Kabanata 40

11.4K 226 48
                                    

Kabanata 40
Can't Sleep

----------

"Oh my God! That's enough. Please, awatin niyo sila."

Hindi ko na napigilang mapaiyak habang nakikita kong nagsusuntukan sa pool si Jethro at Forseti.

"Wow! Pool fight!" Napakunot naman ang noo ko at napalingon ako sa nagsalitang yon. Nakita ko si Adam. Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Nakahalukipkip siya habang nakangisi at tila nanonood siya ng isang nakakatuwang palabas.

Susugurin ko sana siya para itulak din sa pool pero biglang dumating sina Lav, Prima at Ern. Kasabay ng pag-awat ng mga pinsan kong lalaki kay Jethro at Forseti.

"OMG! Bakit nagra-rumble ang dalawang yan?" Takang tanong ni Ern.

"Jet, enough! What the fvck is wrong with the both of you?" Matigas na singhal ni Westly ng umawat sila sa dalawa.

"Nawala ka bigla sa tabi namin, EA? Saan ka ba nagpunta? Anong nangyari?" Tanong naman ni Lav.

Imbes na sagutin ko siya ay nagmamadali ko nalang sinalubong si Jethro na akay-akay ni Westly at Timothy. Habang si Forseti naman ay kausap ni Third at akay ni Easton at Tommy.

Naalala ko bigla yung mga nangyari noon. Noong pumunta rin kami sa isang party noong sinulog days at sinuntok ni Jethro yung mga lalaking nambastos sa akin. That was three years ago if I remember.

Nandyan siya parati para protektahan ako. Masarap sa pakiramdam na pinagtatanggol niya ako, na handa siyang makipagbugbugan para sa akin, pero ayoko nun. Ayoko ng nasasaktan siya.

"Jethro!" Pagtawag ko sa kanya habang kinakausap siya ni Westly at Timothy. Naroon din sa tabi niya ang mga kaklase niya noong highschool na ipinakilala niya sa amin kanina, pati yung babaeng halatang may gusto sa kanya.

Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha ng babae habang hawak niya ang mukha ni Jethro na agad naman lumingon sa akin ng tawagin ko siya.

"Emilia, okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin habang tumatakbo ako papalapit sa kanya.

Ako pa talaga ang tinanong niya kung okay lang ako. I'm supposedly the one asking him about it and obviously he's not okay. Just by looking at those wounds on his face, pakiramdam ko unti-unting dinudurog ang puso ko.

"God! Your face, Jethro. Your face. It's bleeding." Humihikbi kong sabi kasunod ng pagyakap ko sa kanya.

Isang mahigpit na mahigpit na yakap at naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin.

"This is my fault."

"No, EA. This isn't your fault. Never."

Sa ngayon, wala akong pakialam kung makita man ng marami na nagyayakapan kami. I just want him to feel that I'm so worried.

Kumalas ako sa pagyakap sa kanya at hinawakan ko ang mukha niya. Naiiyak talaga ako habang nakikita ko ang mga dumudugong sugat sa mukha niya.

"EA, sorry sa lahat." Napalingon naman ako ng marinig ko ang boses ni Forseti. Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya habang akay na siya ngayon ng mga kaibigan niya.

"Wag kang magkakamaling lumapit kay, EA. Masusuntok ulit kitang gago ka." Madiin na banta ni Jethro.

"Jet!" Saway naman ni Lav.

Dumudugo rin ang mukha ni Forseti. Mas marami pa nga ang sugat na tinamo niya, pero wala akong maramdamang awa sa kanya.

"Sorry sa lahat ng pagkakamaling ginawa ko. Sa pagiging manloloko ko at sa pamimilit kong makuha agad ang kapatawaran mo. Hindi ako umaasang babalik tayo sa dati, pero, EA... sana kahit kay Cheska nalang. She miss you so much. She misses her bestfriend."

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon