang na nanonood at sa kanan ko ay tahimik lang din si Melanie, sa tabi niya ay si Camila at si Bianca, pati ang mga kaibigan ng mga ito ay si Jethro at ang mga pinsan ko ang chinicheer.

Nasa left side bleachers kami at sa right side ay nakikita ko roon si kuya na kasama ang mga kaibigan niya, may katabi pa siyang babae na katawanan niya. Sa pinakaunang row ng bleachers sa likod ng kinauupuan ng mga CoE team ay naroon si Penelope at ang mga kaklase namin na parati niyang kasama.

Ipinasa ni Easton ang bola kay Jethro, na nasa ilalim ng ring at sa bilis ni Jethro ay hindi napigilan ng nagbabantay sa kanya ang pag dunk niya ng bola sa ring.

Naghiyawan ang lahat sa ginawa niya. Napangiti at napapalakpak nalang ako sa kanya. Lumingon pa siya sa direksyon namin at tila tinambol ng malakas ang puso ko ng magtama ang mga mata namin at isang matamis na ngiti ang binigay niya sa akin, kumindat pa nga siya.

"OMG! Kinindatan niya ako." Bulalas ng babae sa likuran ko.

"Gaga! Para sa'kin yon."

"Tangek! Akin yon. Wag kayong feeling."

Dinig kong bulalas ng mga babae sa likuran namin ng mga pinsan ko.
Lihim nalang akong napapangiti sa kanila sa katotohanang para talaga sa akin ang ngiti at kindat na 'yon ni Jethro.

Halos malagutan na ng litid ang ilan kakasigaw ng pangalan ni Jethro na seryosong binabantayan ang kalaban niyang may hawak ng bola ngayon at idini-dribble pa nito iyon habang nakangisi ito kay Jethro, tila ba nang-aasar ang mga ngiti nito.

"Jethro! Jethro! Jethro!"

Cheer ng marami at sino bang hindi gaganahan kapag pangalan mo ang naririnig mong isinisigaw ng crowd?

Dahil sa cheer na'yon ng marami sa mga carolinians. Nakuha ni Jethro ang bola sa kalaban niya at mabilis na tumakbo siya papunta sa ring.

Ngunit umalingaw-ngaw ang matinis na tunog ng sapatos niya ng kumaskas iyon sa makinis na sahig ng gym. Napahinto kasi siya sa pagtakbo ng biglang humarang sa kanya ang kalabang nagbabantay sa rebound, pero magaling humanap ng tyempo si Jethro. Magaling siyang manlinlang ng kalaban. He's a good tricker in the court, kaya sa huli ay naipasok niya ang bola.

Kasabay ng malakas na hiyawan ng mga babaeng kinikilig sa kanya ay ang pagtunog ng time buzzer, hudyat ng pagtatapos ng second-quarter.

"Galing ni Jethro. Halimaw ng basketball court!" Tuwang-tuwang sabi ni Ern na winawagayway ang kanyang mga hawak na lobo.

Muli namang hinanap ng paningin ko si Jethro.

Nakikipag high-five siya ngayon kay Easton na pinalo niya pa ang pang-upo. Nakipag high-five din siya sa iba kong pinsan at sa mga teammates niya, pati ang mga naka bangko na players kasama na roon si Timothy at Westly.

Naupo si Jethro sa isang puting upuan at muli siyang tumingin sa kinaroroonan namin.

Nawala ang tingin niya sa amin ng kausapin siya ng coach nila. Tumatango lang siya sa lahat ng sinasabi nito, nakita ko pang tinapik siya nito sa balikat.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon